In a Parallel Universe
A story for you
Sa ibang mundo siguro akin ka at tayo ang pinagtagpo. Sa ibang mundo siguro saakin galing ang isang pangako. Sa ibang mundo siguro matatawag kitang 'akin.' Sa isang sulok ng panahon, hindi kita hawak ng patago.
"Tito, bukas ko nalang po isesend"
"Ay okay lang, mukhang hindi rin ako makakalaro"
- Tugon mo, dahil sa kinabukasan ko pa maipapadala ang hinihingi mong 'Aim Settings'
Na kung saan tayo ay pinaglapit dahil sa larong atin ay kinalilibangan. Nagsimula sa paghingi ng "maayos na tutok." Parehas nating hindi inakala na mapapadpad tayo sa isang sitwasyong wala rin tayong kalam-alam na dun tayo dadalhin ng panahon.
"Gian Tuazon" pagpapakilala mo kasabay ng pagsambit mo sa mga pangarap at sa kusang paglahad ng kwento ng buhay mo. I let you tell your story kase gusto ko rin makipagkaibigan. All I really want is just a friend at that time but things changed since one Sunday came.
"Oi Ashleng magsisimba na tayo" tawag sakin ni mama.
"opo ma papunta na po" tugon ko
"mas nabubuhay at mas naaalagaan ka kapag minamahal at nagmamahal ka" sermon ni Father.
Pagkatapos ng misa, aking sinabi sayo ang mga kataga na aking natutunan. Unang pagsabi ko sayo ng kung anong aking nararamdaman. It didn't have to be like that pero that's what Father said. Kinakalat ko lang ang kanyang magandang aral.
From that very point, everything has literally changed. You and I turned to lovers from strangers. Tayo ay masaya, magkasundo at laging may pagkakaintindihan.
"Salamat Valo" ang laging kataga mo sa tuwing naaalala at nakikita o kung gaano tayo kasaya.
Sa sobrang saya natin, tila ba'y wala nang makapaghihiwalay sa pagmamahalang pinagbuklod nating dalawa. Kahit malayo sa isa't isa, nararamdaman parin ang init ng pagmamahalan kahit tayo'y tulog na.
Ngunit, may biglang nagchat sayo. Isang lalaking hindi mo kakilala na siya nama'y kilala ko.
"Pwede bang magtanong?" sa linyang kanyang pinadala, alam ko na kung ano ang pinapahiwatig niya.
Siya ay si Miguel Diaz, ang long-term boyfriend ko na hindi pa makaget-over kase mahirap akong kalimutan charot. After him chatting you, I did change. I went from 100 to 50. I don't know, it maybe because I know what he's feeling. I can sense that he wants me back kase we've broken up while he's having depression.
Pagkatapos ng iyong pag uusap, nagbago ang lahat. Ang masayang tayo, nauwi sa "Sige pakalma ka muna," "nandito lang ako," at "maaayos rin natin ang lahat."
Nagsimula sa "Salamat at nakilala kita" at nagtapos naman sa "Masaya ako't nakilala kita"
Pagmamahalan nating tila ba'y nawala na para bang bula.
Ilang linggong pinagisipan kung sino ng aba ang pipiliin. Ang taong mahal ko o ang taong mahal ako. Pinili ko yung taong kailangan ako, hindi dahil sa awa pero dahil na rin sa pagsasama naming minsan ay kanyang ikinasaya. Ayokong lamunin ako ng konsensya kapag isang araw hindi niya nakayanan ang depresyong kinakaharap niya na kung saan sa puntong kailangan niya ko dun pa ako nawala.
Gian, sana sa pagkakabasa mo nito, mas maliwanagan pa tayo sa kung ano at bakit nangyari satin ito.
Siguro sa ibang mundo, ikaw at ako hanggang dulo. Siguro sa ibang mundo hindi kita itatago at sa ibang mundo siguro, ikaw ang pinili ng isa pang ako.
In a parallel universe, there will be a happy and a peaceful version of us.
I'll see you in the next version of us in the parallel universe.