Past and PRESENTS Love affair

159 0 0
                                    

“Saktan mo man ako, Ikaw pa rin ang laman ng puso ko Ria” ang mga katagang hindi makalimutan ni Ria mula sa dati niyang nobyo.

Si Ria ay isang Nursing student sa isang malaking Unibersidad sa kanilang probinsya, tulad din sa ibang kwento siya ay isang ordinaryong istudyante, normal ang buhay maliban sa buhay pag-ibig. Siya ay nasa tatlo na baitang sa kolehiyo at sa  mga taon na iyon ay hindi pa rin niya makalimutan ang kanyang unang naging nobyo. Siya si Tim isang half Japanese at half Filipino, naging sila noong sila ay 4th year highschool, napakabata wala pang alam sa pag ibig, pero para sa mga bata ay mahal na mahal nila ang isa’t isa at legal pa ang kanilang relasyon sa kanilang mga magulang. Wala na silang problema kase almost perfect na ang kanilang love story hanggang sa dumating ang araw na kelangan ng umalis ni Tim papuntang Japan upang doon ay manirahan, 1st year college na sana silang dalawa kaso umalis nga si Tim, bago siya umalis binitawan niya ang mga katagang nasa taas kay Ria, habang silang dalawa ay  nag iiyakan

“Pag andun ka na, tumawag ka kaagad ha. Hindi na ba talaga mababago yun? Wag ka ng umalis babe.”

“Babe, gusto kong wag ng umalis para hindi tayo magkahiwalay, kaso dun nakabase ang pamilya ko. Andun si papa andun din si mama, wala na si lola para mag alaga samin, sana naiintindihan mo babe.”

“Dito ka na lang samin, ampunin ka na nila mama, babe.”

“Adik to. Hehe, napangiti tuloy ako. Buti sana kung papayag sila. Babe talaga, Basta ito ang tatandaan mo. Mahal na mahal kita. Basta pag igihin mo pag aaral mo ha, lagi akong tatawag sayo. Pangako ko yan.”

“Babe, kelan ang balik mo?”

“Mmm. Basta babe, pipilitin ko umuwi next year. Hinatyin mo ako ha. I Love You So Much!”

“I Love you more than you’ll ever know babe. Wag ka ng titingin ng ibang babae dun ha!”

“Hehe, sympre naman. Ikaw lang ang andito o, dito sa puso ko, Ikaw lang ang Soon to be Mrs. Ko.”

“Aww, babe, wag ka ng umalis. Huhu”

“Babe naman, mas lalo ako napanghihinaan ng loob o, please smile o. Babalikan kita, pangako ko yan sayo. Pangako ko din “Saktan mo man ako, Ikaw pa rin ang laman ng puso ko Ria”

At hinalikan ni Tim sa noo si Ria habang pinipigilan humagulgul. At dumating na nga ang gabing iyon, umalis na si Tim papuntang Japan. Hindi mapigilan ni Ria na mapaluha habang nakatingin sa langit. Hindi makatulog si Ria sa kaantay ng tawag ni Tim, at inabot na nga siya ng umaga.

“Kriiiiiiiiiing!” Sigaw ng telepono nila Ria, at excited niyang sinagot.

“Helo, ammm. Digitel po ito, kayo po bas i mrs. Vera? Nanalo ho kayo sa raffle draw.”

“Ahh. Oo, sige sige tawag na lang kami maya. Bye!”

Nagmamadaling baba ng telepono ni Ria dahil baka sa pagkausap sa digital eh yun din ang pag tawag ni Tim sakanya.

Ilang oras na siyang nag aantay sa tabi ng telepono, at nakalimutan pala niyang may Cellphone pala siya.

“Hala, oo nga pala. Baka dun siya tumatawag sa Cellphone ko! Engot ka talaga Ria!”

Dali daling pumunta sa kwarto si Ria para kunin ang cellphone at pag kakita, 8 misscalls from unknown.

“O shet! Dito nga siya tumatawag. Babe, tawag ka pa o. Sige na” At muling nag ring ang kanyang cellphone, hindi maipaliwanag ni Ria ang saya sa sabik na makausap ulit si Tim. Araw araw na siyang tinatawagan ni Tim, at araw araw din hawak at hindi maihiwalay sa katawan ni Ria ang kanyang cellphone.  At ng makahanap ng trabaho si Tim sa Japan at nagong hectic ang kanyang schedule dahil sa kanyang trabaho at kanyang pag aaral. At ang naging rason kung bakit biglang dumalang ang pagpaparamdam o pagtawag niya kay Ria. Hanggang sa dumating yung kanilang 2nd anniversary. Ipinangako ni Tim kay Ria nung asa Pilipinas pa siya  na gagawing special ni Tim ang kanilang 2nd anniversary kahit asa Japan na siya. Kaya inasahn iyon ni Ria pero dumaan ang buong araw na walang text o tawag ang natanggap ni Ria, hanggang dumating ang isang buwan na walang pagpaparamdam sa  kahit message ng message sa facebook at text ng text si Ria ay wala pa ring sagot mula kay Tim, hindi malaman ni Ria kung ano na ang nangyayari kay Tim, sobrang nagaalala si Ria sakanya. Dumaan ang ilang mga buwan ay wala pa ring tawag o text mula kay Tim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Past and PRESENTS Love affairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon