They say "Expectation is one way of hurting yourself" but what if, that is how I live my life? and that is the reason why I keep moving. Hindi naman mawawala sa isip nating mga kabataan ang mag-expect sa mga baga-bagay diba? Lalo na ang mag-assume sa mga crush natin. Binibigyan natin ng kahulugan yung mga body language nila. We stalked their facebook accounts. Naiinis tayo kapag may kasama silang iba sa picture. Nakakainis din yung may naka-tag sa kanilang sweet status. Ang sarap bombahin diba? Magdadasal nalang tayo na maghiwalay na sana sila at sasabihin nating walang forever para palakasin ang ating loob. Oo, nakakatawang isipin ngunit ito ang relidad ng buhay. Hindi po ako bitter, ang sakit lang talaga sa mata kapag may nakikita akong magsyota sa daan. Lalo na kapag magkaholding hands at sobrangs sweet, kung pwede nga lang sipain at pagmumurahin ginawa ko na e. Kaso, HINDI.
Bakit ba kasi hindi tayo magustuhan ng taong gusto natin? Bakit hanggang friends nalang sa facebook? Bakit pa ba sila nabuhay? Bakit pa natin sila nakilala, kung hindi naman nila tayo mamahalin? Naranasan mo na ba ang UMASA?
Lunes na naman! Isa sa mga araw na ayaw kong dumating. Bakit ba kasi meron pa nito? Nyemas! Ayoko nang mag-aral e. Pumapasok lang naman ako dahil sa basketball at sa taong pinapangarap ko. "Na hindi ko naman makuha"
As I open my eyes, mukha ng yaya ko yung una kong nakita. She's about to wake me up pero naunahan ko na naman sya.
"Gigisingin mo ko, ya?" pang-asar kong bati sa kanya.
"Opo, sir - sana" natatawa nyang sagot habang kinakamot yung ulo nya.
Ganito ang eksena namin ni yaya tuwing umaga. Hindi ako babangon at hindi ko imumulat ang aking mga mata hangga't hindi ko naririnig na binubuksan nya yung pinto ko. Siya na yung tinuturing kong nanay. Si mommy? Nasa states with my older brother. Si daddy naman laging nasa trabaho, dun na nga nakatira yun sa office nya e. Kami nalang ni yaya ang naiiwan sa bahay. Kasama ko na si yaya simula pa nung seven years old ako kaya sobrang close ko na sa kanya. She's with me kapag may award ako sa school. Yeh! You heared me right, award - sa basketball for being the team captain. Sya din kasama ko sa mga meeting. Sya din yung nakakausap ng director sa school pag may kalokohan akong nagawa.
Pagpasok ko sa kusina ay nakahanda na ang almusal, as usual hodogs, egg sandwich, and bacon. Mga favorite ko yan e, tingin ko dahil dito lumalaki biceps ko. After eating, I headed the CR to take a bath and I went to school. Naglakad lang ako dahil sobrang lapit lang ng village namin sa university na napili kong pasukan.
"Brandoooooooon!" Sigaw ng bestfriend kong ugok. Isa sa mga pinakamahangin na nakilala ko. Nagtataka nga ako kung bakit ko 'to naging kaibigan e.
"Ang pogi ko ba ngayon?" sabay pose ng papogi. I smirk and continue walking. Naniniwala naba kayo sa sinabi kong mahangin 'tong ugok na 'to?
"Brandon naman, sagutin mo ko oh!" dagdag nya habang naglalakad papalapit sakin. Huminto ako dahil nasa tapat na ko ng classroom ko.
"Your ass Toper! Nanliligaw ka ba?" sagot ko sa kanya with my one eyebrow raising. By the way, kitakits sa practice mamaya.
Pagdating ko sa desk ko ay may nakita na naman akong boxes of chocolates. Yes! BOXES! Sa araw-araw nalang na ginawa kung hindi chocolates, cards and flowers ang nandito. Okay sana kung hindi lusaw yung chocolates e, kaso pwede na syang inumin at dahil dun napakalagkit na naman ng mesa ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis e.
"Don! May padala na naman si mayor" sigaw ng kaklase kong bakla na mukhang espasol yung mukha. Kapag nakikita ko nga yun, akala ko foundation day na e.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate
Teen FictionThey say "Expectation is one way of hurting yourself" but what if, that is how I live my life? and that is the reason why I keep moving.