BRIX and ERIKA

2.2K 76 13
                                    

A night of college reunion. Present si Brix. Lahat sila wearing their formal attire. All of them are happy and enjoying the party. Kwentuhan. Kumustahan. Asarahan. May iyakan pa nga. He had the good time talking to his classmates, schoolmates and batchmates about their college memories. Until someone came late to the party.. She is Erika.

Nagkagulo ang lahat. Parang mga batang nanabik ng makita ang dalaga. Well, Erika is the famous young actress of this generation. Superstar na superstar sa kasikatan dahil sa mga magaganda at di-kalibre nitong mga teleserye, pelikula, at mga kanta.

Pero lingid sa lahat, si Brix na yata ang sobrang natuwa at na-excite sa pagdating ni Erika. He waited a long years na muling makita ang dating schoolmate. Obviously, pinaghandaan nya ang gabing ito, ang mga bagay na pwedeng mangyari sa kanilang muling pagkikita.

He Failed. Hindi siya pinansin ng dalaga noong tawagin niya ang pangalan nito. Ni hindi ito ngumiti isang beses na nagkatinginan sila. Nawalan siya ng pag-asa na makausap pa ang dalaga. Pero maswerte pa rin siya. Sa tulong ng isang kaklase, Ipinakilala siya nito kay Erika.

"Do you still remember him??? The hearthrob ng batch natin?"tanong ng kaklase niya.

"S-Siya? Medyo..."maikling sagot ni Erika.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Brix. Nagulat siya sa sagot ni Erika.

"By the way, I need to go guys, kausapin ko lang muna mga old friends ko."paalam ni Erika."Nice meeting you... Brix."

Iniwan na sila ni Erika. Natigilan lang si Brix. Ganon na ba katagal para hindi na siya makilala ni Erika?

Buong magdamag lang na pinagmasdan ni Brix si Erika sa party. Kita niya ang kasiyahan ng dalaga habang nakikipag-usap sa mga tao. Nakikipagsabayan din ito sa biruan at asaran. Nakikipagsayawan at inuman din ito sa iba. Mga bagay na nagpagulo sa isipan ni Brix. Nang gabing iyon, aminado siyang ibang Erika ang kanyang nakikita...

Months later... Muling nagkita sina Brix and Erika sa isang birthday party ng isang kilalang businessman. Pareho silang nagulat sa kanilang hindi sinasadyang pagkikita.

Before the party end, nakita ni Brix si Erika na mag-isang nagtetext sa parking area. Marahan siyang lumapit sa dalaga.

"H-Hi."

Nagulat si Erika ng makita si Brix. Para itong natatarantang inayos ang sarili.

"Solo?"

Bahagyang ngumiti si Erika."J-Just waiting for my driver. Na-traffic daw."

"Baka gusto mong ihatid na lang kita?"

"No thanks. Hindi na kelangan."sagot agad ni Erika sabay kuha ng sigarilyo sa  pouch niya at agad na sinindihan."Want cigarette?"

"You changed... More than I expected."seryosong pansin ni Brix.

Ngumiti si Erika."C'mon, change is vital. It is the only thing permanent in this world."

"Ano bang nangyari saiyo? Hindi na kita kilala."

Napatitig si Erika kay Brix."God, something's wrong happening here..."tumawa si Erika." Concern ka? Kelan ka pa naging concern sa akin? Besides, ano ba tayo dati?"

Hindi sumagot si Brix. Napayuko lang ito saka huminga ng malalim."I-I just thought importante ako sa'yo."

Biglang may bumusinang sasakyan. 

"Oops! Driver ko na yan. Need to go."nakangiting sabi ni Erika.

"Wait. I want to give you this. Sana basahin mo. It's my new book. Hope to see you on my book launching."sabay abot ng libro...

BRIX and ERIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon