Hanggang dito na lang pa din

0 0 0
                                    

Bawat araw, nagiging masaya. Halos nagbibiruan na tayo. Akala ko wala na. Wala na ang Tinatago kong Pagtingin sayo.
I Mean
Lantad pala.
Hindi naman kasi puedeng itago ko pa yun. Halata naman.
Ikaw yung lang yung taong naging honest ako. Sa pakiramdam ko. Walang dalawang isip kong sinasabi kung Ano ang nararamdaman ko. Pero isa lang yung ikinakatakot ko. Na malaman mo na sinasagip kita sa masasakit niyang salita. Nagtatanong ako. Oo. Malakas talaga loob ko para itanong sa kanya kung ano ka ba para sa kanya. At sasabihin ko. Hindi mo magugustuhan kung ano ang sinasabi niya sayo. Kahit ako nasasaktan sa mga sinasambit niya. Yung nararamdaman niya para sayo. Yung rejection. Alam ko pakiramdam nun. Ayokong iparamdam sayo yun. Pero siya. Kaya niya. Hindi ko maisip sa katulad mong tao kaya ka niyang balewalain. Sa mga malaromantiko mong hilig at sa mga kilos mong talagang nakakapanghulog. Hindi ko alam bakit hindi pa siya nahuhulog. Kung ako nga siguro siya, malamang Hulog na Hulog ako. Pero may sasaluhin mo dahil Mahal mo. Pero hindi ako siya. Hinding hindi magiging ako siya. Hinding hindi rin magiging katulad ng pagtrato mo sa kanya. Oo. Perpekto kung perpekto ang tingin nating dalawa sa kanya. Sana ganun din ang tingin niya sayo. Kasi ako Perpekto ka sa akin. Oo Lahat ng tao may kapintasan sa katawan. Pero yung kapintasan mo yung nagpabago sa paningin ko sa pagiging hindi perpekto. Bawing bawi ika nga. Oo. Gwapo ka. Kahit hindi mo man makita sa salamin ang sinasabi ko. Sa akin, para kang Mas Maliwanag pa sa araw, na pati ang araw Ay Nahiya dahil sa kagandahang mong taglay. Nahiya na siguro sayo ang araw dahil lumubog na ito sa nakakasilaw mong angking liwanag. Sana yung Liwanag na yun nakikita niya. Yung nakakasilaw sa aking mata sana masilaw din siya. Sabi ko nga. Nagiisa ka lang sa mundong to. At napakaswerte niya dahil ikaw pa ang pumili sa kanya. Sana Piliin ka din niya. Para maranasan mo yung saya na gustong gusto mong maramdaman.  At masasabi ko ding Masaya na rin ako. Para sayo. Dahil ang kasiyahan mo Ay kasiyahan ko na din. Ang lungkot mo ay ganoong lungkot ko din. Minsan napapaisip ako. Nagiging makata ako dahil sayo. Nagiging corny nga kamo. Pero etong abilidad na ito Ay natutunan ko lang noong nakita kita. Simple ka lang pero nakakabighani ang kagwapuhang mong taglay. Sayang nga lang at hindi ka mapapasa akin. Dahil siya ang gusto mo. Tinitingala mo. Pinapangarap mo. At ako? Ganun din ako sayo. Sana ganun din tingin niya sayo. Sana din kung magiging kayo man ay matanggap ko. Oo masakit pero kelangan kong tanggapin. Dahil wala naman akong magagawa kung Um-oo siya aayo. Sabit lang ako sa lovestory niyo. Pang gulo. Bakit nga ba ako nagbaka sakali pa, kung malinaw naman na siya ang gusto mo at gugustuhin mo pa. Kay tagal mo na siyang hinintay. Baka ako lang yung taong dadaan sa buhay mo. Manggugulo sa buhay niyo. O puede ding ginawang instrumento para magkalapit kayo. Grabe nga si Lord kung ganun man. Napakasakit kong instrumento. Kelangan ko munang magsakripisyo. Pero kung ito man ang gusto ng nakakataas. Tatanggapin ko. Para sayo. Para sa kasiyahan mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Odits Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon