Chapter 2 (Date)
Min Yoongi's POV
Maaga akong nagising ngayon para maghanda. Kahit malamig eh naligo talaga ako. Matagal ko ng hinihintay ang araw nato. May date kami ng pinakamamahal kong babae.
" Oh maporma ata tayo ngayon ah?" Tanong ni Namjoon. Tsk. Ikaw lang naman yung laging baduy kung manamit. You got no swaeg.
" Syempre may date kami ni Belle ngayon." Saad ko habang tinitext si Belle na papunta na ako ng starbucks.
" Hahahaha! May gusto ka parin sa Tomboy nayun!?" Saad niya habang tawang tawa.
" Atleast maganda siya! Siya lang naman ang maganda sa Sekang University!" saad ko. Medyo boyish lang naman si Belle eh. Hindi siya tomboy! Sa katanuyan ay trainee siya sa isang entertainment ngayon.
" Weh? Marami kayang magaganda sa SU. Sina Yooa, Shannon at syempre si Santi!" Saad ni Namjoon. Shan-- shit! Yung usapan pala namin ni Jungkook. May date pala dapat kami ng Santi nayun! Tsk pero may date rin kami ni Belle ngayon. Hindi ko ito kailangan icancel para lang sa babaeng maingay nayun! Minsan ngalang sumisipot sa date si Belle eh.
" Oh diba, napaisip +.isip ka! Maganda naman talaga si Santi eh! Swerte ka dahil ikaw ang nagustuhan niya at di niya pinapansin ang mga nagkakagusto sa kanya. Bahala ka hyung, ikaw rin ang magsisisi sa huli." saad ni Namjoon. Tse! Wala akong pake sa santi nayan! Si belle ang gusto ko at wala nang magbabago!
Inirapan ko siya at lumabas ng dorm. Baka naiinip na si Belle dun.
(FAST FORWARD)
Pagpasok ko sa starbucks ay agad kumaway si Belle sakin. Shit ang ganda niya talaga!

" Anong gusto mo? Ako na mag-oorder." saad niya. Tumayo siya at aalis na sana kaso hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya.
" Aalis ka na naman? Pinapangako mo bang babalik ka? Pwedi bang wag ka nalang umalis?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Bigla nagbago ang eskpresyon niya. Parang hindi niya ata inaasahan ang sasabihin ko.
" Ang OA mo tol! Bibili lang ako ng Frappe!" saad niya at binatukan ako. Hehe nagjojoke lang naman ako eh.
Pinanood ko siya habang naglalakad papunta sa counter. Halos lahat ng lalake ay napapatingin sa kanya. Gusto kong dukutin ang mata nila at itapon sa kalye! Gusto kong lapitan si Belle tsaka ipasok sa sako para hindi nila masilayan ang maganda niyang mukha. Pero wala akong karapatang gawin yun, girlfriend ang turing ko sa kanya at boyfriend rin ang turing niya sakin. As in Lalaking kaibigan urur!
Bigla akong nalungkot ng maalala ko ang sinabi niya. Baka hindi na niya matapos ang school year kase magde-debut na siya sa second grading by September. July na ngayon at ilang buwan nalang ay debut na nila. Ilang buwan ko nalang siya makakasama. Syempre pag idol ka lagi kanang busy. Tsaka hindi na kami magkikita ng ganito, minsan nalang kami magkakasama kaya susulitin ko nato.
Habang hinihintay kong makabalik si Belle ay sumandal muna ako at tumingin sa labas.
Teka? Ang pamilyar ng babaeng yan ah. Nakasakay siya sa isang pulang sasakyan habang nakadungaw sa bintana. Mukhang inip na inip siya dahil sa traffic.
Tama si Namjoon. Maganda nga naman talaga si Santi.
" Huy! Sinong tinitignan mo dyan sa labas?" nabigla ako ng biglang sumulpot si Belle sa harap ko.