Sinabi ko sa sarili ko na hindi puede. Hindi puedeng magmahal sa taong may mahal ng iba.
Pero iba pa rin talaga pagtinamaan ka.
Yung pagtama sayo na nakakalulunod.
Yung pagtama na kahit masakit na eh sige ka pa rin kahit na mukha ka ng tanga.
May mahal siyang iba pero hindi siya mahal.
Masaya ako dun.
Pero.
Sa tuwing nalalaman kong nasasaktan ka nasasaktan din ako.
Mas doble dahil alam ko kung feeling nun.
Danas ko sayo yan.
Pero mas masakit na makita ang mahal mo ay nagdudusa sa kasiyahan mo.
Selfish nga. Pero bakit ganun?
Mas naeepektuhan pa ako ng kalumbayan mo.
Sa bawat oras na ika'y malungkot, mas lumalalim yung hapdi, sakit na nararamdaman ko.
Alam kong wala ako para sayo.
Dahil isang tao lang ang nakikita mo, minamahal mo, dinarasal mo, ginugusto mo, hinahanap hanap mo.
Umasa akong baka puede.
Baka puedeng ako ang mahalin mo.
Na ako yung makakapunan na pagkukulang mo na hindi niya kayang ibigay sayo.
Sinubukan ko.
Sinubukan kitang kausapin.
Makapal man ang mukha ko pero ayokong mas magsisi ako ng wala man lang akong ginagawa at susuko agad ako.
Baka sakaling sa akin mo makita yung liwanag na dati mo pang hinahangad.
Maganda naman ang takbo ng ating paguusap. Halos araw-araw, gabi-gabi. Masaya ako dahil kahit sa saglit na oras nating magusap, binibigyan mo ko ng oras.
Oras na aking pinahahalagahan.
Oras na hinding hindi ko makakalimutan.
Kahit sa social media lamang.
Pero.
Hindi pa rin sapat.
Hindi pa rin ako sapat sayo.
Siya pa rin ang hinahanap mo.
Siya pa rin ang iniisip mo.
Hinahangad mo.
Minsan dinidiretso na kita na umaasa ka lang sa kanya.
Pero pagnandun na tayo sa puntong yun.
Binabawi ko.
Kasi ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman mo.
Nasabi ko pala yung tayo.
Wala palang tayo.
Kayo lang ang meron.
Pero wala pa rin kayo sa puntong kayo na.
Kaya hanggang ngayon umaasa pa rin ako.
Na baka sa susunod.
Na sana mauntog ka na sa pader na tayo na lang.
Mga hindi niya kayang ibigay sayo.
Kaya ko.Mga oras na nasayang mo sa kakahintay sa kanya magiging importante sayo.
Kaya ko yun.
Pero siya pa rin ang pinipili mo.
Ang pangarap mo.
Ikaw na hanggang panaginip na lang.
Pati Ikaw, nananaginip lang din sa kanya.
Ako kaya? Nananaginip ka rin kayang kasama ako.
Ako?
Oo.
Araw-araw.
Binabagabag ako ng presensya mo.
Malakas lang loob ko pag nakikipagusap ako sayong malayo.
Pero pagnakikita na kitang malapit,
Kinakabahan ako.
Sa sobrang kaba ko pati pintig ng puso ko naririnig ko na.
Hindi ko puedeng ipakitang kinikilig ako dahil hindi nila puedeng malaman.
Alam nilang may gusto ka sa kanya.
At alam niya din yun.
Pero nasaan ka?
Saan ka lulugar sa kanya?
Dapat pala ako din ang nagtatanong sa sarili ko.
Saan nga ba ako lulugar sa pagibig mo?
Sa kanya mo lang yan ibibigay.
Sa kanya mo lang gustong iparanas ang pagiging prinsesa ng buhay mo.
Nakakainggit siya.
Pero ang tanga niya.
Hindi niya nakikita halaga mo.
Yung pagibig na gusto mong iparanas sa kanya.
Ako.
Kitang kita ko yun.
At nakakadurog.
Alam ko naman sa sarili ko na hanggang dito lang ako.
Hanggang dito lang yung kaya ko.
Sayo.Hanggang dito na lang akong susuporta sayo.
Hanggang ganito na lang ako para sayo.
Ang maging tagahanga mo.
BINABASA MO ANG
Hanggang Odits Na Lang
RandomKung gusto mong masaktan ng walang dahilan. Ito ang basahin mo.