Vacant

29 1 0
                                    

**ANG LAHAT NG PANGALAN SA KWENTONG ITO AY PAWANG-KATHANG ISIP LAMANG NG AUTHOR**

SY 2001 - 2002. Somewhere in the Philippines.

Troy.

2nd year Highschool. Maliit. Payat. May pagka suplado. Binatilyo. Nasa punto na may pagka-curious sa mga bagay-bagay. Hindi naman sakit ng ulo ng eskwelahan at ng magulang.

Corridor ng school.

Hinihintay ni Troy at ng section nila matapos ang isang klase para sila naman ang gumamit ng room. Science room.

"Shet ang tagal naman magpalabas ng teacher na to."

"Ngawit na hita namin sa pagtayo sa labas. Hindi ko alam kung napa aga lang kami o talagang matagal lang sya magpalabas sa mga klase nya."

"OK class. Goodbye."

"Ayun. Kami naman ang gagamit ng room."

Nasa 45 students kada section. So nagtagal pa din sila sa paglabas sa room. Pinto lang sa likuran ang pwedeng gamitin ng mga estudyante. Yung pinto sa harapan para sa teachers lang.

Araw-araw, Monday to Friday sa ganong oras sa umaga, ganon ang patakbo ni Troy sa buhay nya. Laging naiinip sa labas ng pinto ng room para hintayin ang paglabas nila.

Hanggang may napansin sya. Babae. Maliit din. Mahaba ang buhok. Maganda ngumiti, may biloy kase. Morena. Pero nasa isip ni Troy hindi sya ganon katalinuhan kase mas mataas section nya sa kanya. Sa school kase nila big deal kung nasan section ka. Section A lahat ng elites.

"May maganda naman pala sa section na to e." sabi sa sarili. "Anong pangalan kaya neto?" "Siguro eto ang muse nila?"

Pero agad rin natanto na hindi sya ang muse. Secretary sya kase nakita nya na sya yung nagpapapirma sa teacher nila ng class attendance nila para sa subject na yun.

Pag may nagugustuhan si Troy. Hindi sya yung klase ng lalake na ipagtatanong sa iba ang crush nya. Sya mismo ang umalam sa pangalan ni babae, section nila, schedule.

"Meaning, gusto ko na nga sya?"

Nakakatuwang pakiramdam ng pagiging highschool na may iba ka pang ginagawa bukod sa pag-aaral. Gawain na nakakapag pakilig sa yo.

Seventeen (17). Yan ang numero ng babae na naka-pin sa uniform nya. Nakasulat yun sa cardboard na bilog. Syempre batay un sa pagkakasunod sunod ng apelido ng mga babae sa isang section.

"Pang-17 pala sya sa section nila. Nasa bandang K... - P.... siguro ang apelido nito."

"Tingnan ko mamaya sa bulletin board... sa lists of sections.."

Bago mag-uwian palabas ng gate sumaglit si Troy para tingnan ang pangalan nya

"Section I yun eh, A..B.....F,G,H... Eto I."

"Pang 17.... Laguera, Kristen Diane I."

Pangalan pa lang tuwang-tuwa na si Troy. Ibang klase.

"Laguera, Kristen Diane I.  Laguera, Kristen Diane I.  Laguera, Kristen Diane I." paulit-ulit na sinasabi sa sarili.

Nagkaroon ng inspirasyon si Troy. Nakabuti ito sa kanya lalo na sa pagpasok. Hindi man sya ganon nagta-top sa klase nya, atleast hindi sya umaabsent. Excited lagi pag Biology na ang susunod na klase. Gusto nya lagi nakikita si Kristen.

"Dilaw ang bag nya. Siguro favorite nya ang dilaw. Daming keychain ah.. Favorite din nya?"

Bawat simpleng detalye na makikita nya sa dalaga tinatandaan nya. Simpleng magdala sa sarili. Dilaw ang bag. Mahaba ang buhok. Favorite ang yellow. Collection ang keychain.

"Ano kaya ang schedule nya?"

"Sino kaya kasama nyang nagla-lunch?"

"San ang last room nya?"

Sa araw-araw na ginagawa ni Troy na abang sa kanya sa Science room. Medyo nakahalata na si Kristen.

"Talagang dapat laging nakatingin sa 'kin?" 

"Wierdo. May dumi ba ako sa muka? Problema kaya ng lalakeng to?"  tanong ni Kristen sa sarili.

 "Thank you po ma'am."

Wika ni Kristen sa teacher matapos papirmahan ang kanilang class attendance. At dumeretso lang sya palabas sa huling pinto.

"Ganda talaga nya."  sabi ni Troy sa sarili habang humahabol ng tingin kay Kristen.

Sa mga sumunod na araw nalaman na ni Troy ang schedule ni Kristen. Kung san sya kumakain. Bawat room nya kada klase. Kung taga saan sya at kung saan ang sakayan nya pauwi.

Nalaman din nyang taken na pala si Kristen. Si Ron ang boyfriend nya. Taga kabilang section din. Mas mababa ng isa kay Troy. Mas matangkad.

"A, may boyfriend na pala sya. Sayang kala ko pa naman... Kung sa bagay, maganda ka naman kase. Mabait. Natural lang may manligaw sayo dito sa school natin. Yun nga lang naunahan na pala ako."

Yan na lang ang nasambit ni Troy sa kanyang sarili habang malayong nakatingin kina Kristen at sa boyfriend nyang si Ron.

ITUTULOY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VacantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon