Mahal akala ko ikaw na.
Akala ko mahal natagpuan ko na siya.
Siya? Oo, siya.
Siya. Siya na ang aking panapangarap.
Siya. Siya na hindi siya gwapo pero kumikinang sa paningin mo.
Siya. Siya na gigising pa lalo sa bagong gising na ikaw dahil sa text niyang "good morning"
Siya. Siya na mas lalong kakamalma ang aking gabi at mahimbing na makakatulog na may ngiti sa mga labi.
Siya. Siya na kahit tinalikuran ka na ng mundo, mananatili siyang nakaalalay at tutulungan ka na makaagon sa sakit na dulot ng pagkabigo.
Siya. siya na kaya kang turuan na kahit sa mga pinakasimpleng bagay sa mundo ay may katumbas na kaligayahan.
Siya. Siya na magmamahal sayo kahit sa sobrang ang hirap-hirap mong mahalin.
Siya. Siya na handing magmahal sa bawat pangit na bagay na pakiramdam mo nasa sayo.
Siya. Siya na kayang pawiin ang lungkot na nadarama mo at handing gawin ang lahat mapatawa ka lang.
mahal masaya naman ako eh, masaya ako. Pero mas masaya sana ako mahal kung ang "siya" ko ay hindi na "siya" ng iba. Ang "siya" ko na hindi na pwede kasi pagmamay-ari na ng iba.