Chapter 29

89.4K 1K 34
                                    

Drandrei 


11.00 am at Le Gavroche restaurant.


Exactly 11am ako nakarating sa isang mamahaling restaurant na binigay sa akin na location ng target ko o si senator Clarkson.


Dinala ako sa isang private room na pina reserve ni Clarkson sa meet up namin about sa deal na mangyayari na hindi ko alam kung anong klaseng deal ang gusto nya. Ang alam ko lang ay gusto nya makuha ang briefcase na ninakaw ko at impormasyon na ikakabagsak ng kanyang dating grupo.


"Hindi ako tatagal sa ganitong lugar. Mas pipiliin ko pa ang burger king or kahit anong fast food chain or convenience store, okay pa ko duon" salita ko nalang ng may nag approach sa akin na isang lalaki.


"Bonjour ma'am, are you ready to take your order?" tanong sa akin ng maichurang frenchman na lalaki sa akin na ngumiti pa sa akin.


Bago ko sya sagutin ay lumingon muna ako sa paligid at pinag masdan ko saglit ang mga waiter na andito, sabay ibinalik ko ang tingin sa lalaking waiter na maichura sa akin.


"Well, I'm in the mood for the wine. can you give me any idea what's you're wine here" tanong ko sa kanya ng nakita ko ang name tag nya sa left side ng damit nya "adam" tawag ko sa name nya na ngumiti din ako sa kanya.


I'm I trying to flirt this guy?, eh no.. I'm only pretending.


"well we have a german white wine, turkish red wines list and our french red wine." Sagot nitong adam sa akin. " but for you ma'am I will recommend try our cote du rhone"


Ngumiti naman ako sa kanya sa pag recommend nya sa akin ng wine "cote du rhone it is." Pag pili ko muna. "And I'm gonna wait my guest to arrive to take my next order." sagot ko sa kanya ng nag nod naman sya.


Ngumiti ulit yung lalaki waiter sa akin bago sya umalis sa harap ko. Ako lang ba o nakita ko ang mga price ng mga wine kanina sa menu list na hawak-hawak ko. Maski simpleng fried lang ang mahal ng price.


Ilang minuto lang ay dumating na ang cote du rhone ko o red wine na pina order ko. French red wine.


To tell the truth here. I'm a beer person. Red wine?... nah, minsanan lang ako nainom ng mga ganito.


Kinuha ko muna ang phone ko at chinek kung anong oras na. 11.25 wala pa rin itong target ko.


Tumingin nalang ako sa glass window na nasa left side ko. Si clarkson ang nag set ng place, time at kung ano pang condition ang gusto nya mangyati ngayon sa pag meet naming dalawa.


"Very punctual sa time" sarcasm ko nalang na mag-isa dito.


Na alala ko nalang yung conversation naming dalawa sa phone. Medyo nahirapan ako sa agreement naming dalawa dahil hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko. Pero nung na-mention ko about sa mga tauhan nyang pinatay ko at about sa nakuha nyang impormasyon sa LTK ay nakuha ko rin ang atensyon nya sa pag uusap naming dalawa.

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon