The Blind's Painting: 2 (END)

577 35 34
                                    

Trinie's Note: Short continuation..

ENJOY READING!!!

***

“PWEDE mo bang i-describe sa 'kin ang mukha ng dagat?” she requested sweetly. Nakaupo sila ngayon sa buhanginan upang pagmasdan ang paglubog ng araw. Nakahilig sa balikat niya si Ethel.

Nilingon niya sandali ang kasintahan at ibinalik din ang tingin sa dagat.  “Maganda. Naghahalo ang kulay ng orange,dilaw,at pula sa araw. Wala tayong katapat na bundok. At ‘yong dagat,  hindi siya malalim ngayon dahil low tide.”

“Ikaw, kung nakikita ko ang mukha mo, ano kayang hitsura mo?” muli nitong tanong na nakatitig ang mata sa karagatan bagaman wala itong nakikita.

Saglit na hindi nakasagot si Darwin. Nakaramdam siya ng kurot ng awa para sa kasintahan. Naroon ang paghiling na sana hindi na lamang ito ipinanganak na bulag. Na sana, nakikita rin nito ang mukha niya. Na sana, alam din nito kung gaano kaganda ang paglubog ng araw.

“Ako?” aniyang inihapit ang kamay sa tagiliran ng nobya. “Hindi masyadong makapal ang kilay ko, medyo singkit ang mata. Singkit lang ‘to pero malinaw na nakikita kung gaano ka kaganda."

She chuckled with his remark.

“Ang ilong ko, medyo matangos. Medyo manipis ang labi ko na kahit kailan…sayong sa 'yo lang.”

She chuckled again.

“Sayang 'no? Hindi ko pwedeng makita ang mukha mo.” There was sorrow in her voice. “Sigurado ako…maraming nagkakagusto sa’yo dahil gwapo ka…” she smiled. “Pero…” She paused. Kumalas ito sa pagkakahilig sa balikat ng nobyo at hinarap ang mukha niya. Matapos niyon, malambing nitong hinaplos ang mukha niya. “Masaya ako dahil naging bahagi ka ng buhay ko. Pakiramdam ko noong makilala kita…nakarating ako sa isang napakasaya at napakakulay na lugar kahit parang ang imposible.” Isang kristal ng luha na kumawala sa mga mata ng dalaga. “Salamat.”

Napahawak siya sa kamay na humahaplos sa kanya. There were two streams of tears that left his eyes. He was just thankful she couldn’t see it.

“Huwag kang mag-alala…” pinilit niyang pasiglahin ang boses, “Handa akong maging mata mo. Gagawa tayo ng mga imahe. Magkasama tayo…basta hindi kita iiwan. H'wag mo rin akong iwan,hmmmn?” Hindi na niya nadagdagan pa ang sinabi. Masyado na kasing nilamon ng emosyon ang sistema niya. Niyakap niya ang kasintahan. Yakap na nagsasabing hindi niya ito iiwan. A hug of hush. Of comfort.

And stillness covered the place.

APAT na taon pa ang itinagal ng relasyon ng dalawa. Nakatapos sila ng pag-aaral.  Ipinagpatuloy ni Darwin ang coffee shop samantalang ipinagpatuloy ni Ethel ang pagpinta. Para sa kanya,isa iyong ‘gift’ na tanging si Ethel lamang ang makagagawa. Nagagawa nitong ipinta ang mga bagay mula lang sa mga description na ibinibigay rito kahit ni minsa’y hindi nito nakita ang mga iyon.

Akala ni Darwin wala nang katapusan ang kaligayahang dulot ng pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Ngunit dumating ang araw na bigla na lamang ang kasintahan sa di niya nalalamang dahilan.

Walang nakaaalam kung saan ito nagpunta. Napabalita sa radyo, mga artikulo at telebisyon nito. There was a nationwide search for the only child, Ethel Santillan, but the authority found nothing.

ISANG taon ng pangungulila ang naramdaman ni Darwin. Napabayaan na niya ang sarili. Hindi na siya pumupunta ng coffee shop. Pinili niyang languin nag sarili sa alak upang makalimot. Ngunit hindi sapat ang isang taon upang makalimutan niya ang kaisa-isang babaeng minahal niya. Pakiramdam niya, wala nang saysay ang buhay niya dahil sa pagkawala nito.

Nabigyan siya ng andap na pag-asa nang may isang delivery boy na pumunta sa bahay niya. Nag-abot ito ng isang canvass ng painting.

Hindi niya alam kung kanino iyon galing. Walang nakapirmang painter.

But a note attached to its cover made his heart thump.

This is our secret.

Binuksan niya ang laman ng painting at tumambad sa kanya ang sariling repleksyon.

Ang kanyang mukha.

Oo, ang mukha nga niya.

Napatitig siya ng matagal sa larawan. May pagkamangha at hindi pagkapaniwala.

Hinaplos niya ang painting na iyon.

Alam niya.

Naroon ang bawat detalye ng mukha niya.

Alam niya kung kanino iyon galing.

Alam niya kung sino ang may gawa noon.

And a secret was unfolded with only two hearts in-love knowing it.

-END-

Sorry po  if it’s not worth the read. Hindi ako sanay sa short stories ey, naisipan langs XD

THE BLIND'S PAINTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon