Pamela's Ex One

7 0 0
                                    

Hi , Ako Nga Pala Si Pamela Isang NBSB.
Nagmahal, Nasaktan At Patuloy Na Umaasa.

Maganda ako. Pero hindi ako ligawin hindi ko alam kung bulag ba sila o sadyang dahil sa ganda ko inaakala nilang may boyfriend na ako. Nangyari ang kwentong ito noong panahon na, di ko alam kung excited ba akong magkaroon ng karelasyon o ano basta ang alam ko lang noong panahon na yun nahulog agad ang loob ko sayo.

Oo, gago ka! sayo nga.
Pero bago ako makaramdam muli ng galit ilalahad ko muna kung paanong binigyan mo ng ligaya ang puso ko...

Busy ako sa school noong una tayong nagkita, di kita napansin agad kasi sa dami ng gawain ko baka kapag kinausap mo ako ay masinghalan din kita. Pero ramdam ko yung presensya mo sa paligid at wala pa akong pakealam noon kausap mo yung classmate kong dapat tinutulugan ako sa bundok ng gawain at peste ka kinausap mo kaya naman nawala ang focus nya sa ginagawa namin, kaya naman nung nagpaalam kang aalis ay nakahinga ako ng maluwag at sa wakas, matatapos na rin namin ang gawain dahil gusto ko ng umuwi.
Pasado alas otso na din ng dumating ako sa bahay noon, agad kong binuksan ang wifi para makita kung ano ang mga bagong mensahe sa messenger. Nakita kong may chat ang classmate ko na si Kalvin, yung katulong ko sa pagtapos ng papers na ipapasa. Agad kong binuksan ang chat at baka may panibagong gagawin o mali sa ginawa namin.

Kalvin: Pam, may humihingi ng # mo sakin.

Napaisip ako sa chat nya, so hindi school related.
nagreply ako ng dahil sa curiousity.

Ako: huh ? sino naman...
Kalvin: Yung tropa ko, si Albert.
Ako:Sino yun ? Albert ? di ko knows so wag.

Wala akong panahon sa joke ni Kalvin kung kaya't hindi ko na pinasin ang chat nya.
May mga chat pa akong binasa at nagulat ako ng isang bagong message ang nag appear sa message request,

Albert Gabriel: Hi, Pamela di ko alam na suplada ka pala, pero alam mo bang dahil dun, nakuha mo ang atensyon ko? Oo nakuha mo ang atensyon ko kaya sana magkakilala pa tayo ng lubos sana mabasa mo at hindi ako ma-seen zone.

APPROVE.                  IGNORE.      

OH EM GEE.. Ano to..?

*To be continue


-chubbs

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon