WARNING: MATURE CONTENT. Not for you, honey. Okay?
Umuugong sa buong dorm ang kalampag ko sa pinto ng banyo. Sanay na rin naman ang mga tao rito dahil nga sa paunahan sa paggamit ng banyo lalo na tuwing umaga. Nag-iisa lang kasi ito sa anim na nakatirang lalaki kasama ako.
"Eugene! Bilisan mo naman! Tigilan mo na 'yang ginagawa mong magma-Mariang palad! Mali-late na ako!" sigaw ko mula sa labas.
"Wait lang! Matatapos na 'to!" sagot niya habang nakaririnig ako ng halinghing ng babae.
Mula sa probinsya ng Quezon, kailangan kong lumuwas pa-Maynila para mag-aral ng kolehiyo. Gusto kasi ng mga magulang ko na pagkatapos ko sa pag-aaral ay sa Maynila na rin ako magtrabaho. Wala naman akong magagawa dahil sunod lang ako sa kanilang inuutos.
Panay tingin ako sa orasan. Kalahating-oras na lang ang natitira bago ako mahuli sa klase. Malilintikan ako nito kapag hindi pa lumabas sa banyo si Eugene.
"Hoy, Eugene! Wawasakin ko na 'tong pinto kapag hindi ka pa lumabas d'yan!" atungal ko.
"Wait nga! Heto na nga oh! Maghuhugas na lang ako ng kamay," aniya hanggang sa marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob.
"Bilisan mo! Hindi ikaw ang nagbabayad ng tuition ko!"
"Hindi ka talaga makapaghintay, no," nakasimangot niyang sabi nang buksan niya ang pinto. Mula sa loob, kita ko ang half-naked niyang katawan. Kumikinang ang kanyang dibdib dahil sa butil-butil na pawis na mula sa pagpaparaos habang hawak sa kanang kamay ang cellphone na ginamit sa panunuod ng milagro.
"Alam mo namang busy 'yong tao, hindi ka makapaghintay. Parang wala lang tuloy nangyari. Paepal ka, e," naiinis niyang sabi.
"Bakit hindi mo na lang kasi ipagawa 'yan kay Shiela? Gabi-gabi naman kayong nag-uungulan sa kabilang kwarto," pang-aasar ko.
Tumawa lang siya sa naging biro ko. "Sus. Hiwalay na kami no'n. Napaka-clingy, e. Nakakairita. Akala mo sa akin na lang tumatakbo ang mundo niya."
Napa-oh na lang ako sa sinabi niya. Hindi na rin naman sa akin bago ang ganyan. Sa aming anim, si Eugene ang pinakababaero. Kumbaga sa kasabihan, siya ang lalaking walang pahinga – sa babae nga lang.
"Papasok ka ba ngayon?" tanong niya bago kinuha ang tuwalya at ipinahid sa kanyang katawan paibaba. Hindi ko namalayan ang sarili kong nakatitig sa kanyang katawan habang ginagawa niya iyon. Marahan akong napalunok sa imahinasyon.
"Hoy! Tinatanong kita. Papasok ka ba ngayon?" tanong niyang muli na may halong pagtataka.
"Ah... eh... Oo. Alam mo naman ang mga magulang ko. Ayaw na may patapon na anak," sagot ko at mabilis na inilihis ang dako ng paningin.
Tumango siya bilang matipid na tugon.
"Oh, sige. Baka nakakalimutan mo na rin ang magsaya, ah. Una na ako," aniya at pumanaog na paakyat.
Tuloy-tuloy ang naging paglunok ko matapos niyang umalis. Hindi ko rin namalayan ang makailang ulit na pagkislot ng aking ibaba. Ano ba 'to? Hindi na normal itong nararamdaman ko. Nakakatakot kung may makakahalata. Mabilis din ang tibok ng puso ko na tila may nag-uunahang kabayo. Panay ito sa pagkalabog na akala mo ay hihingalin ako.
Pumasok na ako sa loob ng banyo. Doon ko lang napansin ang nangangamoy na zonrox na umiikot sa hangin. Likha siguro ito ng amoy ng katas n Eugene. Hinayaan ko munang buksan ang pinto nang bahagya para makaalis ang amoy.
Mula sa makitid na siwang ng pinto, nakita kong dumaan si Dominic, isa rin sa mga kasama ko dito sa dorm. Siya ang pinakamisteryoso sa amin. Mula sa maamong mukha dahil half-German, siya 'yong tipong hindi mo makakausap ng isang minuto dahil sa mailap.
Binuksan ko ang pinto para kamustahin siya. Nananatili pa rin naman akong nakasaplot kaya walang kaso sa akin kung makita niya ako sa banyo.
"Hey, Dominic!" tawag ko.
Ngumiti siya nang bahagya pero mabilis ding binawi. Natural na sa kanya ang ganitong reaksyon. Napakatipid.
"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko para lang may mapag-usapan. Hinihintay ko pa rin namang mawala 'yong amoy zonrox sa loob ng banyo.
"Wala," sagot niyang mala-yelo sa lamig.
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Tiningnan ko na lang ang ginagawa niya. Binitbit niya ang kanyang mga gamit at wala ni goodbye na sinabi bago umalis. Napailing na lang ako at saka napakamot ng ulo.
Kasabay no'n ay isinara ko na ang pinto, sinimulan ang pagligo. Sa mga ganitong oras, nakapag-iisip ako ng mga bagay-bagay tulad ng mga oras na ako lang mag-isa. Naiisip ko si Ate. Nasaan na kaya siya? Apat na taon na rin ang nakalilipas ng umalis siya.
Wala kaming narinig na balita mula sa kanya. Ni hello ay wala akong natanggap na mensahe. Tuluyan na niya kaya kaming kinalimutan? Hindi rin naman nag-aabala sina Mama o Papa na kamustahin si Ate o hanapin man lang siya.
Bumuhos ang tubig sa aking mukha mula sa shower. Masarap sa pakiramdam ang malamig na pagdampi nito sa aking balat. Nakaka-relax sa pakiramdam. Panandaliang nawawala ang mga problema ko.
Sa gitna ng aking pag-iisip, biglang sumagi sa isip ko ang itsura kanina ni Eugene – ang pawisin niyang katawan. Napalunok muli ako. Ang malamig na tubig ay tila nag-init dahil sa aking imahinasyon. Hindi ko namalayan na gumagapang na ang kamay ko sa buo kong katawan.
Bakit ganito? Bakit iba ang nararamdaman ko?
Hindi ko napigilan ang pag-iisip sa kanya. Tila hinuhubaran ko siya sa sarili kong imahinasyon. Ang kanyang manipis na labi ay nakangiti sa akin at parang nang-aaya. Ang kanyang mapungay na mga mata na parang nangungusap. Napayukom ako saglit sa pagpipigil sa pagnanasa.
Hindi 'to pwede.
"Jake!" sigaw mula sa labas. Boses ni Arthur. "Mali-late na tayo! Bilisan mo na r'yan!" aniya.
Sa limang dormmates ko, si Arthur lang ang kaklase ko. Sabay kaming pumapasok at umuuwi pati na rin sa pagkain. Naging magaan ang pagtira ko rito sa Maynila dahil sa kanya. Dahil sa makulit niyang personalidad, hindi maitatanggi na marami siyang nagiging kaibigan. Idagdag pa na may mukhang ipagmamalaki.
"Patapos na rin naman ako maligo. Kung gusto mo, mauna ka na para 'di ka na ma-late," suhestyon ko.
"Bilisan mo na lang at sumabay ka na sa akin."
"Hindi mo talaga ako kayang iwan," natatawa kong sabi.
"Syempre, mahal kita, e," aniya pero bumawi ng tawa.
Napangiti ako, kaibigan.
BINABASA MO ANG
SINFUL JAKE (M2M) (COMPLETED)
Romance#5 in NON-FICTION (Highest ranking, 12/11/17) Isang simpleng binata si Jake na itinatago ang kanyang kasabikan sa kapwa lalaki. Saan aabot ang kanya pagpapanggap? Paano niya tutuklasin ang kanyang tunay na sarili? Ano'ng mga kasalanan ang kanyang ma...