Chapter 2: I Hate That Dragon!

8 8 0
                                    

Maxpein's POV,

"Ah sige po mama pupunta na po ako." Bakit kaya?

"Bye po."tska nya binaba ang cellphone.

"Bakit daw sebseb?"tanomg ko sakanya. Hindi naman sa nakikichismis ,Curious lang, may 'pupunta na ako' word eh haha.

"Ah seb, pupunta muna ako sa store namin aalis daw si mama may kukuning tela kila tita walang magbabantay sa store kaya nya ako tinawagan. Pupunta muna ako don pwede?" Ahh kaya naman pala.

"Ah! Sige lang seb, no problem kaya ko mag isa"

"Sigurado ka ha?"

"Oo seb! Sige punta ka na baka hinihintay ka na ng mama mo duon." Baka kasi nagmamadali mama nya.

"Sige seb, bye bye." Then lumabas na sya ng store. Hep! What if pumunta nalang ako sa store nila after ko bumili dito.

"Seb! Pupunta na lang ako sa store nyo mamaya!" Hahaha pasigaw kong sabi sakanya.

Tumawa sya at nag ok sign sakin at nagwave na. Then naglakad na sya palayo.

Binalikan ko yung shoe. Huwaaa ang cute talaga. Ombri Sneakers ang tatak nya. Bilhin ko na nga. Uhmm ano ba size nito? Ah 6.5. Sakto lang sya sa paa ko pero siguro mas maganda kung may allowance. Size 7 yung kukunin ko. Teka nasan ba yung sales lady. Ibinalik ko muna yung shoes at hinanap yung sales lady.

"Uhmmm... miss!" Then lumingon sa akin yung babae.

"Yes po ma'am? What can I help you?"

"Miss may size 7 po ba nitong Ombri Snea-"ituturo ko sana yung sapatos na bibilhin ko pero, what the heck? Yung lalaki hawak hawak nya yung sapatos na bibilhin ko! At mukhang bibilhin din nya!

"H-hoy! Akin na yan!" Sigaw ko sa lalaki at tumakbo ako papunta sakanya para kunin yung sapatos.

"Huh?" Aba't! Itinaas pa nya yung sapatos! Huwaaa! Pilit kong inaabot yung sapatos pero masyado syang matangkad para maabot ko yon.

"Ahmm sir, ma'am last stock na po namin iyang Ombri Sneakers na yan. On sales po kasi kaya mabilis pong naubos." What?! Last stock na to?!

"Akin na yan! Bibilhin ko na yan eh! Ako nauna jan! Kaya ibigay mo na sakin yan!" Pilit ko paring inaabot pero ayaw talaga nya ibaba yung kamay nya.

"Bakit kasi hindi mo binayaran agad? Yan tuloy ako na ang bibili" aba!

"Fyi! Ako ang nauna jan! Tinawag ko lang itong sales lady para kunin na yan! Kaya akin na yan!" Sabay abot ulit ng sapatos pero itinaas nya ulit ito. Uuurrrg talaga naman ah! Nakatingin lang sya sa akin habang nakataas ang isa nyang kilay, bakla ba toh?

"Ibigay mo sabi yan eh!"

"Ayoko."

"Akin na yan! Isa!"

"Dalawa, tatlo, apat. Hindi naman sayo ito ah, ni hindi mo pa nga nababayaran eh." Pilosopo din toh ah-,-

"Pero ako ang nauna at babayaran ko na nga eh!"

"Talaga? Sana hinawakan mo na kung gusto mo. Binitawan mo pa kase may nakakuha tuloy iba" sabay smirk, aba! Walangya toh ah!

"Bakla ka ba ha?! Isusuot mo ba yan at nakikipag agawan ka pa sakin ha?!" Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Doon na nya binaba ang sapatos. Kukunin ko na sana sa kamay nya pero nilayo nya ulit ito. Bakla nga yata. Tska ko sya inirapan.

"Sa gwapo kong ito, magmumukha akong bakla? Hi-"

"Hoy! Sa panahon ngayon 'Bakit lahat ng gwapo May BOYFRIEND!' Bakla ka siguro no?! Bakla! Bakla! Bakla!"

Love FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon