Hindi ko napigilang tumulo ang luha ng ilipat ni Aling Biling ang channel sa laro ng basketball.
"Aling Biling, nanunuod pa ako ehh..." T.T Hindi ko pa tapos panuorin ang wonder pets, malapit na nga nilang maligtas yung kabayo ehh.
Sasagot na sana si Aling Biling ng makarinig kami ng sigaw
"VICTORIA GINA!!" Napalingon ako sa bahay naming na nasa tapat lang ng tindahan ni Aling Biling. Si Nanay pala, tinatawag na ako.
"Eto na, Nay!" sigaw ko pabalik at humarap kay Aling Biling, "Ate, uling nga po". Tumayo si Aling Biling mula sa kinauupuan nito saka siya nagtanong. "Ilan ba?" Napakamot naman ako sa ulo.
"Ilan po ba laman ng isang plastik?"
Hinarap ako ni Aling Biling "Bakit mo natanong?" kumunot ang noo ko. Bakit kaya ayaw pang sabihin ni Aling Biling? Hindi ko naman siya kakalabanin sa pagtitinda eh, kawawa naman siya, pag nakipagkompitensya pa ako, baka saakin na kasi bumili lahat.
(Pepay: Ang Hangin Naman sa labas! xD)
"O, Ano? Ilan ba, Toto?" Napatigil ako sa pagmumuni-muni kasi nagsalita na naman si Aling Biling. Toto daw. Ako yon, Iyon ang tawag saakin ditto. Kung Bakit? Secret. xD
"Eh Ilan nga po ba laman niyan?" Napa-tsk siya, parang nainis na eh kasi naman, ang slow niya kaya.
"Bibilangin ko pa?" Nagulat na tanong niya.
"Syempre po, paano niyo malalaman?" Napapaling na lang ako. Muhka naman lalong nainis si Aling Biling saka binilang pa ang uling "Eto, 18 ang laman."
"Ah okay. 18 po syempre ang bibilin ko". Etong si Aling Biling , may pagka slow pala. Alangan naming isa lang bibilin ko diba? Edi hindi ako nakaluto. Tsk tsk.
Parang biglang nagliwanag ang muhka niya. "Ayun sulit naman pala yung pagpapakahirap kong magbilang eh. Teka lang" Masayang sabi niya saka ualis sandali. Maya - maya, bumalik siyang may hawak na sako. "Ano bang lulutuin niyo't napakarami mo naming bibilin?" Nagtakang tanong niya tsaka inabot saakin ang sako, sinilip ko iyon.
>.< Ay. Ano ba yan, nag abala pa ata si Aling Biling na paghiwalayin ng plastic kada piraso. Mabait naman pala siya kahit slow.
Teka, bakit ba niya tinatanong pa kung ano lulutuin naming? Akala niya siguro kakalabanin ko rin siya sa pagtitinda ng ulam.
"Huwag ka mag -alala, Aling Biling, hindi kita kakalabanin. Magkano po ba?"
Kumunot pa ang noo niya bago sumagot . "108 PESOS" Hmp. Bakit akala ba niya dollars ang ibabayad ko't kailangan pa niyang pagkadiinan yung PESOS? Hayaan na nga natin , Pero tumaas na ba presyo ng uling? Parang kuryente lang? Dati sais lang yan eh, 108 na ngayon? Hay. Okay na yan, baka imported lang yung tinda niya, sosyal ah.