Ikaw

2.8K 71 43
                                    

Dedicated to @summerdaisies. All hands down for her awesomeness.

Date published: February 14, 2014
Date edited: March 27, 2014

___________________ 

Ang pinakama-mi-miss ko? Ikaw. Ikaw, Charles, walang iba.

~AquilaAndromeda~

____________

ikaw

“You are really, truly, the best-est friend in the world, Aquila! Do you know that?” sarkastikong sabi mo. You shook your head repeatedly, like you were so disappointed at me. Paano, ang saya mo pero hindi ko sinakyan ang trip mo.

“Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?” nakataas ang kilay na tanong ko sa’yo. “Suportahan ka d’yan sa katangahan mo?”

Ngumuso ka. “OA ka naman sa katangahan. Hindi naman katangahan ‘to, ‘no!” depensa mo at nahiga ka sa kama ko; habang ako ay nakatayo na nagmamasid sa’yong kumportableng nagpapahinga sa lugar ko. “Masaya lang ako kasi finally, pinansin na ako ni Andie. Can’t you be happy for me? Kahit mag-pretend ka lang na masaya ka, okay na ako.”

Bumuntong-hininga na lang ako at naupo sa dulo ng kama—malayo sa’yo dahil lalake ka at babae ako. Wala rin namang point na ipaalala ko sa’yo kung gaano ka nagpapakatanga para diyan sa nililigawan mo.

Kinalabit mo ako nang hindi pa rin ako sumagot. “Aquila…”

Inirapan lang kita. “Ano?”

Tumabi ka sa akin at nilaro ang buhok ko. “‘Wag ka na kasing mainis kay Andie. Mabait naman siya sa’yo, ‘di ba?”

Tumingin ako sa’yo habang nilalaro mo sa mga daliri mo ang dulo ng buhok ko.

Alam mo minsan, kung hindi ko lang alam na straight ka, talagang maiisip ko na bading ka. Ang hilig mong paglaruan ang buhok ko. Ang hilig mo ring mansita ng suot ko, nakakaloka ka.

“Tapos?” ‘Yun lang ang sagot ko sa pakiusap mo.

Napahiga ka na lang dahil dismayado ka na naman sa pagiging cold ko ro’n sa nililigawan mo. “Aish! Ano ba naman ‘to, Aquila? Dali na nga.” Bumangon kang muli at nangungusap ang mga mata mo nang lingunin kita.

“Ano nga?”

Nagkamot ka ng batok, siguro gusto mo na ring mag-give up sa pamimilit sa akin na gustohin ‘yang Andie mo. “Ang gusto ko lang naman e magustuhan mo rin si Andie para sa akin,” malumanay na sabi mo. “Alam mo namang matagal ko nang gusto ‘yung tao, ‘di ba? More than anyone else, ikaw ang dapat nakakaintindi ng side ko.” May pagtatampo na sa tono mo.

“Oo, naiintindihan kita. Pero hindi ibig sabihin no’n, ito-tolerate ko na ‘yang pagpapakatanga mo,” naiiritang sagot ko. “Nako naman, Charles. Ilang taon mo na ba ‘yang nililigawan? ‘Tapos ngayon ka lang pinansin. Tss. 2014 na, move on na.”

Dalawang taon, isang buwan at apat na araw to be exact. Ikaw mismo ang nagbilang ng bawat araw na dumaan. Gan’yan na katagal pero sige pa rin ‘yong push mo. Kailan ka ba titigil? Ako na’ng naaawa sa’yo, e. Tama na, Charles.

Gusto ko sanang sabihin ‘yon sa’yo pero baka lalo ka lang madismaya dahil napaka-unsupportive ng best friend mo.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan mo. “Sige, ganito na lang,” hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na sabi mo. “Sa February 14, huling hirit na. Kapag wala talaga, susundin ko ‘yang advice mo.”

Napatingin naman ako sa’yo. “Seryoso ka d’yan, ha?”

Ngumiti ka kaya nagpabida na naman ‘yong mga ngipin mong pwede nang pang-commercial ng toothpaste o toothbrush. Tapos ‘yong mga mata mo, lalo na namang kumislap. “Pero kelangan ko ng tulong mo.”

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon