Mary Jane's POV
"Mary Jane!!! Mamali ka nga ng grocery ma uubos na ang stock natin ng grocery!!"
Sigaw ni mama naakala mo na pakalayo ng ka usap eh. ilang dangkal lang naman ang layo ko sa kanya. Haist talaga napaka bungangera talaga ng nanay ko kahit kailan. Pero mahal ko yan XD
"Opo!!! Sige, akin na pang bili At listahan ng bibilhin!!! "
Pasigaw ko ding sabi.
"Aba'y sinisigawan mo na ako " Inis nasabi ni mama.
"Nilakasan ko lang po, baka kasi hindi niyo marinig ang layo ko po kasi eh" XD sarkastik kung sabi habang nakangisi.
natawa na lang din si mama..
"ikaw talagang bata ka hindi ka pa nasanay sa akin. oh siya ito yung pera at listahan ng bibilin."
Umakyat lang ako at nag bihis at umalis na din.
*****
"Good morning ma'am!"
bati sa akin nung security guard.
Dumaretso na ako papasok, kumuha ako ng cart.
naglalakad na ako para hanapin yung mga nasa listahan. Medyo mahirap din pala talaga mag hanap, o siguro hindi lang talaga ako sanay, ngayon na lang kasi ako ulit inutusan na mag grocery.
Halos nabili ko na lahat, may naalala pala akong bibilhin yung paborito kung palaman ng tinapay ubos na kasi yung nasa bahay. Hindi ko nga alam ang bilis maubos eh tatlong bottle na nga yung binili ni mama nung nakaraan eh. paborito din kasi yun ng kapatid eh. siguro pinapapak nun hahahaXD, pero wala siya sa listahan pero bahala na..
Naisip ko na mabilis palang maubos yun, hala! Kailangan mahanap ko yun. Hinanap ko agad yung section ng palaman sa tinapay ang hirap hanapin nakakahilo..
At ayun!! hay! sa wakas! Salamat na hanap ko din.
Nilibot ko lang ang paningin ko at buti nakita ko na, may na tira pang dalawa.
papalapit na ako at kukunin na ng biglang may sumulpot na kamay at sabay na kinuha yung dalawang bottle.
Natulala ako dun at pag tingin ko dun sa kumuha, papaalis na siya, wait! parang familiar sa akin yung amo'y niya.
Hala si angel kaya yun este si devil pala hmp. Basta! Wala na ako pakialam mang aagaw siya at bastos. Kaya hinabol ko siya at kinalabit.
"Hoy! Devi.. ay Kuya ako na una dun sa palaman na yan ah." Ayan muntik ko na siyang matawag na devil . Hindi pa din siya lumilingon aba'y bastos talaga kinakausap eh. kaya ang ginawa ko.
"Uy! Bastos kinakausap kita." Hinila ko ang braso niya, kaya napalingon siya sa akin. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.at hindi nga ako nag kamali siya nga yunXD
"WTH! Anu bang problema mo miss!" Inis niyang sabi.
"Bastos ka kasi eh. na una ako dun para kunin ko yung palaman na yun. Sabi ko habang tinuturo kung nasaan na kalagay yung palaman". Nagulat ako kasi tinawanan niya lang ako.
"Anung nakakatawa." Inis ko pang sabi
"Naalala ko kasi ikaw yung babae sa school, na kung makatitig sa akin wagas." Hala naalala pa pala niya yun, sabagay nung isang araw lang yun eh.
"Hindi kaya ikaw ang tumititig sa akin nahuli lang kita." Bigla siyang natahimik at nakita kong kinuha na niya yung palaman sa cart niya.
"sus! Para lang sa palaman nato na galit na galit kana sa akin.?!" Nakakainsultong sabi niya habang hawak niya yung palaman.

BINABASA MO ANG
Love me like you do
Genç Kurgu..............................................................