Heartbeat (2)

22 19 0
                                    

Pero alam kong iba na ngayon. Wala akong makitang awa at pag aalala sa mukha niya. Hindi katulad noon. At alam kong kasalanan ko iyon.
"I thought you're dead already?"
Hinawakan niyang mahigpit ang mga kamay ko at tinakpan niya ng panyo ang bibig ko. Ibang iba sa sinabi niya dati, ibang iba sa ginawa niya sa akin dati. Ibang iba na siya. At tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako ng may humahaplos sa pisngi ko. pagdilat ko ng mga mata ko ay isang lalaking nakangiti sa akin. Ashton.
"Are you feeling well now?" Tumango na lamang ako dahil ramdam kong nanghihina pa rin ako. "I prepared foods for you. Kailangan mong kumain para mabawi mo ang lakas mo." Tumango ulit ako at walang balak na magsalita.
Naalala ko pa noong bata ako ay lagi ako sa mansyon nila pero 'di ko siya pinapansin kasi nakakatakot ang mukha niya, hindi kasi siya ngumingiti. Pero isang araw ay nadapa ako at pinagtawanan ako, inis na inis ako sa kanya noon. Pinaghahampas ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry Zara. Forgive me" At hinalikan ang kamay ko. Natulala lang ako sa ginawa niya. Pero simula sa araw na iyon ay palagi na siyang ngumingiti sa akin at kinakausap ako. Naging magkalaro kami.
Pero ng sinabi ni papa na ang pamilya nila ang dahilan nito ay napalitan ng galit ang nararamdaman kong pagkagusto sa kanya. Oo gusto ko siya. Pero mas matimbang pa rin ang pamilya ko kaysa sa puppy love na nararamdaman ko. Gusto kong maghiganti sa kanya. Kaya sa ilang araw kong pagtatago kasama niya ay ginamit ko iyon na pagkakataon.
"Nasaan pala ako?" Tanong ko habang pinapanood namin ang sunset.
"Nasa bayan pa din natin tayo. Pero walang nakakaalam ng lugar na ito dahil nasa pinadulo ng gubat ito at walang nangangahas na pumunta dito. Don't worry, you're safe with me". Sa tv at libro ko lang nakikita na ginagamit nila ang pag-ibig para maghiganti. At ngayon sinusubukan kong gawin pero hindi ko alam kung paano nila nagagawa ng mga bidang nababasa at napapanuod ko ang gamitin ang pag-ibig sa paghihiganti. Dahil sakin natutupok ng galit ko ang pag-ibig. Natutupok ito ng pag-ibig ni ashton sa akin.
Hinawakan niya baywang ko hinarap sa kanya. Ang kamay ko ay dinala niya sa dib dib niya, sa tapat ng puso niya.
"Feel that? You're the only reason why it keeps beating. Only you, Zara Marquez." Tumingala ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko mabuka ang mga bibig ko para sabihin din sa kanya ang nararamdaman ko. Ikaw lang din ang dahilan Ashton Esquival kung bakit may rason pa ako para mabuhay.
"Don't mind the war between our families. My family fights using their anger. Pero ang hindi nila alam na ang pinakamasarap na ipaglaban ay ang pag-ibig. And I choose to fight using love. I choose to fight for this." Sabay turo niya sa kanyang puso "I choose to fight for you, Zara. I love you"
Naluluha ako sa mga binitiwan niyang mga salita. Hindi ko maiwasang mahiya ng isipin kong maghiganti sa kanya. Gusto ko din sabihing na pipiliin ko din ang pag-ibig at ipaglalaban siya. Gusto kong sabihin na ipaglalaban ko din siya. Gusto ko ding sabihin na mahal ko din siya. Ngunit ang tangi kong nagawa ay ang ngumiti sa kanya.
Pero agad ding napawi lahat ng nararamdaman ko ng marinig ko siya na may kausap sa cellphone.
"Nakita ko na siya Dad. Sisiguraduhin kong wala na siyang kawala. Kinulong ko siya sa isang rest house natin. Pagdating ko diyan ay kasama ko na siyang hindi na humihinga pa"
Hatinggabi na ng marinig ko iyon at hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Kung hindi ako nag padala sa lintek na pagmamahal na yan ay hindi ito gaano masakit ngayon.
Mag-uumaga na noon ng tumakas ako mula sa kanya. Wala akong maramdaman kahit ano noon parang naglalakad na patay.
Nagising ako pawis na pawis at may luha. Ang nasa panaginip ko ay hindi panaginip kundi ang realidad ng nakaraan. Dala dala ko pa rin ang sakit nito.
At ng maramdaman kong nakagapos ako at nakahiga sa sa semento na nasa loob ng kulungan, ay hindi ko maiwasang maramdaman ang galit sa sinumang gumawa nito. Si Ashton.
"Kumain ka na. Buong araw kang walang malay." Biglang may nagsalita sa harap ko pero alam kong hindi iyon kay ashton. "Kain na Zara." Humarap ako sa kanya at nagulat dahil sa pamilyar na mukha nito.
"Edward?! Hindi ko akalaing demonyo ka pa rin pala." Umupo siya upang pantayan ako. "Hindi Edward ang pangalan ko. Ethan." Teka? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon.
"And yes I'm devil. Kaya kumain ka na lang diyan." Wala na bang matitirang matino sa mundo? Mga walang hiya silang lahat!
"Pakawalan mo ako dito! Wala akong pakialam kung sino ka o kung ano ka. Mga demonyo!"
Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy na lang siyang lumabas sa kwarto. Pero hindi pa rin ako tumitigil na sumigaw. Hanggang sa bumukas ulit ang pinto. Handa na akong sigaw sigawan siya pero napatigil ako ng makita ang mukha nito.
"Oh? Bakit ka tumigil? Pagod ka na? I know you're not. Dahil ang alam kong Zara ay hindi napapagod. Hindi napapagod na may agaw ng atensyon!" Umiling iling ako. Hindi maari ito.
"Hindi ba tama ako? Nasa lahat ng atensyon dahil hindi ka napapagod na mag papansin. Kaya bakit ka tumigil sumigaw diyan, twin sister?"
"Jane, huwag mong gawin ito."
Lumapit siya sa akin at pinaglaruan ang buhok ko. "Hindi ba't inagaw mo ang atensyon ni papa? At nagpa hero ka pa, paiwan iwan pa pero mamatay din pala siya. Kawawa ka naman Zara."
"Hindi ko siya inagaw Jane, mahal na mahal ka din niya katulad ng pagmamahal niya sa akin"
"Ay talaga ba? Ang sweet naman ni papa. Pero hindi lang naman siya ang inagaw mo! Pati si Ashton. Mas pinili ka niya kaysa sa sundin ang tatay niya. Mas pinili ka niya kaysa sa akin."
"Nagkakamali ka Jane. Hindi ako pinili ni ash." Mas pinili niya ang pamilya niya. Mas pinili niyang sundin ang galit ng tatay niya.
"Manahimik ka! Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Kung sila nabibilog mo pwes ako hindi. Lalong lalo na Ashton na iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ka na niya lang patayin. Kinulong ka pa niya dito. Para saan? Para protektahan ka mula sa galit ni Tito Thomas? Hindi na ba siya nadala dati?
Anong sinasabi niya? Tinatago? Alam kong hindi ulit gagawin ni Ashton iyon. Hindi naman niya ako mahal.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka? Tama lahat ng sinabi ko. Linigtas ka nanaman ng prince charming mo. Pero panahon na para gisingin ka sa panaginip mo.
Tignan ko lang kung hindi ka pa mamatay!"
Hindi ko alam kung anong puwede niyang gawin pero alam kong ikapapahamak ko iyon. Ito ba ang gusto niya? Ang mamatay ako? Mahal na mahal ko ang kambal ko pero ibang iba na siya ngayon. Nabubuhay na din siya sa galit at inggit.
Pero totoo ba ang sinabi niya tungkol kay Ashton? Kung gusto niya akong protektahan bakit niya sinabi ang mga salita na gusto niya akong mamatay din? Kasama niya ba si Edward? Sa sobrang dami ng iniisip ko nakatulog ako.
Nagising akong umiiyak nanaman dahil sa panaginip ko pero hindi ko inaasahang sa pagmulat ng aking mata ay kaharap ko si Ashton. Nakatitig lang siya sa akin at ganoon din ako. Walang balak magsalita. Naramdaman ko nanaman ang matagal ko ng ibinaon sa aking puso. At sa oras na matalo nito ang galit ko ay matatalo ako.
"Bakit hindi mo na lang ako patayin? Hindi ba ay matagal mo ng plano iyon, gawin mo na ngayon. Ganoon ka naman kawalang puso! Hindi ba?"
Hindi siya sumagot kundi mas lalo pa siyang lumapit sa akin. "Sinabi ko bang gusto kitang patayin?"
"Oo! Rinig na rinig ko noon na papatayin mo ako at dadalhin mo ang katawan ko sa tatay mo. I didn't know you're that heartless Ashton. Ay oo nga pala anak ka ni Thomas Esquival. Kayang kaya mo iyong gawin. Mga walang puso!" Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata pero agad din nawala.
"Oo sinabi ko iyon. Pero wala akong planong gawin. Alam mo ba ang gusto kong gawin noon? Tumakbo palayo kasama ka."
"Tumigil ka na Ashton."
"Pero tumakbo ka palayo ng hindi ako kasama. Noong umalis ka napagtanto kong mali lahat ng ginawa ko noon. Mali lahat! Hindi kita dapat itinago mula kay Dad."
"Stop it Ash." Ayaw ko ng marinig na dapat hindi niya ako dapat tinago. Ayaw kong marinig kung paano niya kagusto na hayaan ako at mamatay. Ayoko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Pilit kong inaalis ang mga kamay niya pero sadyang malakas talaga siya. Paulit ulit akong umiling sa kanya.
"Nagkamali ako noon. Dapat hindi kita tinago. Dapat pinaglaban kita. Na kung gusto kang patayin ni Daddy hahawakan kong mahigpit ang mga kamay mo at kasama mo akong mamamatay."
At dahil sa sinabi niya mas lalo akong humagulhol. Tama na.
"Alam kong galit ka sa akin pagbalik mo dito. Pero tandaan mo na mahal kita. Kung ang armas mo ay galit, ang armas ko naman ay pagmamahal. War is over Zara. Panalo kana, kasi hindi na ako lalaban. Bibigay ako sa'yo."
Biglang may bumukas ng pinto. Si Edward. Ethan pala. Ibig sabihin hindi siya kalaban?
"Ash parating sila. Hindi ko alam kung paano nila tayo natunton. At nawawala din si Jane."
Parang alam ko na kung sino ang naglaglag. Jane itigil mo na iyan. Matatalo ka lang. Dahil ako mismo ang nakaranas na ang armas ay galit. Wala kang patutunguhan kung iyan ang gamit mo. Matatalo at matatalo ka.
Ilang beses ko ng ginamit ang galit kay Ash para maghiganti. Pero lagi akong talo. Laging natutupok ang galit ko sa gamit niyang pagmamahal. Mali ang sinabi niya kanina dahil ako ay totoong talo hindi siya.
Sa isang iglap ay nasa harapan na namin ang mga tauhan ng mga Esquival at pati mismo si Tito Thomas.
"Im so disappointed to you son. Mas pinili mo ang babaeng walang kwenta kaysa sa amin ng pamilya mo."
Linagay ako ni Ashton sa likod niya at prinoprotektahan sa tatay niya. "'Kahit kailan hinding hindi ko ito pagsisishan. Dad don't let your anger ruin us. Kasi kahit patayin mo ako ngayon hinding hindi ko pagsisihan na ipinaglaban ko ang babaeng pinakamamahal ko."
"Hindi ako nandito para pakinggan ang kadramahan mo at ang kababawan mo na pinili mo ang lintek na pagibig na iyan. Patayin niyo ang babaeng iyon. Kung linabanan kayo ng anak ko. Patayin niyo din siya. Mga walang kwenta." At tuluyan siyang umalis sa kwarto.
Humigpit ang hawak sa akin ni Ash. "Pumikit ka lang. Akong bahala sa lahat." Pumikit ako at kasabay non ay sabay sabay ng putok ng baril.
Gusto kong imulat ang mga mata ko pero natatakot ako na pagbukas ng mga mata ko magising na talaga ako realidad. Nakakatakot na sa pagmukat ko ay wala na siya. Gusto ko na lang mamuhay sa kadiliman kaysa sa liwanag na alam kung mawawala lang din siya.
Sinubukan kong buksan ang mga ko pero sana hindi ko na lang ginawa. Sa harapan ko ay isang katawan na naliligo sa kanyang sariling dugo. Walang malay at hindi na naririnig ang tinig ko. Hindi na niya maririnig na sabihin kung paano ko sabihin na mahal ko siya na kahit kailan ay hindi ko nasabi sa kanya. Sobrang sakit, dapat nabuhay nalang ako sa kadiliman kaysa sa makita ko na ang minamahal ko na wala ng buhay
7 Years Later
Tatlong taon na pero hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Sino bang hindi makakalimot sa kanya? Isinakripisyo niya ang buhay niya para sa ibang tao. Deserve niya makita kung paano nakulong si Tito Thomas at ang mga pumatay sa kanya.
Mahirap mag move on dahil hindi naman lang siya umalis at pumunta sa ibang lugar. Tuluyan na siyang nawala, namatay siya.
Gusto kong mamatay na din pero may tao pa ring nandiyan para bigyan ako ng rason para mabuhay. "Mama sad ka nanaman? Sumbong kita kay Papa." At isa doon ang anak kong si Blake. Siguradong magugustuhan mo siya kasi napakabibo. Pero alam kong magagalit ka din kasi pinakasalan ko ang asawa ko ngayon.
"Love, drama ka nanaman diyan. Sige ka baka multuhin ka niya talaga." Napangiti ako ng yakapin niya ako mula sa likod. "Anong gusto mong gawin para 'di ka na malungkot? Maghabulan sa bundok na iyon?" Tinuro niya ang bundok kung saan nahanap muli namin ang isa't-isa.
"Ashton naman, pinagloloko mo ba ako?"
"Hindi naman love. Kung malungkot ka lulungkot din si baby na nasa tiyan mo. Kawawa naman iyong baby ko." At hinawakan niya ang tiyan ko. "Kay baby ka lang talaga nagalala ha?"
Oo buntis ulit ako,tatlong buwan na. At nagpapasalamat ako kay Ashton dahil binigyan niya ako ng masayang pamilya. Sana andito kayo Jane at Papa. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Salamat sa mga sakripisyo niyo para sa amin

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon