ONE WEEK PRACTICE (one shot)

306 15 9
                                    

(Raycie)

Dahan-dahan akong naglalakad paakyat ng hagdan.

Bakit?

Wala feel ko lang baka kasi mahulog ako eh. Mahirap na sayang ang talino ko. Joke haha.

Pagdating ko sa taas sumilip muna ko sa bintana ng room namin. Katabi lang ng hagdan yung room namin.

"Yes andyan na sya!"bulong ko ng makita ang gamit ng isa kong kaklase.

"Yes mahehebor ka nanaman!"

"Waaah!!"

Napasigaw ako ng may biglang magsalita sa likod ko.

"Ano nangyari!?"

>\\\<

Biglang lumabas at lumapit sa amin yung tinitingnan ko kanina.

"Okay ka lang ba Raycie?"tanong nya.

"Okay lang sya Jay-ar, tara pasok na tayo sa loob."sabi ni mhae at hinila ko sa loob.

"Ano ba nangyari Raycie?"tanong nya.

"..."

Nakakaspeechless talaga kapag kaharap mo na yung crush mo.

"Raycie!"sabi ni mhae at sinundot ako sa tagiliran.

"Ay! Ha? Ah okay lang ako."sabi ko kay Jay-ar. Bigla naman syang ngumiti. Waaah ang gwapo! Omg! Kinikilig ako! Pwede bang maglupasay?

"Buti kung ganun."nakangiting sabi nya at umalis sa harap namin. Agad akong tumingin kay mhae! Gusto kong magwala pero hindi pwede kaya pinaghahampas ko nalang si mhae. Kunwari galit ako.

"Aahh! Ikaw bakit ka kasi nangugulat!? Omg! Tinakot mo ko!"sabi ko na parang galit pero nakangiti. Yung lalaki kanina si Jay-ar sya ang ultimate crush ko. All in one package kasi yang lalakeng yan! Mabait, matalino, gwapo, at gentleman.

"Welcome! Haha gaga halatang kinikilig ka!"sabi ni mhae

"Sino kinikilig?" Napalingon kami sa nagsalita. Si fhey pala, bestfriend ko din. Mabilis itong lumapit sa amin at nangulit kaya ikinwento namin ang nangyari.

"Omg! Haha kaya pala ang saya mo."natatawang sabi nya. Ilang saglit lang ay dumating pa ang dalawa naming bestfriend si jhurie at jema. Nagdatingan na rin ang mga kaklase namin. By the way third year high school na kami.

Hindi na ulit kami nakapagkulitan kasi dumating na ang teacher namin sa Science. Habang nagkaklase pasimple akong tumitingin kay Jay-ar na nakikinig sa teacher namin. After ng science namin english then A.P na! Si mdm. Aurelia na! ang adviser namin.

"Class! Ano na! eight days nalang at Juniors prom na! Wala pa ring dancers para sa dance contest!"sigaw ni mdm. Au. Omg malapit na nga pala yung prom. >_<

"Sino-sino ba ang sasali?"tanong ni mdm. Au. Mabilis kong itinaas ang kamay ko, actually sabay kami ni fhey! Pangarap ko kasing maging dancer. Chance ko na ito!

Nagtaas din ng kamay ang dalawa babaeng kaklase namin, sa lalake tatlo agad ang nagtaas. Pero nanlake ang mata ko ng may isang lalake pa ang nagtaas ng kamay. Omg this is not happening >_<

Waaaah! Si Jay-ar ko sasali din!

Waaah tadhana na ito!

"May tig-apat na sa girls and boys. Kulang pa ng isang pair."sabi ni mdm. Au.

"Mhae sali ka!"sabi ni fhey, nung una parang ayaw pa ni Mhae pero pinilit namin sya. Haha. Then sumali din si kuya Ron.

"Mhae, Ron, fhey, Raycie at norbert. Nice kasali ang top five natin."nakangiting sabi ng adviser namin. "At si Jay-ar na top seven. Kumpleto na! Mamayang uwian punta kayo sa faculty then pupuntahan na natin ang D.I (dance instructor) nyo."sabi ni mdm. Au at sinimulang magturo.

ONE WEEK PRACTICE (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon