Chapter 1: The Assignment

37 4 9
                                    

"Yhang, kilala mo ba 'to?"

Binagsak ni Alicia sa lamesa ang kanyang cellphone. Oo, bagsak, palibhasa rich kid, abusado na sa cellphone.

Tiningnan ko yung Facebook profile sa screen. "Wala akong kilalang 'Acoh'".

"Tanga," sabi niya. "Style ng pangalan niya yan. Yung DP tingnan mo."

Ah, ayun. Maganda yung babae sa picture. Naka-peace sign sa mata, na parang taong 2005 pa nung kinuha yung litrato. "Oo, kilala ko."

Bumalik ako sa pagtu-tweet sa phone. Mabuti nalang at walang monitor yung (illegal) WiFi sa school at di kami nabibistadong nagso-social media.

Biglang binuhusan ako ng tuyong dahon. Aba'y pagkagago... "Ano ba, Sha?"

Tinitigan niya ako, at hinila ulit ang sanga ng talisay.

Umuulan na ng malalaki at tuyong dahon ng talisay sa paligid ko. "Hoy! Wala tayo sa Encantadia ngayon Danaya, tigil mo na nga yan!"

"Sino ba muna yun?" pasigaw na tanong ni Alisha, akmang hihilain ulit ang sanga.

"Eh di si Acoh Sxi Chess." Tinaktak ko yung mga dahon sa palda ko ng biglang bagsak na naman ng mga dahon.

Sige, isa pang paligo at itatapon ko sa mukha niya yang sanga. "Seryoso na Yhang. Sino ba yan siya?"

Di na ako nagiisip nung bigla kong tanong na, "Eh bakit ba gusto mong malaman?"

Binitawan niya ang sanga, thank God. "Kasi," pa-piyok niyang sabi, "siya yung ka-chat ni Mark kagabi!" sabay biglang upo, kumikinang ang mata.

Powtek, kaiyakin na. Huuumaygad.

Ang kaibigan kong si Alicia Mercado-Grey ang pinakamagandang teenager na kilala ko. Half-Australian, blue ang mata, saksakan ng bait at Mother Majorette ng Teodora Inakay Science High School. Kaya di ko ba alam kung kaartehan niya lang o katangahan ng boyfriend niyang si Mark ang dahilan kung bakit ubod ang pagseselos nila sa isa't-isa.

"Pano mo naman nalaman yan?" Dahil sa pagkakaalam ko, pinalitan ng magjowa ang password ng mga FB account nila para di na maulit yung pagaaway nila tungkol sa privacy.

"Naglalaro ako ng Make Tusok the Fishball sa cellphone niya nang biglang lumabas yung mukhang yan sa screen." Umupo siya sa tabi ko. "Natalo tuloy ang streak ko."

Napa-exhale nalang ako. "Yan si Jessica Balandrino, grade eight. Kaklase ni Gino."

Sumimangot siya at nag-scroll sa profile ni Jessica. "Bata pa yang nilalandi niya ah, juice colored."

"Ka-chat lang malandi na agad? Di ba pwedeng nagtatanong muna tungkol sa glee club?"

"Ha?"

"Member siya ng glee club. TA ni Sir Palomino yung mga Arts&Design students, eh baka naman nagtanong kung may assignment lang."

Tumaas ang pagkagandang kilay ni Alicia. "Assignment tapos ang hinihingi number?"

"Para makitext. Takot ipaalam ng mga juniors na may mga illegal na hotspot tayo sa school." Maganda ang facilities namin sa Tisay, pero may gateway sa mga website yung official na WiFi ng school. Di rin pwede sa mobile data dahil saksakan ng hina ang signal sa bundok na kinatatayuan ng school. Kaya yung mga Seniors namin (nung freshman pa kami) ay nagtago ng mga hidden na hotspot sa mga tambayan sa campus na alam lang ng students. "At tsaka may crush yan kay Gino. Inaasar ng mga barkada niya tuwing uwian."

Pasikat pa ng kapatid ko sakin pagkauwi. "Ate Joy, gwapo na ako! May crush daw sakin si Jessica!" yung literal na sinabi niya.

"Ah," sabi ni Alicia. Tinitigan niya ulit yung screen. "Baka OA lang ako."

NBSB (No bullshit, bes)Where stories live. Discover now