Akala Ko's SEQUEL
'Inakala Mo'
Date posted: June 12, 2014
Happy Independence Day!
Do not forget to VOTE and COMMENT :)
All Rights Reserved 2014
--
Isang buwan na ang nakalipas simula nung madramang araw na iyon. Hindi na ako nakikipagusap sa kanila, King at Josh. Nagtetext naman sila sa akin pero hindi ko nirereplyan at mas worse kasi nagpalit ako ng Sim kasi araw araw tinadtaran nila ako ng texts. Pati messages sa FB. Loko sila!
Since hindi ko na sila kaibigan, wala na rin akong kaibigan. Mag isa na ako ngayon at sanay naman ako eh. Atleast naranasan ko kung anong feeling na may kaibigan. At buti nalang na next week pa ang pasukan kasi gusto ko munang ihanda ang sarili ko bago ipakita ang mukha ng taong umasa. Oo ako.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana namin, minamasdan ang paligid. Naamoy ko ang mababango nga bulaklak. At isang madramang music. Oo, nagdadrama ako. Kulang na lang camera eh! Pang drama actress ang peg ko ngayon.
Pero mas nagulat ako nung may nakita akong kamukha ni Josh, sa labas ng bahay namin. Lumapit ako sa bintana namin para isigurado nga si Josh ba yun at kompirmado! Si Josh nga! Nasa labas ng bahay namin! GOSH! Nakalimutan ko nga pala na nasa isang banda lang ang bahay nila! How could you be so stupid Erin?!
May kumatok sa kwarto ko at alam kong si Manang. Hindi ako umimik at diretsong nagtalukbong sa kama ko at nagpapanggap na tulog at nakatingin sa kabilang direksyon ng pintuan ko.
Nang marinig ko ang pagbukas nito, nagpanggap ako na tulog tapos hinintay na lalabas si Manang. At agad naman itong lumabas at lumipas muna ang isang minuto bago ako tumayo tapos tinanaw ang gate.
May sinabi si Manang kay Josh. Agad naman siyang umalis pero bago iyon tumingin siya sa direksyon kung saan ang kwarto ko at nakita niya ako na nagaabang sa labas. Lakas nga ng kabog ng dibdib ko nun, napasandal nalang ako sa dingding. ISANG BUWAN NA YUN ERIN, KALIMUTAN MO NA.
Yung taong pilit kong iniiwasan, ay biglang nagpakita sa akin. Multo lang ang peg.
Dapat handa na talaga ako bago mag next week. Para makita niya na hindi na ako yung babaeng umasa sa kanya nung isang buwan. Para ipakita sa kanya na wala lang yun. Pero ang tanong kakayanin ko ba? BAHALA NA!
**
Heto na talaga! Lumipas na ang isang linggo, alam kong handa na akong humarap sa kanya pero ba't nawala agad ito?! Parang yung kaba na nadama ko nung nakita ko siya ULIT nung isang linggo ay bumabalik at unti unting lumalakas nung papasok na ako sa Campus. Handa na ako, pero handa na nga ba?!
Huminga ako ng malamim tapos tinignan saglit ang room ko. Tapos taas noo na pumasok sa loob at nahagip agad ng mata ko ang taong iniiwasan ko.
Nabigla nalang ang ako nung ngumiti siya sa akin, agad ko naman iniwas ang tingin ko. Nakita niya na tumitingin ako sa kanya. Kaloka!
Kalmadong akong umupo sa upuan ko at pilit iniintindi yung paligid ko. Tahimik lang ako sa upuan ko, as usual. At pumasok na yung prof namin.
Kaya ko ito! Wag kang magpagambala sa lokong iyan! Makinig ka sa diskusyon, Erin.
**
Yung utak ko kanina sa klase parang lumipad, naririnig ko naman ang bawat salita ng prof pero walang naiintindihan ang utak ko. Masyado akong occupied dahil malapit ko lang siya. Ang iniisip ko, whole schedule ay dapat iwasan siya, wag tumingin. Sobra akong na distract sa presence niya!
BINABASA MO ANG
Inakala mo..
Teen FictionSequel of Akala ko :) Please read Akala ko before reading this ^_^.