Shaira's Point of view
-Nag cr ako puputok na kasi yung pantog ko. Sinabi ko sa kanila na hintayin nila ako. Hinintay naman nila ako pero mukhang seryoso sila."Huy! Ano yang mga mukhang yan?" Curious na tanong ko. Tumalikod nalang si Marco at naglakad na
"Wala baliw. Antagal mo kasi nainip lang kami" Sabi ni Roi. Ayokong maniwala pero dahil umoo sila na walang lihiman sige maniniwala na ako.
Nagkwekwentuhan lang kami ni Chris at Roi. Nagtatawanan. Si Marco ang nauuna sa amin kaya hindi namin siya nakakausap. Nakasimangot siya. Iniwan ko yung dalawa at lumapit sa kanya.
"Marco, sumali ka naman samin. Nagsasaya kami dito oh" bati ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin
"Katawanan mo na nga si Roi at Chris. Idadamay mo pa ako? Hindi ka ba matunong makuntento?" Ramdam ko ang inis niya sakin. Teka, wala naman akong ginagawa masama sa kanya bakit siya naiinis sakin. Tsaka kala ko ba friends na kami. Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad, iniwan niya ako kaya nilapitan naman nina Roi at Chris.
"Hayaan mo na yun, bipolar talaga. Tara na?" Yaya ni Roi sakin. Hindi ko pa rin maisip kung anong nagawa ko kay Marco kung bakit siya naiinis sakin eh wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Ano ba next class mo?" Tanong ni Chris
"Ahmm, Math" Actually di ako sigurado pero alam ko Math yun eh
"Oh sakto Math din si Marco kaya magsama na kayo papunta sa classroom. Kami kasi ni Roi History." Sagot ni Chris sakin. Nakita ko si Marco na lumakad na. Sinenyasan naman ako ni Chris na sumunod na sa kanya. Sumunod nalang ako kay Marco. Walang nagkikibuan samin.
"Magkaklase pala tayo" Buti naman nagsalita na siya
"Oo, hehehe." Sagot ko sa kanya. "Sana nga history nalang eh" Bulong ko sa sarili ko
"Pwede ka naman mag change ng schedule kung ayaw mo ako kasabay papunta sa Math class" Inis na sabe niya. narinig pala niya yung bulong ko
"Hindi ah! Ang sungit mo kasi. Hindi ka makausap ng maayos." Sabi ko sa kanya.
"Ayaw lang kitang kausap." Iritang sabi niya. Tss. Bakit kaya? Ano nanamang nagawa ko sa lalaking ito. Lumalabas nanaman pagiging badboy niya. Akala ko ba friends na kami? Ganyan ba siyang kaibigan. Tsss.
"Bakit ayaw mo?" Pangungulit ko sa kanya
"Andami mong tanong. Maupo ka na nga" Hindi ko alam na nandito na pala kami sa room. Ang kulit ko kasi eh. hehe
"Good Morning Class!" Bati ni Si Jay
"Good Morning" Sagot naman namin
"Nilalamig ka ba?" Alalang tanong ni Marco. Ang lamig kasi dito sa room tatlo tatlo yung aircon. Hindi niya na ako pinasagot pero nilagay niya yung vest niya sa akin. Ang gwapo pala niya! Shet!
"T-Thank you" Nakaramdam na ako ng warm
"Isipin mo niyayakap kita" Pambobola niya sabay kindat. Aba! HAHAHAHA pero kinikilig ako.
-Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang ako sa prof namin. Maya maya nagbell na. Hay salamat recess na. Kinuha ko na ang mga gamit ko at inakbayan ako ni Marco. Nakaramdam ako ng warm at pagkasafe sa kanya.
"Trabaho kong protektahan ka" bulong niya sakin habang naglalakad kami
"Wala namang mananakit sakin ha" Well wala naman talaga ewan ko kung bakit niya ginawa yun
"Meron. Akala mo lang wala nakatalikod ka kasi. Sa susunod kase sumunod ka lang sakin." Pinapagalitan niya ako
"Susunod nama" Hindi niya tinuloy ang sasabihin ko sa halip tinakpan niya yung bibig ko.