Chapter 1: The Meeting

6K 108 1
                                    


IN HER 25 years of existence, Emilia Jacinto is sure na wala pa siyang nagagawa na para sa sarili niya. Palaging ang pamilya niya ang mauuna sa lahat ng desisyon niya sa buhay. Ulilang lubos na kasi silang tatlong magkakapatid kaya kailangan niyang buhayin muna ang mga nakababatang kapatid kaysa habulin niya ang mga pangarap niya. She wanted to be a chef pero dahil halos isang kahig, isang tuka ang drama nila ay hindi na niya iyon inalala pa. Tama na yung nakapagtapos siya ng college.

"Ate, may kailangan pang bayaran sa tuition ko. Baka hindi ako makapag-exam kapag hindi nabayaran." Iyon ang bunso nila na si Gabriela o Gabie. Nasa college na din ito katulad ng pangalawa niyang kapatid na si Antonio o Tony, yun nga lang si Tony ay nasa 2nd year na habang si Gabie naman ay 1st year pa lang.

"Sige, ako na bahala. Papasok na ako ng maaga sa trabaho para makapaglinis pa ako. Dagdag din sa sweldo mamaya yun." Mabilis niyang kinuha ang bag niya at lumabas na ng bahay.

This is just an ordinary day for her. Gigising ng maaga, papasok sa restaurant kung saan server siya at tagalinis tuwing umaga. Isa lang iyon sa madaming raket niya para mabuhay silang magkakapatid.


"Kailan kaya ako magiging chef?" She sighed matapos niyang buksan ang pintuan ng restaurant na pinagtrabahuhan. "Kailan ako magkakaroon ng sarili kong restaurant katulad nitong Casa Maderazzo?"

Palaging ganito ang simula ng mga araw niya, papasok siya ng maaga para linisin ang bawat sulok ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Sayang kasi yung extra pay para sa ginagawa niya. Hindi naman na kasi siya choosy sa trabaho, basta marangal okay na. Mabuti na nga lang at mabait ang manager nila kaya naintindihan nito ang pangangailangan niya.

May anim na buwan na siyang nagtatrabaho sao restaurant na ito. Madaming dumadayo dito kahit na nasa Rizal ito kasi sobrang sarap ng pagkain at napakaganda ng view lalo na kapag gabi kasi kitang-kita ang buong Metro Manila. Hanga nga siya sa may-ari ng restaurant kasi nadiscover nito ang lugar at nadevelop talaga. Mula naman kasi bubong hanggang sahig ay pinagkagastusan talaga ang decor para mas maging homey ang feeling ng restaurant. Sabi pa nga ng manager at head chef nila ay mismong si Mr. Guzmano, ang may-ari, ang gumawa ng dishes na ihinahain nila.

Nagulo ang paglilinis at pagpapantasya niya nang may marinig siyang katok sa babasaging pintuan ng restaurant. Nang lingunin niya iyon ay halos mapanganga na siya dahil sa kagwapuhan ng lalaking nakatayo duon. Nakasuot ito ng white na polo at dark blue jeans na pinaresan ng boat shoes na brown. Natatakpan ng shades ang mata nito pero mukhang hindi naman na niya kailangan pang makita ang mukha nito para masabi na gwapo nga ang lalaki. May dala din itong brown envelope.

Natigil ang pag-eestima niya sa lalaki nang kumatok ito muli sa pintuan. Mabilis niyang binuksan iyon at muling hinagod ng tingin ang lalaki na nasa 6 feet ata ang height. Nanliit tuloy ang 5' 3" niyang height.

"Ano po iyon? Hindi pa kasi kami po bukas." Magiliw niyang paliwanag sa lalaki.

"I'm here to meet with the Manager, si Ms. Formosa." Hinubad nito ang shades at muli siyang tiningnan. Nakangiti ito sa kanya, bagay na parang saglit na ikinatigil ng tibok ng puso niya. Saan bang lupalop ng Rizal nagtatago ang isang to? Aba'y kulang na lang ay malaglag ang panty niya dahil sa sobrang kakisigan.

"Ah! Mag-aapply ka ba para sa bartender posisyon? Nako wala pa si ma'am. Ako pa lang ang nandito kasi naglilinis pa ako. Baka mga 30 minutes pa yun. Gusto mo upo ka muna diyan tapos hintayin mo na lang siya." Itinuro niya ang isang la mesa na tapos na niyang linisin.

"Ah, napaaga ata ako." He said habang inililibot ang paningin. "Anong pangalan mo?"

"Emilia Jacinto pero EJ na lang para hindi masyadong makaluma. Gusto mo ba ng tubig?" Tanong niya dito. Wala naman kasi siyang ibang pwedeng i-offer kasi hindi niya naman bubuksan ang kitchen lalo na at wala pang ibang tao.

Appetite for Love | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon