Bilang pagpapatuloy ng ating kwento, si Xilecta Magnolia ay nakaranas ng pananakit ng katawan at sakit ng tiyan habang nilalakbay ang pang-35 na bundok sa kaharian ng Kebinanya. Habang nanlulumo ang katawan nakakita siya ng isang mahiwagang balon na may laman na tubig na may mahika. Pero binabantayan ito ng isang napakagandang diyosa na laging nanlilinlang, siya ay si "Ruthus Anus". Lahat ng dumaraan sa kanyang balon ay kailangang dumaan sa isang psgsubok.
"Ikaw,sino ka namang Halimaw ka?sabi ni Ruthus
"Ako si Xilecta Magnolia, ang babaeng mahilig sa sorbitis,kailangan kong mahanap ang mahiwagang bertud kay Ariela Arinola, ang mangkukulam na buwaya."sagot nman ni Xilecta
"Ngayon, dumaan ka muna sa pagsubok ko. Kailangan mong makuha ang aking singsing sa ilalim ng balon within 30 seconds. Dahil ako may masama, magdusa ka sa time limit ko. Buwahahahahaha."hamon ng Diyosa.
"Sige ako ay papayag!"desididong wika ni Xilecta
Ginawa nga ni Xilecta ang hamon ng mapanglinlang na diyosa at napagtagumpayan namn niya ito. Umahon na siya at sa isang iglap, nanghina pa siya lao dahil isa na siyang mabaho at matabang baboy.
"Oh my Goodness"gulat na sabi ni Xilecta
"Buwahaha, di ba sabi ko nanlilinlang ako"patawang wika ng diyosa
"Ibalik mo na ako, di ba may kasunduan tayo?Ano ang ginawa mo sa akin?"panaghoy ng ating bida
"Oo nga, may kasunduan tayo. Yung singsing ko na ito kasi ay nahulog diyan kanina,. Eh right timing ka nmang dumating dito, kaya pinakuha ko sa iyo kasi may party pa akong pupuntahan ngayon.Ngayon nakikita mong nagmamadali ako kaya 30 seconds lang. Okay bye, I'm late na" sagot ng diyosa.
"Bumalik ka dito,Ibalik mo ako, ayokong maging baboy."panaghoy ni Xilecta
Pero hindi na nga bumalik Si Ruthus Anus. Napilitan si Xilecta Magnolia na maglakbay sa isang anyo ng baboy. Naging mahirap sa kanya ang pagiging baboy kahit ilang taon na siyang gumagawa ng mga bagay ginagawa lamang ng isang salahulang baboY.
Nakakita siya sa hindi kalayuan ng isang kubol na may manghuhula sa loob, si OliVeki. Si Oliveki ay isang baklang manghuhula at siya ang tutulong kay Xilecta Magnolia. gumawa siya ng isang napakatandang ritwal na mas tanda pa kay Kopong-Kopong. May kinalaman ito sa pag-inom sa apdo ng ahas at pagpahid ng balat ng durian sa katawan. Nag-orasyon si OliVeki at pina-inom ang apdo at pinahid ang balat ng Durian sa katawan ni Xilecta.
"Umdigadong BumBum, Waka Waka.Eh Eh...Take me down like I'm A Domino.PukPuk sa Ulo, Bukul labas. Ang babuy na ito ay gawing Tau. BumBum...Talk Softly...My Goodness. Ala Ka Boom... Million Dollar Legs... Mga Abno...Pukpok sa BlackBoard, hinahamon ko kayo at gawin niyo itong tao.Ako si LoVekiu OliVeki Jasonanu Galunggong Regina de Manghuhula ay sapian niyo upang magawa ang ritwal na ito. AAAAAAAAAAAAAh"ang nakasaad sa orasyon ng bakla.
Nagbago ang anyo ng ating Bida at naging tao uli ito. Humingi ng Professional Fee si OliVeki na nagkakahalaga ng 1 gallon ng Selecta at Magnolia Ice cream. Dahil marami naman siyang dala, nagbigay siya. Masaya na siyang naglakbay sa kagubatan ng Kebinanya.
Nasa ika-40 na bundok na siya at 3 araw na lamang ang natitira. Minadali niya ang paglakad. nakaramdam siya ng dagliang sakit ng tiyan. Right Timing naman at nakakita siya ng isang kabayanan na pinamumunuan ng kapatid ni ItaBette(Tandang Ita), si Ele JavaTin., siya lamang ang naksama ng mga sinaunang Java Man sa kweba ng Tabon at asawa niya si Laudi Fermin JavaTin, isang totoong Java man.
"Ako po si Xilecta Magnolia, kaibigan ko po si Tandang Ita.'sabi ni Xilecta
"Nalulugod namn kami, Kapatid ko kaya yun, eto namn ang aking asawa, Si Laudi Fermin"sagot ni Ele
"Meron po ba kayong banyo?"tanong ni Xilecta
"Oo kaya lang maglalakad ka muna ng isang kilometro bago ka makarating."sabi ni Laudi
"Okay lang po."nagmamadaling sagot ng ating bida.
Nagmadali namn naman si Xilecta sapagkat lalabas na ang kayaman sa kanyang katawan. Naka-abot naman sya pero may naksilip na bago pa man niya hubarin ang kanyang shorts. Kaya napilitan siyang magsuot ng isang dahon ng anahaw.
Abangan ang susunod na chapter:
Chapter 3 -Ang mga Nalalabing Araw sa Paghahanap ng Bertud.