Chapter 0 : Sleepless Night

29 1 2
                                    

Chapter 0 - Sleepless Night

Malalim na ang gabi tanging huni ng kuliglig ang maririnig , kasabay na ang mabilis at sunod sunod na yapak ni Mavie na tila nakikipaghabulan sa malaking bilog na buwan

ng matapilok si Mavie, hindi niya napansin ang batong na sa daan.

"Ouch." reaction ni Mavie habang tinitingnan ang binting nasugatan, may pulang likido na nalabas dito, mahapdi, sinubukan niyang tumayo ngunit napaupo ri siya, pumikit siya muli at sa pagdilat niya ay may lalakeng hawak ang nasugatang binti ang mas nakakagulat ay bakit nalutang siya?

napako ang tingin ni Mavie sa Mysteryosong lalake, na may kulay itim at medyong kulot na buhok, malalantik na pilik, biluging pulang mata, makinis na balat, labi na malarosas at higit sa lahat ng ngumiti ito at biglang may pangil na lumitaw. "May I?." mas natulala si Mavie ng sinabi ito ng lalake. 

"Silence means Yes." at unting unti nilapit nito ang kanyang bibig sa kanyang sugat at hinimod ang mga tumutulong dugo at tsaka ito sinipsip. 

'Mali ito, walang Normal ang makakagawa nito." sambit ng isip ng babae.

Tinulak niya ito ng buong lakas ngunit parang wala namang nangyare.

pumikit si Mavie dahil sa sakit na nararamdaman bumabaong Pangil sa kanyang binti. ng imulat niya ang kanyang mata, wala na ang mysteryosong lalake tanging bandaid na may nakasulat na 'sorry' ang naiwan sa kanyang binti.

Nakakapagtaka, ano at sino ang nilalang na iyon?

tanong na naiwan kay Mavie.

"Hoy! Mavie gabi na! pumasok ka dito!" napalingon si Mavie sa kanyang kaliwa nakita niya ang kanyang nanay na nakapamweang  na nakatingin sakanya.

tumayo siya, ngunit wala siyang naramdaman na sakit mula sa pagkakadapa kanina. "Anong hinihintay mo? pagsikat ng Araw?" bulyaw pa ng kanyang Ina kaya tumakbo Mavie na kanikanila lang at nakakita ng mysteryosong uri sa ordinaryong mundo na kaniyang kinabibilangan.

naupo sa kama sa sariling kama si Mavie at tinanggal ang bandaid.. wala ng dugo tanging bakas ng pangil ang natira.

'Magkikita pa kaya kami?' tanong nito sa sarili imbis na matakot at Iconsider na lang yun bilang bangunguot ay gusto niyang magcross ulit landas nila?.

Itatapon na niya sana ang bandaid sa basurahan pero, may naramdaman siyang kakaiba at hindi niya rin maipaliwanag iyon sa sarili, Idinikit niya ang Bandaid sa isang Card na lagi niyang dala dala. 

Sana pala tinanong ko yung pangalan niya.

Ano kayang nilalang yun? 

Baka Bangag lang ako at Lamok yun? 

May lamok bang Life-Size? 

Mga nakakalokang Tanong ng Isip ni Mavie.

TikTak* TikTak*

Ilang Oras na ang lumipas ng mangyari ang isang Pangyayari at may Pasok pa si Mavie bukas sa isang Unibersidad.

Hindi pa rin siya makatulog. 

nababagabag ang kanyang kalooban parang may hindi kumpleto sakanya na sapat na dahilan para hindi niya mairelax ang sarili niya. nakatatlong lugnok na rin siya ng Gatas na dati ay nagpapatulog talaga sakanya. Tinry niya na rin lahat ng Komportable niyang mga puwesto pag natutulog pero hindi niya talaga mahinahon ang kanyang sarili. Para siyang Kitikiti na kanina pa paiba iba ng Puwesto. Tinry niya na rin blankuhin ang Utak niya pero lagi paring nasulpot ang magandang Larawan ng Isang Lalake na nakita niya kamakailan lang.

EveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon