Second Swipe
"Let me tell you something: I'm new to Tinder and you are my first match. I swiped right on your profile because I saw that you have Paramore on your Spotify playlist, I stalked you in your other social media account and I found out that you're a dog owner (you own a very cute dog, btw!), and...I got intrigued by your bio description."
Ayan ang message na bumungad sa akin pagka-open na pagka-open ko ng Tinder app ko.
Nakita ko na nag-match kami ni Rocco Cartativo, yung guy na may cute na corgi dog at cute na awkward smile. Ayan ang pangbungad na mensahe niya sa akin.
Napangiti ako at hindi ko alam kung bakit parang kinilig ako nang mag-match kami.
At...binasa niya ang bio ko!
Pinalitan ko yung nilagay doon ni Jane na "Wanted: Cupid's Ball date." Instead, ito ang inilagay ko: "I sleep with one eye open."
Yung una kong naka-match, si Yohan, mukhang hindi binasa ang bio ko. Hindi niya nabanggit, eh. Or baka wala lang talaga siyang paki.
Naisipan kong reply-an itong si Rocco with the same manner kung paano siya nag-message sa akin.
Liana: "Let me tell you something: I'm also new to Tinder. You are not my first match. I swiped right on your profile because I saw my favorite book in one of your photos and I also got intrigued by your bio.."
Hindi ko na ipinaalam sa kanya ang cute awkward smile niya at baka kung ano pa isipin niya. Mamaya akalain niya type ko siya.
Pero hindi nga ba? Kaya nga nag swipe right ka.
Mayamaya lang ay nag reply siya sa akin.
Rocco: "What keeps you up at night and makes you sleep with one eye open?"
Liana: "What do you think?"
Rocco: "Well, whatever it is, what I think is that you're a great person, Liana. :)"
Napa-ngiti ako habang i-iling-iling. Magaling mambola 'to. Feeling ko hindi niya talaga first time na mag-Tinder. Parang batikang-batikan na siya sa pambobola, eh.
Wait, ganitong ganito si Yohan, eh. Magaling mambola. Ang smooth mag sweet talk. Ang galing mag start ng conversation. Baka mamaya niyan bebentahan na naman ako ng vitamins nito o pasasalihin sa networking?
Liana: "Let me tell you something: Hindi ako open minded sa business at wala akong planong bumili ng vitamins o napkin o energy drink or kung ano mang ibebenta mo if ever na nag swipe right ka sa'kin dahil mukha akong madaling utuin."
After that, hindi na siya nag reply sa akin. Mukhang tama nga ako. Baka nga nag swipe right siya kasi madali akong utuin at plano niya akong yayain sa networking.
Or maybe I was wrong at tinarayan ko siya kaya naman ayaw na niya akong kausap at hindi na siya nag-reply sa akin.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong malapit na akong ma-late kaya dali-dali akong tumayo sa kama at nag-ayos. Ni-hindi ko na rin nakuhang kumain ng breakfast.
Naduling ako ng tingin kanina sa orasan. Akala ko maaga pa. Late na pala 'ko!
Pagdating ko sa work, ang haggard-haggard ko dahil sa pagmamadali at ni hindi ko man lang nagawang mag suklay.
"Ano te? Nahanap mo na ba si perfect match mo?" salubong na tanong sa akin ni Jane nang makita ko siyang nag-aayos sa locker room. "Mukhang na-busy ka sa pakikipag-usap sa kanya at ang late mo pumasok ngayon."
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You Something
Romance"Let me tell you something: I'm really happy na nag right swipe ka nang makita mo ang profile ko." "Let me tell you something: Me too. And one of the best thing that ever happened to me is that we became a match." Nang ma heartbroken si Liana, her f...