I woke up with a dizzy head. Napahawak ako sa ulo ko hanggang sa unti unting nagrehistro sa akin ang nangyari.
I failed to escape!
"Looks like you're awake, we're near." Namuo ang galit sa dibdib ko nang magtama ang paningin naming dalawa sa rearview mirror. "Your other luggages are already on your room at the university —"
"Stop the car," pagpuputol ko sa pagsasalita n'ya. There is no way I'm going to set foot in that damn university.
Erick glanced at me for a moment before focusing on the road. "You can't call anyone from the outside as it is prohibited. Family will get notified for emergencies only—
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Itigil mo ang sasakyan!"
Halos masubsob ako paharap nang bigla s'yang nagpreno. I was about to yell at him when I saw how he looked at me... was that sadness? Agad rin yung nawala nang hinampas n'ya ang steering wheel sa harapan n'ya.
"Why are you so stubborn!? Bakit ba hindi ka na lang sumunod sa gustong mangyari ni Dad?" I almost laughed bitterly, a tear slipping down my cheek that I hadn’t even realized was there. This is the first time he yelled at me...
"What do you know?" mapakla kong tanong. "Just continue tailing on our father like a dog and stop acting you fucking care!" Kinuha ko ang maleta na dapat sana ay dala ko sa paglalayas at binuksan ang pintuan ng sasakyan saka padabog itong sinara bago magsimulang maglakad.
"Elisse!"
Tuloy tuloy akong naglakad at hindi pinapansin ang pagtawag n'ya. Wala na akong pake kung saan ako dalhin ng paa ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumambad sa akin ang isang malaking gate. Nag-angat ako ng tingin at napabuga ng hangin dahil ang daang nilakaran ko pala ay mismong daan papunta sa university kung saan ako itatapon ng magaling kong ama.
I stared at the towering gate, slowly feeling the surge of anger and helplessness through me.
"Elisse, please!"
A lump formed in my throat but I swallowed it down as I realized how trapped I was, just like my father wanted. My fists clenched involuntarily, nails digging into my palms as I struggled to keep my emotions in check. I took a deep breath, forcing myself to stay calm. I had to keep my head clear if I wanted to figure a way out of this.
Finally, I turn around to face him. "Don't follow me."
"I will go to that damn university, and I promise you it'll never going to end well for you and Dad once I figured my way out." He froze, his mouth half-open, like he wanted to argue but didn’t know how.
Tinalikuran ko s'ya nang wala na akong narinig na salita sa kanya at buong lakas na tinulak ang gate papasok. Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay nagsalita s'ya.
"Hindi ko alam kung anong plano mo, but make sure you're going to do it right." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Lilingon na sana ako nang nagsalita s'yang muli.
"I hope you can forgive me someday. 'Til we meet again my little sister."
Parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang iisipin. Nang sandaling lumingon ako ay wala na s'ya.
What does he mean? May alam ba s'ya?
"Miss Sandoval?"
Nawala ako sa pag-iisip nang marinig ang apelyido ko. Isang babaeng sa tantya ko ay nasa mid 40's ang nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit n'ya sa akin, creepy.
YOU ARE READING
The Wicked Daughter [UNDER REVISION]
Teen FictionXyra Elisse Sandoval wanted nothing more than her father's death. After he killed her mother and orchestrated it as a suicide, she vowed to do anything until he was six feet under. But her plan was crushed before it even started as her father sudden...