EJ BELIEVED that love is a series of emotions piling up on you. Andoon ang intense desire to be with someone, the complete and utter happiness that you experience everytime you are with that person, the shit crazy jealousy when you think things about your love is falling beyond your favor and towards another, yung kakaibang kalungkutan when you and the person you love are apart or having troubles, yun ang pagmamahal para sa kanya. However, kahit nakakaloka ang mga emosyon kapag nagmamahal ang isang tao EJ is sure na willing siyang daanan ulit lahat yun at ulit-ulitin para kay Phoenix because he is worth it.They had a simple wedding na puro pamilya at malalapit lang na mga kaibigan ang imbitado. She wanted to keep it simple and solemn, hindi naman na kailangan ng isang dosenang mga bisita para masabi na masaya ang isang kasalan. Ang importante ay yung kumpleto ang lahat ng mga taong mahahalaga sa kanila.
"Dumating na yung photo albums mahal!" Masayang ipinasok ni EJ ang malaking kahon para matingnan nilang mag-asawa.
Mula noong ikasal sila ni Phoenix six months ago ay lumipat na silang magkakapatid sa bahay ni Phoenix. Hindi niya nga alam kung papaano natagalan ng asawa niya na mag-isa sa ganoong kalaking bahay. Halos mag-agawan yung dalawang kapatid niya sa mga kwarto sa kabilang wing ng bahay malayo sa master's bedroom na ookupahin nila ni Phoenix, gusto kasi ng mga ito na kahit magkakasama sila bahay ay may privacy pa din ang mag-asawa.
"Imagine that it's already been half a year since we got married. Ang bilis ano? And yet I feel exactly the same as the first moment I met you, you still light up my world." He smiled and took the box from her.
"Bolero ka pa din!" Natawa naman siya. Imbes na umupo sa tabi ng asawa ay may kinuha siya sa kabinet na maliit na kahon. Ito ang sorpresa niya sa asawa, ang pinakamalaking blessing ng Diyos para sa kanila. "May regalo nga pala ako sayo."
"Ano to? Sa isang linggo pa naman ang birthday ko." He asked. Mabuti nang maaga, above anyone else ay gusto niyang ibahagi na dito ang balita. "Can I open it?"
"Yes, siyempre naman." She smiled and fervently waited as he opened the box. Kung pupwede lang ay kukuhaan niya ito ng video pero masyado nang mahahalata nito ang gusto niyang ibalita.
EJ eagerly watched while Phoenix busily unwrapped the box at kalkalin ang laman nito. Tinabunan niya kasi ang sorpresa ng madami-daming papel, confetti at japanese paper. Hindi matatawaran yung moment na nakuha na nito ang gusto niyang ipakita, isang pregnancy test na positive. Hindi man sabihin ng lalaki ay excited na itong magkaanak kasi he's almost 38.
"Is this?" Tiningnan siya nito, teary eyed at mukhang pinipigilan nito na tumulo ang mga nagbabadyang luha. "Are you?"
"Buuin mo yung mga tanong mo mahal!" She laughed and Phoenix rushed to her and hugged her tight.
"I love you so much. I do." He said at dun siya napaiyak. Kahit kailan ay hindi nagkulang ang asawa niya na sabihin sa kanya kung gaano siya kamahal nito.
"I love you too at alam ko na magiging mabuti kang ama sa baby natin." Niyakap niya din ang lalaki.
"You are the love of my life. I promise you na gagawin ko ang lahat para sayo at sa magiging anak natin. Thank you." He was crying and hugging her, ramdam na ramdam niya ang saya sa yakap at boses nito. "How far along are you?"
"Two months pa lang, nagpatingin ako sa OB kahapon after I tested it. Sorry hindi na kita naisama. I just wanted to make sure muna before I tell you." She prayed so hard na sana nga ay buntis siya habang naghihintay siya sa doctor kahapon.
"Basta okay kayo, okay ako." He said as he kissed her.
"Di bale, sa ultrasound ko next month magkasama na tayo." Paniniguro niya sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
Appetite for Love | ✅
ChickLitSPIN-OFF from LOVE ME IF YOU CAN Sometimes we just have to believe that right around that corner, just beyond that gloomy day or maybe a little ways down the road there is love waiting for us and all you have to do is to smile and keep that appetite...