Chapter 01 (Ruined)
Santi's POV
"AHHHHHHHHHH!! SUGAAAA! I LOVE YOU!! BE MINE SUGABHABES!!"
" SUGA NOTIS ME PLEASE!!"
" ANG FOGI FOGI MO SUGA OPPA!!"
" YOONGI AKIN KA NALANG!"
😑
Fvck
Shit
Tumayo ako at lumapit sa pinto. Sumandal ako sa gilid ng pinto at nag cross arms. Isang tribo ng mga panget ang nagkukumpulan sa labas ng classroom namin habang may mga balloons at banners na hawak. Yung iba naka bias tshirt pa.
" Hoy mga babaeng malandi at mas makati pa sa higad! Pwede bang tumahimik kayo kase natutulog si Suga bhebhe ko dito! Tsaka tigil tigilan niyo na ang pag-a-i love you sa bhebhe ko! Kasal na kami kaya wag niyong nilalandi ang bhebhe ko! Alis! Chupi!" saad ko at isinara ang pinto. Nakakainis ang mga babaeng yun! Ang aga aga eh pinapasabog ang ear drums ko. Naglakad ako pabalik sa upuan ko. Sinulyapan ko si Suga at tulog na tulog siya. Fvck! Kahit tulog sobrang gwapo!
Umupo ako at ipinatong ang ulo ko sa desk. Ginaya ko ang posisyon niya pero nakaharap ako sa kanya. Pinagmamasdan ang gwapong itsura ni Suga. Hayyss.. Sana gising ka kanina para nakita mo kung gaano ako ka addict sayo. Kaya kong labanan lahat ng fangirls mo kahit may kasama pa silang archers or barbarian!
Umayos ako ng upo dahil pumasok na ang first period teacher namin. History ang First Period namin kaya sobrang boring.
BTW hindi pa pala ako nagpapakilala! Hi Ako si Santi Zaheiniah Santiago! Isang Grade 12 Student at nag aaral sa Sekang University! Why sa Sekang University? Syempre dito nag-aaral ang Bhebhe ko! Ang nag-iisang Gluta King ng Bangtan Sonyeondan, MIN YOONGI!
Pasensya na sa iskandalong ginawa ko kanina. Harsh talaga ako magsalita at naiinis talaga ko sa mga babaeng umaagaw sa bhebhe Suga ko. Syempre what mine is Mine! territorial ang lola niyo!
Isang Taon na akong Fan Girl ni Suga! ISANG TAON NARIN KAMING KASAL! Char! XD! Pagkasal na kayo ng asawa niyo papayag kabang lalandiin siya ng hipon sa kanto? Syempre hindi diba?
15 More Minutes bago matapos ang Boring na History Class. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko at gumala sa Gallery. Puro pictures at video lang ni Suga ang laman ng Gallery ko. Kahit may 6 na epal pa sa video ay okay lang! Basta makita ko lang ang gwapong itsura ng bhebhe ko.

Oh diba! Ang gwapo gwapo ng bhebhe ko! Ang puti puti pa! Ilang gluta kaya ginagamit nito sa isang araw? San siya ipinaglihi? Sa labanos? Lagi ko siyang tinatanong kung bakit ang puti puti niya at bakit hindi niya nalang hinawaan si Namjoon ano? Pero i dont give a shit lang lagi ang sagot niya---
" Ms. SANTIAGO NAKIKINIG KA BA!?" nagulat ako ng bigla akong sigawan ni Sir dahilan para mahulog ang phone ko at mapunta sa ilalim ng table ni Suga. Oh See! Pati Celpax ko lumalandi! Mana-mana sa owner lang yan.
"Mrs. Santiago!"
" Y-yes Sir?" napaharap ako sa harap at nakita ko ang malahalimaw na mukha ni Sir. Galit na galit na siya. Tsk. Insecure lang yan kase maganda ako! Mukhang may tinatago pa ngang pagnanasa sa Sugabhabes ko eh! Eww So Dirteu.
" Mrs. SANTIAGO YOU MAY--- " di nakatapos sa pagsasalita si Sir ng biglang bumukas ang pinto sabay pasok ng anim na lalake, ang Bangtan Sonyeondan. Tumigin ako sa relo ko at 2 minutes nalang ang natitira para sa 1st Period Class. Kahit kelan ang kukupad talaga ng anim nato! Masyado silang pa VIP! Bat di nalang nila gayahin ang Sugabhabes ko na kahit laging tulog sa klase atleast di siya late 😑