Hagdan

16 10 3
                                    


Sabi nila kapag inlove ka inlove ka. Walang pero pero, walang hindi hindi, sige lang ng sige, oo lang ng oo at bigay lang ng bigay. Lahat tayo iba-iba ang pananaw sa love, meron yung mga taong maingat kaya kinikilala nilang mabuti yung mga taong puapasok sa buhay nila dahil takot silang masaktan.

Meron ding iba na nadadala lang sa kanilang mga nararamdaman, hindi pa sila sigurado sa mga kanilang mga nararamdaman pero pinapasok na at pinagdedesisyonan na ang mga bagay na alam naman nilang hindi pa sila sigurado at handa.

-----------------

May isang babae na nagngangalang Samantha. Siya ay napakaganda, matalino, mapagmahal, masayahin at makadiyos. Halos lahat na ng mga magagandang katangian ay nasa sakanya na.

Ngunit sa kabila ng lahat ay may tinatago problema si Samantha, ang kaniyang pamilya ay magulo, lagi na lamang nagtatalo ang kaniyang mga magulang at naapektohan ang kaniyang tatlong kapatid, ngunit si Samantha ang tumutulong sa mga kapatid niya upang magkaroon sila ng lakas ng loob at dahil narin sa panganay siya kaya tungkulin na niya ito.

Pagkalipas ng ilang buwan ay naghiwalay ang mga magulang ni Samantha, pati narin silang magkakapatid ay nagkahiwa-hiwalay. Dahil si Samantha at kaniyang isang kapatid na si Lily ay isinama ng kanilang papa, at ang kaniyang dalawang kapatid naman na sina Andrea at Nika ay naiwan sa kaniyang mama. Labis nitong ikinalungkot ni Samantha pero wala naman siyang magagawa kaya pumayag nalang siya.

Dinala sila ng kanilang papa sa L.A. Nagustohan ni Samantha ang lugar pero hindi parin maitatago sa kaniyang mga mata ang lungkot, kaya pinili niya nalang na mamasyal sa labas kasama ang kaniyang kapatid na si Lily. Habang namamasyal sila sa may park sa village na tinitirahan nila ay biglang natapilok si Samantha sa hagdan, buti na lamang ay nasalo siya ng isang lalaki.

Lalaki: "Miss ayos ka lang?"

Samantha: "Ah... eh... O-o a-a-yos la-ng." pautal na sagot ni Samantha habang nakatitig sa lalaki

Lalaki: Bagong lipat lang kayo dito sa village?

Lily: "Oo kuya! Ate tara na maggagabi na!" pilit na hinihila ang kaniyang ate

Lalaki: "Ah sige ingat kayo. Alis na rin ako. Bye!"

Nakarating na si Samantha at Lily sa kanilang bahay, sising sisi si Samantha dahil hindi niya manlang nakilala at hindi manlang siya nakapag salamat sa lalaki. Pero iba parin ang ngiti sa kaniyang mga labi at hindi ito matanggal. Dahil sa gabi na nga ay dumating na ang kanilang papa galing sa kaniyang trabaho at tinawag na nila ito para kumain, ngunit habang kumakain sila ay napansin ng kaniyang papa na nakatulala lang si Samantha, ngumingiti-ngiti mag isa at dahan-dahan lang ang pagsubo.

Robert: "Samantha anak? Nagda-diet kaba? Bakit ganyan mga subo mo? Nakatulala kapa at ngumingiti-ngiti."

Ngunit hindi sumasagot si Samantha at patuloy na nakatulala.

Lily: "Kasi naman papa may nakita siyang guwapo sa park."

Robert: "Samantha? Samantha!"

Samantha: "Oh bakit pa?"

Robert: "Totoo ba yung sinasabi ng kapatid mo?"

Samantha: "Ha? Eh. Hindi po! Huwag ang maniwala jan pa."

Lily: "Yiiee si ate may crush."

Samantha: "Tumigil ka nga!"

Robert: "Osya tama na mga anak. Kain na."

Tapos na silang kumain at pumasok na ng kwarto si Samantha pero natutulala at ngingiti ngiti parin siya. Hindi malaman ni Samantha kung ano ba ang kaniyang nararamdaman. Mga ilang minuto lang ay tumawag ang kaniyang bestfriend.

Ashley: "Bes!" excited na pagtawag ni Ashley kay Samantha

Samantha: "Hello. Haha! Napatawag ka?"

Ashley: "Sasabihin ko lang sana na lilipat narin kami nila mama jan sa L.A next month. At makikilala mo narin si prince charming ko."

Samantha: "Oh good news. Ako din may sasabihin."

Ashley: "Ano iyon? Dali!"

Samantha: "Aaaa-ano kasi... Kanina kasi nung namamasyal kami ni Lily sa park natapilok ako sa hagdan buti nalang lang sumalo sakin. Sobrang gwapo, maputi at matipuno. Inlove na ata ako bes!"

Ahsley: "Haler!? Inlove agad bes? Nakita mo lang eh, hindi mo pa nga nakikilala ng maayos. Alam mo ba pangalan niya?"

Samantha: "Yun nga eh hindi. Umalis kasi siya agad, hindi nga rin ako nakapag-thank you. Pero! okay lang magkikita pa kami."

Ashley: "Sus! kilalanin mo muna siyang mabuti baka paglalaruan ka lang niyan. Oh sige na bes see you nalang nest month. Bye."

Samantha: "Okay see you!"

Natulog na si Samantha. At pagkagising niya ng umaga ay nakangiti na agad siya. Bumangon siya at lumabas sa kaniyang kwarto para kumain, ngunit nagulat siya ng makita niya ang kaniyang papa na nasa sala at tinawag siya nito.

Robert: "Samantha." sabi ng kanyang papa

Samantha: "Yes pa?"

Robert: "Magbihis ka. Pasukan na bukas at kailangan mong magpaenroll." pagaapurang sabi nito

Samantha: "Pero pa! Wala papo akong masiyadong kakilala dito."

Robert: "Walang pero pero. Kaya ka nga papasok sa University para madami kang makilala at maging kaibigan dito."

Hindi na nakasagot si Samantha sa kaniyang papa dahil kailangan niya din naman itong sundin. N

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HagdanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon