Kabanata 3: First Paper

2 0 0
                                    


Kabanata 3

*Alarm Clock Ringing*

"Pakipatay nga niyan. Ang aga-aga pa eh!" pagrereklamo ni Kirsty habang ibinabalot ang sarili niya ng kumot.

Kusa namang huminto ang Alarn clock sa pag-iingay kaya ang tatlo kong room mates ay balik sa kanilang pagtulog. Yan na nga kasi ang sinasabi ko eh, kung hindi sana nagpuyat kagabe gising na sana ngayon. Tsk tsk tsk.

Ako naman on the other hand ay nagpaka-early bird. Tapos na akong magbihis ng pang-work out at naghihintay nalang na tumunog ang camp bell para gisingin ang mga natutulog na kaluluwa ng mga campers.

Umupo ako sa kama ko at nahagip naman ng gaze ko ang golden strings with churva paper hanging on it.

"I want you to write here the magic." naalala ko yong sabi ng guest speaker kagabe when she handed this to us.

Wow. Magic talaga? Well, let me start seeking for that magic. Isang imaginary 'hahaha' ang ipinakawala ng utak ko tsaka ko inilagay sa drawer ng side table ko ang golden strings na yon.

*CAMP BELL RINGING*

Isang napaka-lakas na ingay ang umalingaw-ngaw sa paligid na naging dahilan para magsigising ang kaluluwa ng tatlong tulog mantika kong room mates.

"Seriously? Anong oras na ba?" said Kirsty and Aleyna in unison.

"What the heck!" sabi naman ni Larrah habang kinukusot ang mata niya.

It took them half an hour para makapag-ready sa said to be a 'HARDCORE EXERCISE'.

We used the elevator para madali kaming makababa at makapunta sa field na ngayo'y puno na ng mga taong naka-outfit pang exercise.

"Let's have 20 sit-ups!"

"Make it 30.....

....now 40!"

Halos di na talaga kaya ng katawan kong kumilos pero my fighting spirit seems to be competitive enough para di ako hayaang bumigay.

Kitang-kita na namin ang paglitaw ng araw at umpisa na kaming makaramdam ng init at sobrang pagod.

"For the last time, do 10 push-ups." utos ng instructor.

8

9

10

"YES!!" halos magkasabay naming hiyaw lahat in between breathe.

Nagmamadali ang lahat na pumunta sa water station para kumuha ng maiinom na tubig (malamang).

Kahit amoy pawis na ang mga nakakabanggaan ko, panay pa rin ang pagsiksik ko makakuha man lang ng tubig. And I succeeded.

Nilagok ka agad ang isang basong tubig dahil sa uhaw.

But before I could put the glass away from me, may nahagip ang paningin ko na naging dahilan para mawala ang 'oh-so-amazing feeling' ko kanina lang.

"Ikaw yon diba?" sabi niya at inilapag ang basong hawak-hawak ko kanina sa katabi kong mesa.

I refuse to be eaten with his intimidating aura but it was harder than I thought it would be kaya tumalikod ako pero agad niyang hinablot ang braso ko.

"Will you please stop it? Hindi ko alam kung ano yang ipinuputok ng butsi mo kaya don't just go near me and accuse me of something." nakataas kilay kong sabi at ngayon I look straight into his firing eyes.

Golden Strings And Hanging PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon