Panaginip

464 6 3
                                    

Ang sarap magsulat ng kwento ano? Ang sarap sa pakiramdam na yung binabasa ng mga tao eh sarili mong gawa. Nakakaproud. Ako nga pala si tinay, hilig ko na to ang magsulat ng mga kwento. Ang mababasa niyo ngayon ay tungkol sa.............

Teka! Hindi ako ang BIDA dito ha. I'm the author of this story. So ito na nga! Hope you enjoy. It's a short story, and wait for the part 2 and 3 :)))

Gigising, liligo, kakain at papasok sa eskwela. Yan ang aking daily routine twing umaga. Bukod sa pabaon na pera sakin ng nanay ko may pabaon din siyang sermon at hahabol naman sa pagutos ang aking mga kapatid. Pwede ko na sigurong maging ringtone ang sermon ng nanay ko. "Ang tamad mo Wendy, wala ka ng ibang ginawa kundi magcomputer at magtext, ano ka ba namang bata ka?" Pero di rin naman buo ang araw ko pag hindi ko yun naririnig. Ako nga pala si WENDY, call me wends for short. Gaya ng ibang  kabataan mahilig akong magfacebook, mas gusto kong gamitin ang term na NAADIK ako sa facebook. Yung palike-like ka lang ng status, yung tipong feeling close yung iba! Patawa! Aminin niyo  naging FC din kayo, pero iba ako para sa akin kasi hindi naman pagiging FC yun eh. It's a way of making friends. Nasa tao na yun kung paano ihahandle. Trip ko talaga magstatus, maglike at magcomment. Yung pambasag na comment! Yung tipong sa sobrang inis nung nagpost idedelete niya comment ko. Biruin mo yun laking tulong sa akin ng facebook, may boyfriend kasi ako taga Manila siya. Dito na nga pumapasok yung tinatawag nilang LDR. Long distance relationship kumbaga. Kahit sabihin na every week kame nagkakasama nakakamiss pa din kasi gusto ko lagi ko siya kasama. :| Pero dahil nga busy kame pareho di na ganonn kadalas magkita at magsama. :|

YES! Saturday na, while chatting with my boyfriend narealize ko masaya din pala ang LDR, nakakaexcite, na nakakatakot baka kasi masaktan basta lahat na ng emosyon andun na. At dahil atribida ang kapatid ko siya naman daw ang gagamit ng computer. Yung tipong lalakasan niya yung boses niya para makagamit at mapagalitan ako! Sarap ibalibag. So i dont have any choice, but to continue our convrersation thru text.

Habang dumaan ang araw, aamini ko nabobored na ako ng ganon. Wala ng thrill  at excitement. Sumatutal, sinagot ko yung matagal ng nangliligaw sa akin na si Kent. Pogi siya, mabait, pero iba padin talaga si Michael. Sa una masaya ako sa company ni kent, di ako nagtetext kay Michael o kahit chat inooffline ko. Siguro dahil nagsawa na din ako. Pero minsan namimiss ko  si mich, sabe nga ng bestfriend ko "Make up your mind wends, if ayaw mo mawala sila pareho" 

Ewan ko ba naguguluhan na din naman ako sa sarili ko. 

Magse7th monthsary na dapat namin nun ni Michael kasabay ng birthday ng kapatid niyang si Keneth. Nagulat ako at bigla niya akong chinat.

M: Uy wendy punta kayo sa birthday ni kent ha? Asahan kita, bring your family na din.

W: May sasabihin ako.

M: Ako din pero sa bday na ni keneth. Pareho natin ikakatuwa yun. Ingat! Mwa.

Malaking "?" ang naiwan, yayayain niya kaya akong magpakasal? So nagdesisyon akong pumunta magisa para sabihin sa kanya na may bago na akong boyfriend at makapagsorry personally, baka maiyak ako! Pero kakayanin.

Bongga yung party, daming crowd. Maingay, magulo, nakita ko naman si Michael agad nilapitan ko siya at niyakap at nagsorry. Wala siyang kibo. As in WALA! Hinayaan niya akong magexplain, hanggang sa  sinabe niya na sa loob na daw kami magusap. 

Then nagsorry ulit ako with matching konting luha. Sa gitna ng pagddrama ko, biglang may lumapit na babae kay Michael at hinalikan siya sabay sabing "Babe, let's enjoy this night. So who is she?" 

Aba! Gusto kong ihampas sa mukha yung bag na dala ko at ibubo sa mukha yung juice na dala niya! Pero aaminin ko nagselos ako. Natahimik na lang ako.

Michael: Wends, si carla new girlfriend ko. Nung naghinala akong may iba ka na hinayaan lang kita habang naghihintay ako. Di ko din natiis, at ayon nakilala ko si Carla. Siya nga pala kilala ko si keneth. Kababata ko yun! Kinuwento ka nga niya sakin. Small world right?

Wends: Bat di mo agad sinabe? Mukha tuloy akong tanga.

Michael: Hindi kita gustong mapahiya, gusto ko lang maramdam mo naramdaman ko. SAKIT BA?

Tumakbo ako at agad na umuwi na lang. Napaisip ako sa mga sinabe niya, sa mga nangyari habang niloloko ko siya pinaghahandaan na pala ako ng karma. Masakit magmukhang tanga, pero mas masakit yung ginawa ko sakanya. Iyak ako ng iyak! 

"Wendy, anak gising na. Baka malate ka" Bigla akong napatayo, ang samang panaginip nun ah. Sige ma sunod ako sabi ko para iwan na ako ni mama. Agad kong tiningnan ang cellphone ko may 7 missed calls at 7 text messages lahat galing kay michael, nung una kinabahan ako nasa isip ko pa din lahat ng napanaginipan ko. Baka break up messages na lahat ng yun.

Ng mabasa ko halos malaglag ako sa hinihigaan ko.

"Happy 7th monthsary baby! I love you so much be there later. I miss you baby!"

Nakahinga ako ng maluwag, napakasamang panaginip talaga nun!!!!!

Pero ang haba ng hair ko at sa sobrang haba hinila na ng kapatid ko kasi malalate na daw siya bilisan ko na daw kumilos. Akala ko talaga totoo na lahat ng panaginip ko. At yu na nga, narinig ko na naman ang sigaw ng nanay ko!

"WENDYYYYYYYYYYYYYY, BILISAN MO MALALATE NA KAYOO!!!" 

Wait for d'next chapter. :))))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PanaginipWhere stories live. Discover now