CHARACTERS:
Margaret Claire Gonzales Meg
Vince Miguel Santos - Miggy
Rizza Abad - Riz
Caleb Diaz - Caleb
Sofia Rose Padilla - Pia
Lawrence Reyes - Renz
Nicolo Rodriguez - Nico
Sir Ken
Other People
Summary:
Meg is your typical teenage girl. Good grades, great friends and a happening life. But there's one thing she's still searching for - a love life. Will she finally learn the true meaning of the word "love" in high school?
High School Heartbreak
{ because even true love can't survive high school. }
1: love at first sight
2: never gonna get enough
3: you make me crazier
4: I know she's there
5: my world's upside down
6: letting go?
7: beyond repair
8: sweet nostalgia
9: make you mine
10: violet eyes
11: I feed myself lies
12: you can't run away
13: give me a chance
14: issues
CHAPTER 1: love at first sight.
"You know you're in love when you can't sleep - because reality is finally better than your dreams."
- Dr. Seuss
First day ng First year ko sa high school.
LATE.
*rrriiiingg rrriiiingg*
ayun na yung school bell, nasa elem building pa rin ako. Isang building pa tatahakin ko. Nako.
*tok tok tok*
buti nalang pinakaunang room sa HS building yung room namin. Wala masyadong nadaan kapag ganitong oras. Kung meron man, edi kapareho ko silang late.
"Ms. Gonzales? Please take your seat."sabi ni sir Ken..
Si Sir Ken, adviser namin. Kilalang kilala ko yan si Sir, kasi halos magkalapit lang yung bahay namin. Ang swerte swerte ko naman, siya pa naging adviser namin ngayon.
"Hindi na dapat mauulit yang late mo ha, dapat bukas mas maaga ka pa sakin dumating. *winks*"
Sir talaga, di na nasanay sakin.
Binigay ko na yung late slip ko okay Sir, at naghanap ng upuan. Puro bagong mukha ang nakikita ko. Halos kalahati. Buti nalang may extrang upuan dun sa tabi ng bestfriend ko, siPia.
"Hoy bakla. Bat ka nalate?"hala..nag-salita nanaman si Pia
Tawagan namin yung bakla. Ganyan lang talaga kami ka weird.
"Baklaaaaa."
Pabulong pa siya niyan.
"Ah, eh. Hinatid kasi kami nila ermats. Dun ako sa elem dumaan.
Musta ka na?"
Medyo pabulong din ako.
"'To naman, parang di kita katext kanina ah. By the way, nailang ka kanina no? Puro na nga bago, nalate ka pa."