Ingay dito , ingay doon ng mga kasing edad ko lamang na sinusulit ang kanilang teen ager life kumbaga.
Ngunit ako nandito sa isang sulok sa Park hindi masaya, lumayo sa bahay na puno ng karahasan. Pero--
"Hi"
Nagulat ako ng may magsalita sa harap ko at siya ang nag iisang taong nakapansin ng existence ko sa mundo.
Unti unti kong ini angat ang aking tingin. At na bighani sa kanyang kakisigan. Imbis na magsalita ay pagyuko na lang ang aking nagawa.
"Hi Zia Lhei" nabigla ako sa pagtawag niya sa aking pangalan. Pagtawag na walang halong galit, walang halong pandidiri.
Ini-angat ko ulit ang aking tingin.
"Ako nga pala si Xylem Crux Smith" ngiti niyang pagpapakilala.
Nginitian ko nalamang siya at nagulat ako ng makita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"NGUMITI KA!!? Magkaibigan na tayo ha?"
-End of Flashback-
This is the day.
Araw na kung saan pinakawalan ko yung nag iisang taong nakakaintindi sakin, taong mas kilala ang pagkatao ko kesa sa sarili ko mismo,taong nasasandalan ko at ang taong nag paramdam sakin na MAHALAGA ako at karapat dapat mabuhay.
"ABA ZIA LHEI HINDI KA PA BA BABANGON DYAN!? NAPAKATAMAD MO TALAGANG BATA KA!!"
Hays ! Kailan kaya ako magigising ng mapayapa? Kailan ko kaya mararanasang tao rin ako?
"Eto na po Ma" - ang tanging nasagot ko nalamang.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ko ni hindi ko alam kung matatawag itong kwarto dahil dati itong kulungan ng aso.
Bumungad kaagad sakin ang hampas na walis tambo ni Mama at tumama ito sa aking balikat.
Imbis na sumigaw ako
sa sakit ay napapikit na lamang ako at hindi na lamang ito ininda."Napakawalang kwenta mo talaga! Napakabagal mo pang kumilos! Bilisan mo at hugasan mo yung mga pinggan doon sa kusina!!!" Sigaw sakin ni Mama.
Dumiretso nalamang ako sa kusina at nag hugas ng mga pinggan. Nag iisip-isip kung bakit pa ako nabubuhay? Para kanino ba ako dapat mabuhay?
--------------
"NGUMITI KA!!? Magkaibigan na tayo ha?" masayang saad niya.
Hindi pa ko nakakasagot ay niyakap niya na kaagad ako. Nabigla ako sa ginawa niya.
"Tara! Punta tayo dun sa Ice Cream Shop. Libre kita :D" sabi niya.
"Uh?" tanging sabi ko lang.
":)" ngiti niya.
"Mula ngayon, ako na ang special friend mo na laging nasa tabi mo :)" sabi nanaman niya.
Wala akong nagawa kundi titigan nalang siya, nakakahawa yung ngiti niya.
"Si-si-ge" sa wakas nakapagsalita din ako.
~~~~~"ZIA ! PLEASE WAG MO KONG HAYAANG ILAYO SAYO NILA DADDY."
"ZIA LHEI RAMIREZ"
"ICE CREAM BUDDY"
"please"
Huli kong salita na narinig ko mula sa kanya na wala man lang akong nagawa. Isa aking malaking duwag :"(
(End Of Flashback)
"ANO BA ZIA? LUTANG KA NANAMAN? TINGNAN MO YUNG GINAWA MO!? LINTEK KANG BATA KA WALA KA NANG GINAWANG TAMA" sigaw sakin ni Mama.
Nagulat ako dahil nagkalat ang mga tirang kanin sa lababo dahil sa pag-iisip ko sa kaisa-isang naging kaibigan ko........NOON
-----------✂
A/: Annyeong! HAHAHA Pangit ba? Hehe pasenya na po ngayon lang po ako nagkalakas ng loob na magsulat ng storyyyy. But the way Thank you po sa mga naka-Appreciate. :) xoxo
YOU ARE READING
Untold Feelings
Teen FictionHave you ever felt being alone? Being left behind? Being judged by someone who don't really understa d you? And they tell you, You're just a piece of shit, even you're parents don't give a goddamn care? How pitiful right? But those are the reasons w...