Ashley Kim's POV
"ARAY!" Sigaw ko. Eh pano ba naman nahulog ako sa kama. Bwisit talaga tong si Kuya eh!
"Sabi ko naman sayo na kung di ka gigising sisipain kita." Hayst. Talaga tong.. naku! Sya pala si Jackson, kuya kong pandak.
"Ano pang silbi sa alarm clock kung di ko gagamitin?" Iritado kong wika.
"Basta. Gising ka nalang dyan. " Sabi nya sabay sara ng pinto. Aba! Kinuha ko ang glasses ko at tumayo.
"6:00 AM PALANG , KUYA! JUSKO!" Sigaw ko. 7:00 AM pa kaya klase namin. Oo, nerd ako pero di ibig sabihin nandun na ako 30 minutes before class. At kung malelate man ako, syempre madali lang ako maligo at magbihis noh. Di ako kagaya ng iba jan, 1 hour maligo, 30 minutes pipili ng damit tapos magmemake-up pa. Like duhhhhh nerd kaya ako.
Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa baba para kumain. Luh, ang bango. Lumiko ako para umupo sa dining chair. Nakita ko si Mama na may dalang pancakes at si Kuya naman nagsusuot ng sapatos. Baliw talaga tong si Kuya, mas nauna pa akong nakabihis kaysa kanya.
"Oh Ash, kain kana. Jackson dalian mo dyan." Wika ni mama. Habang si Kuya naman umupo na sa upuan nya at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ay pumunta na kami sa sasakyan niya at nagsimula na siyang magmaneho. Actually pwede namang lakarin ang school, eh tong si Kuya gusto talaga magdrive. -_- Palibhasa tamad.
Pinark ni Kuya ang kotse at nagsimula na kaming naglakad papunta sa kanya-kanyang building. Separated kase ang buildings sa Grade school and Pre-school , High school at College. Yung Garden nasa right side ng HS department tapos yung Covered Court naman nasa left side ng College Department. Syempre, para sa mga Preschoolers at Grade schoolers, may playground sa mismong harap ng building. Ganda noh?
Naglakad ako papunta sa classroom at nakita si Trinity a.k.a Bestfriend ko na Goddess. Ang ganda kase nya. Nagtataka nga ako bakit naging Bestfriend ko siya. Well, I have brain pero siya may beauty and brain. So yeah.
"Hi Ash! Kamusta ka na?" Tanong nya.
"Humayghad. Trinity, it's just 2 days na hindi tayo nagkita. Syempre okay lang ako no." Wika ko. Minsan talaga ang O.A nito. Hayst. Bahala nga siya. Kinuha ko ang libro ko at nagsimula magbasa. May 15 minutes pa naman, well, what do you expect from a nerd like me?
"Magbabasa ka na naman?" Wika ni Trinity. Palibhasa kase sa bahay lang siya mag aaral, eh ako kase kahit saan basta kailangan.
"Di ka pa nasanay? Dun ka nalang kaya kay Steffy at Jessica. Total ang daldal nyo naman, parang nakalunok ng microphone. " Sabi ko habang nasa libro parin ang tingin ko. Hinampas nya ako sa braso, pero mahina lang. Baliw talaga eh.
"Ang hard mo naman. Sige, punta muna ako sakanila." Wika nya sabay punta sa upuan nilang Steffy at Jessica. Let me define them, si Steffy yung parang boyish siya manamit tapos si Jessica naman yung fashionable samin, parang araw-araw may fashion show. Hindi kase kami naka uniform, ewan ko sa skwelahan na to. And yeah, Si Trinity naman yung girly type yung sinusuot nya while me isang simpleng white skirt with black sweater at my nerdy glasses uhmmm.. with black high cut shoes, yan lang.
"Good morning class." Di ko namalayan na bumukas ang pinto at niluwal si Mr. Kwon. Rumesponde kami at nagsimula na ang klase namin sa Physics, medyo boring para sakin kase Math talaga ang gusto ko. But makikinig parin ako no atsaka magtetake ng notes. Habang busy si Mr.Kwon sa pag discuss biglang bumukas ang pinto at nakita ko yung Cold Heartthrob sa school namin.
"Mr. Byun, why are you late?" Tanong ni Mr. Kwon pero hindi umimik si Ash, instead pumunta siya sa upuan nya. And Yes, parehas yung nickname ko at pangngalan nya. -_-Napabuntong hininga nalang si Mr. Kwon, sanay na yan sa inaasal ni Ash eh . Halos taon taon na lang. Tinuloy na niya ang discussion as I started to take my notes again.
BINABASA MO ANG
Cold Guy's Girl [BaekYeon FanFic] <On Going>
FanfictionSi Ashley Kim ay isang estudyante sa Seoul High, well let me rephrase that, isa siyang nerd but not that quite. She's different from the other nerds. Yung iba manang manamit, at buhag-hag ang buhok while siya ay may taste sa fashion and laging nakal...