Chapter 1: Transfer

5 1 3
                                    

MAYBELLE HANNA'S POV

"Tita, aalis na po ako." sabi ko sa foster mother ko.

"Ano? Kelan mo pa plinano to?" tanong nya saken. They've treated me as there true daughter na kase.

"Uhmm. Nung mga nakaraang buwan lang po." sabi ko. Napabuntong hininga si tito at pumunta sa drawer saka may kinuha. Bumalik sya at may ibinigay saakin na kulay violet box na may pink ribbon.

"Pinapabigay samin ng mama mo. She told us na ibigay daw yan sayo sa oras na umalis ka na." sabi nya. I nodded at binuksan ang box.

Bumungad saakin ang isang kwintas na may kulay violet na pendant (nasa taas ang pic guys). May sulat pa na nakalagay. Kinuha ko ito at binasa.

Go to the forest anak. At hanapin mo ang punong mataba at malusog. Kapag nahanap mo na, say this words "Shilbiyadre porte tubonok tyego Rainspell." Bubukas ang portal pagkatapos. Go in that portal. Inaasahan nila ang pagbabalik mo. Lalo na ang papa mo. Be careful, Liyana. I will always love you. :*

                                  Love,
                              Mommy LuCi

Hindi ko alam but, tumulo ang luha ko ng mabasa ko ang huling sentence ng totoong mommy ko. Pinunasan ko ito at hinarap ang mga foster parents ko.

"Ano pong pangalan ng mommy ko?" tanong ko sa mga ito.

"Ang pangalan ng mama mo ay, Lucinda Alyanna Quarintine Jonsen. Luci for short." sabi ni tita.

"E-eh ako po? M-may totoong pangalan po ba ako?" tanong ko at tinuro ang sarili ko.

"Yes, and your true name is, Liyanna Herallyn Quarintine Jonsen. Pinalitan lang namin ang pangalan mo. Except sa middle name at last name mo" sagot ni tito.

"Ahh. Okay po. Aalis na po pala ako. Ngayon na." sabi ko sa kanila. Tumulo ang mga luha ni tita.

"Be careful as always, Maybelle. We love you." sabi ni tita at pinahid ang luha nya.

"I will tita. I will. And, para hindi kayo malungkot. I will still use my name you gave me. It's a nice name. Kaya, hindi ko ito sasayangin. Love you din po." sabi ko at hinalikan ang ulo ni tita.

"Makakaalis ka na, Maybelle." sabi ni tito at hinalikan ang ulo ko. I just nodded.

I run upstairs and get my bags. Nagdala ako ng backpack and a sling bag. Hindi naman madami ang damit ko, kaya, kasyang kasya sa backpack ko. Magpaalam na ako kina tito and tita. Sabi nila, ipapahatid nila ako sa driver namin. And since, hindi ko alam kung nasaan ang forest, magpapahatid na lang ako.

Our trip will be, 4 hours kaya, nagsound trip ako. And after a couple of minuets, nakatulog din ako. Nagising lang ako ng may marahang tumapik sa pisngi ko. And nakita ko si manong na malungkot na nakangiti saakin. Close kami ni manong and i treated him as my brother. I smiled and nodded. I hugged him and he did same on me.

Ngayon, naglalakad na ako sa forest, and, suot ko na din yung kwintas na bigay sakin ng mommy ko. Hayst. Babalik na ako sa tunay na lugar namin. Wanna know more about me? Well, i have this hazel brown hair with green highlights. I also have this hazel brown eyes with some highlights of green. Oo, may highlights din ang mata ko. And it's also color green.

Sounds weird right? But, it's nice and very pretty when you already saw it. And i am now wearing a BTS t-shirt and a ripped jeans. Wahaha. Oo na, ako na yung fan ng BTS. I am still walking hanggang sa mareach ko ang isang napakalaking puno. I think ito na yung sinasabi ni mommy sa letter.

I really don't want to do this pero kailangan, dahil, this is the only way for me to go home. Napahugot ako ng malalim na hininga and started to chant. Wala lang, trip ko lang yung tawaging chant. Bakit? May magagawa ba kayo? Wala diba?

Okay, back to reallity.

"Shilbiyadre porte tubunok tyego Rainspell."

Bigkas ko. May isang liwanag ang nagmula sa gitna ng puno. Napatakip ako ng mata gamit ang braso ko dahil sa liwanag na dala nito. Hanggang sa unti unti ng nawala ang liwanag kaya unti unti ko na ding tinanggal ang mga braso ko sa mata ko. Naiwan sa gitna ng puno ang isang parang lilang likido na umiikot ikot. Para itong nasa dagat na yung tinatawag na Whoorl Pool? Oo, basta yun.

Kahit na feeling ko masusuka ako sa kakapanood sa pagikot nito, ay pumasok pa rin ako. Nahihilong bumagsak ako sa isang damuhan. I guess, ito na yung tinutukoy ni mommy. It looks like a school. Ang ganda, sige. Pumasok na tayo. Nakita ko sa harap nito ay isang malaking itim na gate. May gold itong selyo sa gitna. Tiningnan ko ang selyo. Unti unting nagbukas ang gate na syang ikinamangha ko. Ang tahimik.

I took a step forward. Ng may biglang humila sa braso ko. May gash. Ang harsh naman nung nanghila. Napalingon ako at may tatlong babae akong nakita. Ang pre pretty nila. How to be you po? Ang gaganda talaga nila.

"Hey, are you a transferee?" tanong nung isang babae na may black na buhok. Pero may highlights ito na pula.

"U-uhmm. Yes." sabi ko at tumango. Napangiti ng malaki yung tatlo.

"I'm Shanna. And this is, Danna and Yurika. Nice meeting you. What's your name pala?" tanong nung babae na may blonde na buhok at may highlights na blue.

"My name is Maybelle. Nice meeting you too." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Hmmm. Maybelle, nice name!" sabi nung babaeng may red highlights sa buhok. Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan nya ay Yurika.

"Thanks. U-uhmm. May itatanong lang sana ako. Where's the Headmaster's office?" tanong ko.

"We we'll take you there." sabi nung babaeng may green na buhok at highlights na hazel brown. Binaliktad lang yata yung kulay ng buhok namin.

"Thank you ulit." sabi ko at ngumiti.

"No probs." duwet nila.

Ng makarating kami sa HM's office. Agad kong kinuha ang sched, ID, dormkeys, and yung magiging room ko. Karoommate ko si Yurika. Habang sina Danna, at Shanna. Ay sa kabilang room. My dorm is Apple7. Habang kina Danna at Shanna naman ay Apple6.

I entered our room. Three story ang bawat dormroom. First floor, makikita mo ang sala, kitchen, and ang dinning place. Habang second floor is, rooms, library, at study room. Third floor is where the terrace can be found. Pwede kang magkape dun if you want. Umakyat na ako sa kwarto ko. Ang kulay ng kwarto ko is hazel brown highlights with green. Hahayst. Lagi na lang ganito ang kulay ko. Wahaha.

Niligpit ko muna ang mga gamit ko. Bago ako humilata at hinayaan ang sarili kong makatulog ulit!

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rainspell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon