1

12 7 0
                                    

Sa malayong lugar mayroong isang dalaga na nagngangalang " Kara " ito'y biniyayaan ng ubod ng ganda,may katalinuhan,mabait na bata,at syempre maka-Diyos. Ngunit uhaw sa pagmamahal mula sa mga magulang nito,Ito'y matagal ng ulila,at siya lamang ang nag-iisang anak kahit sa mga iba't-ibang taong malapit sa kanilang pamilya hindi niya gaanong kilala at masyadong malalayo ang kanilang kinaruruonan kaya't isa rin sa mga pangarap ng dalaga ang matunton at muling makasama ang kanilang iba pang pamilya,Ngunit hindi pa rin pinapabayaan ni Kara ang kanyang sarili dahil na rin sa hirap siyang mapag-aral ang sarili kaya't pansamantala muna itong kumakayod bilang isang katulong tinanggap niya lahat ng hirap ngunit lagi rin iniisip ng dalaga tangging kapalit lahat ng kanyang pagsasakripisyo ay simula pa lamang sa unti-unting pag-abot nang kanyang pangarap at sa kung sakaling ito'y maka-ipon ito'y kanyang gagamitin sa pangtustos sa kanyang pag-aaral. At swerte nama'y mababait ang kanyang mga amo kaya't doon na rin nagpapalipas ng gabi ang dalaga,At maya't-maya matapos itong libutin sa mansyon ipinakilala na rin sa kanya ang isa pa nitong pagsisilbihan at syempre ito rin ay kanyang aalagaan ang binatang iyon ay nagngangalang "Arthur " ngunit sa kanilang unang paghaharap iba na agad ang pinakitang ugali ng kanyang amo at tila bigla itong napaisip na mukhang mahihirapan ito. Samantala ilang buwan na rin ang nakalipas hindi pa rin nito lubos kakilala ang kanyang amo. Isang araw habang si Kara ay inaayos ang mga gamit ni Arthur nakatanggap ng mensahe mula sa kanyang mga mag-asawang amo nito.

Misis Janine: Kara,ipagbibilin ko muna sa iyo ang mansyon dahil baka kami hindi agad maka-uwi sa susunod na linggo at sa iyo ko muna ipagkakatiwala ang buong mansyon at syempre si Arthur huwag ninyong hahayaan makagawa muli ng katarantaduhan habang kami'y wala at huwag rin kayong mahihiyang magsabi sa akin kung kayo'y may kailangan. Mag-iingat kayo diyan.

Kara: Masusunod po,Ma'am.
Ilang minuto pa nagulat si Kara sa nabasang mensahe mula kay Arthur dahil unang beses itong nagtext kaya't ito'y lubos na nagtataka lalo't pa na si Arthur ay gusto nitong papuntahin sa mismong kinaruruonan nito. Samantala si Kara ay nakarating rin sa kinaruruonan ni Arthur. Ngunit nabigla ang dalaga dahil sa akalang nag-iisa lamang si Arthur kundi may  iba pa pala itong kasama ngunit hindi na lamang nito pinansin.
Kara: Tara't umuwi na po tayo Sir Arthur, marami pa po akong kailangan ihabol na gawin.
Arthur: Ano ba?!! Nagmamadali ka ba uuwi tayo sa kahit anong oras ko gusto, At dito ka lang sa tabi ko sasamahan mo ako. Diba iyan naman ang tungkulin mo ang bantayan ako.
At nagtatawan lamang ang mga kaibigan ni Arthur. At isa sa mga kaibigan ni Arthur ay may sinabi kay Arthur " Tara, Pare! Ipapakita pa namin sa iyo ang isa pa naming tambayan bukod pa rito.
Arthur: Oh,sige ba!Gusto kong makita iyan.
Kara: Po ? Baka mapanganib po sa inyong pupuntahan. Huwag na lang po kayo sumama sa kanila Sir Arthur.
Arthur: Ang gusto ko ay gusto ko!,wala kang magagawa at pwede ba huwag kang mangingialam sa mga usapan namin. At huwag na huwag mo itong babanggitin kila Mama at Papa dahil ako ay muling mananagot sa kanila. Kaya't ika'y manahimik na lamang.

At maya't-maya pa bigla na lamang hinawakan ng mga kaibigan ni Arthur ang magkabilang braso ni Kara,At doon na rin naisipan ni Kara na humingi ng tulong ngunit kahit gaano man kalakas ang paghiyaw nito nanatiling malakas ang mga magkakaibigan,At tuluyan na siyang hindi nirespeto lalong-lalo na ang sarili nitong amo.

Makalipas ang ilang minuto .......

Matapos ang mga pangyayaring iyon tuluyan nang nilisan ang mga magbabarkada ang walang kalaban-laban na dalaga,At nanatiling tulala ang dalaga,At para bang ito'y halamang lanta nang umuwi. At nang napadaan ito sa isang presinto nagdadalawang isip ang dalaga kung ito'y magsusumbong o kaya'y  ipagpaliban na muna.

At pagkalipas ng ilang araw ......

Nakarating rin agad sa mga magulang ni Arthur at dali-daling pinuntahan ni Misis Janine si Kara.

Misis Janine: Totoo ba ang lahat ng aking nalaman?

At tanging iyak lamang ang nasasagot ni Kara.

Sky Of LoveWhere stories live. Discover now