Ikalawang Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalawang Kabanata:

Hmmm... Ang sarap naman ng tulog ko. Hahahaha ang lambot ng kama dito tas ansarap pa ng hangin na galing sa Aircon. Ang ganda pa ng ambianca na nag padagdag sa pagiging kalmado ko kagabi.

"Good morning" Narinig kong bati ng isang bosea lalaki sa aking tabi na kahit hindi ko na idilat ang mata ko ay alam kong katabi ko lamang sya.

"Good morning din" antok na bati ko saka umikot paharap sa kabilang pwesto.

teka. Ano ulit yun?  Good morning?  boses lalaki?  sa tabi ko?  O!  TO THE M!  TO THE G! 

"KYAAAAAHHH!!!" sigaw ko at napabangon ng di oras at napatingin sa katabi ko na komportableng nakahiga habang ang ulo ay nakasandal sa headboard ng kama. 

Agad kong tinignan ang ilalim ng comforter kung may damit pa ako. Huhu kahit wala akong maalala sa past ko ayoko namang bigla nalang akong mabuntis ano!  Huhu di maganda yun tignan para sa isang katulad kong dyosa!  -- ay teka, di ko pa pala nakikita ang sarili ko. Pero TEKA!  di padin magandang tignan yun ano! 

Narinig ko namang tumawa ang katabi ko kaya tinignan ko sya ng matalim. " come on. Hindi kita aanuhin!  hahaha wala akong ginawang nasama sayo!  hahaha sa gwapo kong to?  aba at sinuswerte ka ata!  hahaha" Pag mamayabang nya pa at tumayo na.

psh!  hangin mo aeson!  nako nako nako.

"Woooohh! ang hangin aeson ah?  Baka bumagyo na ah?  ingat ingat!" pang babara ko naman kaya parehas kaming natawa.

"Hhaha tara dalian mo!  mag ayos ka na at Mag uusap pa tayo tungkol kung anong ginagawa mo doon sa pool kahapon." sabi nya at sumeryoso. Nag karoon naman ng kaunting kaba at hiya  sa Loob ko kaya unti-unti kong binaba ang tingin ko.

"Eh kasi ganito yu----"

"Shut up. Mamaya mo na sabihin. for now, mag ayos ka muna at mag aalmusal tayo sa baba bago pa mag bukas ang Resort." Mahabang paliwanag nya. Napa pout naman ako dahil sa pag pigil nya sa pag sasalita ko. Eh? pero mag aalmusal daw?  Eh parang di naman ako gutom tsaka, Baka di nanaman ako makita ng mga tao! Eh sya lang naman ang nakakakita saakin eh! 

"Aish!  let me explain it to you again aeson.  unang-una, Di ako nagugutom. Di ko alam pero para talagang di ko feel kumain. Tsaka pangalawa, Pano ako kakain kung di ako nakikita ng ibang tao?  baka matakot lang sila kasi may lumulutang na kubyertos" mahabang paliwanag ko. 

"teka teka ha?  Ano?  di ka nakikita ng ibang tao?  edi ano ka,  multo?  Engkanto?  hahahaha" Natatawang pang aasar nya kaya sinamaan ko agad sya ng tingin.

"Nako!  Nako!  Kung engkanto nga talaga ako sana patay ka na ngayon! " sabi ko at nag roll eyes sakanya. Tunawa lang naman sya at nag peace sign.

"Sorry na babes." Pang aasar nya pa at inakbayan ako. aba at gago ata to ah?  Makaakbay! kala mo close na close kami!

"Close tayo? Bitaw nga!" Sabi ko at tinanggal ang akbay nya. Putcha to.

"Pagkatapos kita patulugin dito ganyan ibibigay mong thank you?  Aba!  ang bait mo din palang engkanto ano?" Pang aasar nya pa saka tumawa ng malakas kaya naman binatukan ko sya. Putcha to!  Ako?  Engkanto?  Sa itsura kong to? 

"Tigilan mo ko Ace ah!" inis na sabi ko saka nag roll eyes ulit.

"Ace?  Ano yun?  Ang cute naman. Tawag mo saakin?  So sweet bebe girl! Hahahaha" Pang aasar nya muli kaya padabog akong tumayo paalis ng kama at nag roll eyes pa.

"CHE!" sigaw ko at binato sya ng unan na madali nya namang nailagan.

"hahahaha so ano ka nga. Engkanto ? Multo?" Seryosong tanong nya at pinulot ang binato kong unan saka inalagay sa itaas ng tyan nya saka inayakap.

Napayuko naman ako sa tanong nya.  Ano nga ba ako?  Engkanto ? Multo?  O mas malala pa doon?  Demonyo? Napaluha nalang ako dahil kahit anong tanong ko sa sarili ko ay hindi ko padin masagot.

"So, you don't know?" tanong nya naman kaya inangat ko ang ulo ko at tinignan sya. Tumango-tango ako sakanya saka Pumatak nanaman ang luha ko.

"Sorry." Tanging sabi ko at umupo sa kama. Tumalikod ako sakanya dahil nahihiya akong makita nya akong umiiyak. Mamaya baka asarin nya nanaman ako eh.

Naramdaman ko ang pag Galaw nya sa kama pero di ko padin sya tinignan. "Ssshh, Don't cry. Don't worry, i will try helping you" sabi nya at naramdaman ko ang pag himas nya sa likod ko.

"Really?!" excited na sabi ko

tumango-tango naman sya "but for now you need to eat first" sabi nya habang nakangiti. Napangiti naman ako sa sinbi nya at tumango bago tumungo papuntang CR.

~~

"So anong Buong pangalan mo?" Tanong ni aeson saakin. Nandito kami sa pool area na para lamang sakanya at sa sinasabi nyang kapatid nya. Nacucurious man ako sa kapatid nya ay di ko na sya tinanong tungkol doon. Dahil halata namang ayaw nya pag usapan yon,mamaya pag tinanong ko magalit pa at di ako tulungan malaman kung sino talaga ako eh. Edi mag mumukha akong tanga para suyuin sya. Hehez.

"Ang pag kakaalala ko Xyrielle Jhane Ignacio ang pangalan ko. Yun lang ang naalala ko eh. Wala nang iba pa" Sabi ko habang nakatungo At pinag didikit ang dulo ng sapatos ko. Ewan ko ba. basta sabi ny kanina ay nung hinawakan ko daw ang sapatos eh hindi na daw nakita iyon ng mga maid. siguro lahat ng hawakan ko ay hindi na nila nakikita. Ano kaya kung pag tripan ko sila?  Mwahahahahaha

"Huy!  ano bang iniisip mo? kanina pa kita tinatanong pero Bigla bigla ka nalang nag ngingiting pandemonyo dyan! ay, demonyo ka nga pala hahahah" pang aasar nya kaya agad ko syang tinignan ng matalim at pinag hahampas. "Ano?  ako demonyo?  Dyosa ako ano!  Dyosa!" inis na sabi ko at pinag patuloy ang pang hahampas sakanya.

"Anong sabi mo xay?  ikaw? dyosa?  Eh ang dyosa magaganda!  ikaw? -- nevermind" Pang iinis nya kaya itinaas ko ang kamao ko at akmang susuntokin na sya ng bigla nya akon hatakin sa bewang at idinikit ang Bibig nya sa tenga ko.

"sige ka, Pag sinapak mo ko Wala nang tutulong sayo" Bulong nya saka lumayo at tumawa. Natigilan naman ako saka nag pout at sinamaan nalang sya ng tingin habang sya ay tawa padin ng tawa.

"Nako!  Kung di lang kita kailangan matagal na kitang sinapak gago ka!" inis na sigaw ko sakanya Pero tuloy padin sya sa pag tawa kaya naman tumayo nalang ako at lumakad palayo pero nakakailang hakbang palang ako ay may naramdaman na akong humawak sa Braso ko kaya napangiti ako at tinignan sya pero nabigla ako ng








Ng dalawa silang nakita kong nakahawak sa braso ko.

Wait, Sino yung isa?

======

A/N: maiksi ba nga beh?  Hahahaha sorna. Dapat kasi talaga bawat chapter ay isang buong araw pero masyado atang mahaba kung isang buong araw kaya Hinati ko nalang.  So basta yun. Hahahaha. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 days DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon