“Anak, hindi nga sabi sinasabaw ang gravy!” Sabi ni Hetty matapos maibuhos ng anak nito ang pangatlong refill n’ya ng gravy sa kanyang one-piece chicken.
“Eh sa masarap ‘nay eh! Sinusulit ko lang naman po ‘yung binayad natin.”
“Alam kong masarap, pero kailan lang may nabasa ‘ko sa health book na kasama pala ang gravy sa Top 10 Most Dangerous Foods.”
“Chika lang ‘yan nay. Minsan na nga lang makakain dito, sulitin na. Ako muna po masusunod sa kakainin ko ngayon. Okie?”
‘Yan ang eksena ilang minuto makalipas dumating ang order ng mag-inang Hetty at ang anak nitong si Twirlie sa KFC. Pinagtatalunan nila ang paglalagay ng sawsawang ito.
“Ayaw mo talagang tantanan yan? Makinig ka…”
***
Iba’t ibang uri ng karamdaman, ubo, sipon, hinang-hina at kung minsa’y wala na nga sa sarili ang mga naninirahan sa Villa Kantina. Marami ng buwan ng pagtitiis. Marami na rin ang lumikas dahilan sa problemang di pa rin mabigyang lunas.
Ang gutom.
Nangatuyot na ang mga ani sa bayang dati’y hitik sa kasaganahan. Mahina ang suplay ng tubig. Ganito na nga ang sitwasyon, hindi rin madama ang pagkilos ng kinauukulan.
“P-Puwede bang magpahinga muna tayo saglit?” Nangangatal na tanong ni Mercedes habang namumutla at pinagpapawisan ng malamig.
Ilan sila sa mga nakapagdesisyong lumikas at mangibang-bayan. Hindi na rin nila maatim ang sinasapit na labis na gutom at hirap.
“Ate naman, hindi tayo makakalayo bago magdilim kung palagi kang mapapagod.”
“Belen, h-hindi ako napapagod. May k-kakaiba ‘kong nararamdaman.” Saad ni Mercedes na nangangatal pa rin.
“Ngunit wala tayong gamot upang agad na malunasan ka.”
“Lalabas na!”
“Ang alin!?”
“Nakikiusap ako, ihanap mo ako ng kahit anong supot o lalagyan.”
“Saglit… Eto, styro cups.” Sabay umupo si Mercedes.
PPPRRRUUUTTT!!!
“GRABE!!!” Sigaw ni Belen nang malanghap ang masidhing amoy. “Ate, ang tindi ng halimuyak.”
Matapos mailabas ni Mercedes ang matagal ng kinikimkim, malulwalhati na silang nakapaglakbay.
***
“Men, I think I found something for your tummy.”
“Really!? Thank You Lord!”
Dalawa sa daang ‘kanong army na nagboluntaryo upang mag-abot sana ng tulong sa mga residente ng Villa Kantina ay naligaw sa kagubatan. Mahigit kalahating araw na silang naglilibot at inabot na sila dito ng gutom.
“Here, I guess that two girls left this for us. It’s called Gra-ve. Tinawag niya itong Gra-ve alinsunod sa sigaw na narinig nito mula kay Belen.
Unti-unting kinutsara ng kano ang bagay na nasa cup sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nilasap, ninamnam at sinimot itong maigi.
“This gra-vy is so yummy! I want some more!”
***
Nang magbalik ang mga army sa Amerika, nagkaroon ng salu-salo at pagdiriwang bilang pasasalamat sa mga kanong buong tapang na nagbigay ng panahon upang makapag-alay ng tulong.
“Woah, GRA-VY!” Bulalas ng ‘kano nang makita ang kulay tsokolateng sawsawang nakahain at nahahawig sa minsan niyang kinain sa kasagsagan ng paglilibot niya sa kagubatan.
Doon nagsimulang tawagin itong “Gravy.”
***
“ANO!!??” Sigaw ni Twirlie sabay inom ng softdrinks.
“Oo. Iyon ang Alamat ng Gravy. Doon nagmula ang Gravy.”
BINABASA MO ANG
Alamat ng Gravy
HumorTakdang-aralin sa Panitikang Filipino. Wala ako sa katinuan nung mga oras na sinulat ko 'to, ito tuloy ang kinalabasan. Maligaya at Gravylicious na pagbabasa!