Tragic Past

10 0 0
                                    

Dahil sa pag iwan sa kanila ng kanyang ama,naging malungkutin ang kanyang Ina.
Palagi itong walang imik.

Walang kapamilya sa lugar na tinitirhan nila ang kanyang ina,kaya wala itong makausap at mapag sabihan sa kanyang  problema.
Dumating ang araw na nagkasakit ang kanyang Ina,walang wala sila ng mga panahong iyon .

Walang tumutulong sa kanila at kahit na bata pa alam nya na kailangan nyang mag hanap ng mapagkukunan ng pera pan tustos sa araw araw para makaraos sa pagkain at gamot ng kanyang Ina.

"Aleng Maria maglalako po ako ng banana cue na luto ninyo,para po madaling maubos." Pangungumbinsi nya sa kapitbahay na nagluluto ng meryenda.

"Naku ineng eh marunong kana bang mag bilang ?tanong ng ale sa kanya.

" Aba oo naman po,katunayan nga po ay honor student nga po ako kung di lang ako natigil sa pag aaral.!

"Oo nga eneng,alam ko yan.!Sayang nga at hindi kana ng aral.Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng ama mo at iniwan nya kayong mag Ina.Napaka walang kwenta naman ng tatay mo.Tapos yung nanay mo pa,halos mabaliw pa sa nangyari,!

Napatunganga nalang ang musmos na si Monica sa ginang.

" Hindi nga nabaliw ang nanay mo ineng kaso nag kasakit naman,at imbes na alagaan ka nya ,ayan at ikaw pa ang ng aalaga sa kanya.Alam mo iha kung hindi lang marami anak ko aampunin nalang kita."dagdag pa ng matanda.

Napaiyak na si Monica sa mga sinasabi ng ginang.

"Ay iha pasensya kana,tahan na.H-h-hin hindi ko ,ay iha tahan na,pasensya kana.Maglako kana ng paninda ko at mag kapera kana iha." Hindi magkaugaga na paghingi na pasensya ng ale sa kanya.

At dahil nga musmos pa,nagliwanag bigla ang kanyang mukha sa tinuran ng ale.

Pagkatapos maglako,masayang masaya siya dahil may pera na sya pambili ng gamot para sa nanay nya at binigyan pa sya ng apat na bananacue nung ale.
Dumaan muna sya sa botika para bumili ng gamot para sa kanyang Ina at diritso na siya sa bahay nila.

"Nay nandito na po ako," masaya nyang bati sa kanyang Ina na nakahiga sa upuan sa kanilang sala.

"Alam mo nay may meryinda akong dala,ilalagay ko lang sa pinggan nay saka mag sasaing na din po ako.

Nilagay nya sa pinggan ang banana cue at inilapag ito sa mesa na nasa harap ng kinahihigaan ng kanyang Ina.
Bumalik uli sya ng kusina para magsaing na ,pagkatapos ay masaya siyang bumalik ng sala.Nakahiga pa rin ang kanyang Ina.

" Nay kainin nyo na po itong dala ko.*

Walang imik ang kanyang Ina.

"Nay .

Niyugyog nya ito .

" Nay..
"Nay???

Kinabahan siya,parang biglang bumilis ang tibok ng puso nya,*bakit parang malamig si inay.?sa isip isip nya ito.

" Naaayy!!!
Napasigaw na siya.

"Tulong !!Tulongan nyo ako..'tumakbo sya palabas ng bahay.

" Tulong!!Tulong si nanay ,si nanay.!!

Parang wala namang nakakarinig sa kanya.Napakabilis ng tibok ng puso nya.Sigaw sya ng sigaw wala paring dumarating para tumulong sa kanya.

Sa isip isip nya
"May nakakarinig ba sa kin.??

" Tulong !Tulong si nanay. !

Hanggang sa nagdidilim ang paningin nya at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso nya,sigaw siya ng sigaw ,parang  naninikip ang dibdib nya.

And everything went black.

Knock!knock!knock.

Bumalik sya sa kasalukuyan dahil sa katok na narinig.
At gaya ng parating nangyayari hilam sa luha ang kanyang pisngi dahil sa mga naalala.

Oooohhh..kapagod naman ng chapter na to.mahirap po kasi I'm only using my phone.And its not an iPhone guys..Masyado akong poor para makabili ng ganun.

Anyways yan lang muna.Sana magustuhan nyo at suportahan ako.Paki share nalang po sa friends nyo kung magandahan kayo sa kwento ,paki recommend.

Thanks for reading.Lovelots .

Like.Vote.Comment and Please Share.

Am I Inlove AgainWhere stories live. Discover now