Takbuhan mode

44 2 0
                                    

            “GO SENIORS!” ang paulit-ulit na isinisigaw ng 4th year students ng B.E.C.,at syempre isa ako sa mga ‘yan.

“GO SENIORS! KAYA N’YO YAN!”

Intrams kasi namin ngayon, pangalawang araw na at ang pinapanood naming laro ay Volleyball ng mga lalaki, Seniors vs. Juniors. Grabe, kapag natalo pa naman ang Seniors eh, kahiya-hiya naman, pero posible din.

" ‘Yun! Tumira si crush! Hahaha. Ang gwapo talaga!" --ako

"tse Ailene!! tigilan ang kakirihan.. may BF ka na po!!" --Kath

"oo nga!! sumbong kita eh." --Joya

"haha hayaan nyo na. minsan lang yan mag-enjoy eh. isang bwan nang mahigit yang halos walang kibo." --Rhona

haha barkada ko talaga.. di na nasanay sakin eh.. hahaha

Natapos ang laro na puro kami sigawan para suportahan ang mga 4th year na manlalaro. Kaya lang, natalo...

 .

 .

 .

 .

...natalo ang Juniors. Hahaha. ^_^

.

Wala na ulit kaming magawa, nakakatamad nang manood ng ibang laro, Volleyball lang kasi ang gusto kong laro eh, paborito ko kasi ‘yon.

Basketball sana, magandang panoorin, kaya lang sa labas ng campusang laro at limitado lang ang pwedeng manood.

Tumambay na lang kami sa shed, ako, sina Joya, Kath, at Rhona. Sarado kasi ang classrooms.

Balik na naman kami sa dating gawi, kwentuhan, tawanan, asaran, lukahan, hanggang uwian, syempre, may singit na picturan.

 - - -

Bago kami umuwi, pumunta muna kami sa PureGold, bumili ng makakain.

magtatakaw muna haha.. pero di naman kami kumain, hehe, binaon pauwi.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan, masaya ang kwentuhan namin, tawanan pa nga kami eh, pinagkukwentohan namin yung tungkol sa nangyari kanina.

nagpipicturan kami tapos, hahaha, grabe lang talaga. nakakatawa. natapilok kasi si Kath eh may poging nilalang sa unahan nya. napasubsob tuloy sya dun haha.

sobrang namula yung mukha nya haha. buti na lang hindi halata kasi natakluban ng long hair nya. mas nahiya sya nung nagsalita si kuya. hahahaha.

~~~

"oh Ate, okay ka lang ba?" habang inaalalayan nya si Kath.

"ayieeee!!! hahahaha" sabay sabay kaming tatlo sa pangaasar sa kanila. hahaha.

"pwede na, pwede na" --Joya

"oo nga kesa naman dun sa feeling gwapong RJ na yun" dagdag ko.

"TSE!!!" haha. yan lang nasabi nya samin. "a-ahm ayos lang ako.. pasensya ka na ha.. nadamay ka pa sa kalampahan ko" sabi nya kay kuya sabay ngiti as in yung ngiti nya kapag nang-aakit sya XD hahaha. ^-^

"ahh, wala yun. ayos lang naman ako.. anong pangalan mo?" eh? etchos tong si kuya. makatanong ng pangalan. bata pa yang si Kath!! hindi pa pwedeng ligawan!! pero joke. haha.

"ahm kuyang poging mabait, sorry ah pero may bayad kasi ang pagpapakilala ng kaibigan ko kaya wag ka nang magtanong. mahal kasi eh. okay? excuse us. may pupuntahan pa kasi kami eh." singit ko haha. ako ang dakilang epal sa amin. "and by the way kuyang poging mabait, THANKS MUCH!! ^__^" hahaha.. chos lang.

Ang Unggoy ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon