Lost Eyes (One Shot)

58 4 0
                                    

I'm afraid. I'm so damn scared. I hate this feeling. Ayokong maalala ang mga dapat kong iwan dahil paniguradong hindi ako magdadalawang isip na bumalik at manatili na lamang dito.

Pero hindi. Alam kong tama ako. Tama ang ginagawa ko.

Hindi dahil sa ayoko. Kundi dahil sa nakakapanghina isipin na baka sa pag-alis ko, yun na rin ang huling beses na aking pagngiti. Yun na ang huling beses na magiging masaya ako. Even if it sounds selfish, that's the truth. Dahil sakanya lang ako humuhugot ng lakas. Sa mga ngiti niyang abot hanggang tenga at sa mga tawa niyang sobrang lakas na hindi mo mababahiran ng kalungkutan. Pero sa lahat ng hindi ko kayang iwan ay ang kanyang mga mata. Mga matang nangungusap sa tuwing umiiyak at ngumingiti siya. Hindi ko pag-aari ang mga matang iyon pero hindi ko mapigilang sarilihin ito. Every time I look at her eyes, I get lost in them but honestly, I don't want to find my way out. Cause I know, it is where I belong.

At ngayon sa aking paglisan, sobrang nadudurog ang puso ko. Hindi ko kakayaning makita ang mga mata niyang umiiyak at puno ng kalungkutan. Alam kong masasaktan ko siya sa desisyon kong ito pero ito ang makabubuti para sa kanya.

"Flight 5J 772 bound to Singapore is now boarding."

Hinanda ko na ang boarding pass ko at pumila na upang makapasok sa eroplano. Matapos kong pumila ay dumiretso na ako sa loob at umupo na sa assigned seat ko.

Naalala ko pa noong una ko siyang makita. If I knew it's gonna hurt this much, I wish I never laid my eyes on her. Pero hindi ako nagsisising nakilala ko siya. Dahil naranasan kong maging masaya kahit sa loob ng konting panahon. Kahit pansamantala lamang ang panahon na magkasama kami, mananatili habang buhay ang mga alaala naming dalawa. Alaalang kahit kailan gusto kong balikan.

Kung hindi lang sana kami hinadlangan. Kung hindi lang sana ako mahina. Kung kaya ko lang sanang tuparin ang mga pangako ko sakanya. Pero hindi e. Mahina ako. Walang kasiguraduhan ang buhay ko. Kahit anong oras ay maari ko siyang iwan. At natatakot akong bigla na lang akong mawala sa oras na hindi niya inaasahan.

"Pangako mo ha. Walang iwanan. Mahal na mahal kita. Sana tayo na hanggang sa huli. Makikipaglaban ako sa tadhana kapag sinubukan niya tayong paglayuin," wika niya habang nakatingala at pinapanuod ang mga bituin sa langit.

"Di ka mag-iisa sa paglaban kay tadhana. Kasama mo ako. Humanda siya satin. Hinding-hindi kita iiwan, pangako. Mahal na mahal kita, Andrhea," saad ko sakanya.

"Paano kung biglang bukas magising na lang ako na wala ka na? Anong gagawin ko, Gab? Di ko kakayanin yun." mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Shhh. Hindi mangyayari yun. Hinding-hindi kita iiwan, pangako," pagpapatahan ko sakanya.

Di ko alam na kakainin ko lahat ng mga sinabi ko sakanya sa gabing iyon.

Dahil pagkagising ko, sobrang sakit ng aking ulo at hindi na ako makatayo. Nagsisigaw ako at pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa isang hospital bed. Nawala na ang sakit ng aking ulo. Nag-uusap sa tabi ko sina Mom, Dad at ang dalawang doctor. Nakita ko namang nakahiga sa sofa ang kapatid ko habang nanunuod ng baseball sa tv.

Napansin yata nilang nagising na ako. Biglang nabalin ang buong atensyon nila sa akin. Napansin ko ang mga mugtong mata ni Mommy.

"Mom, dad, what's wrong?" tanong ko.

Bigla akong sinugod ni Mommy at niyakap. Sobrang higpit ng kanyang yakap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost Eyes (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon