Aking sinta kahit sa malayo ka
Ikaw ay laging nasa puso't isipan
Bawat segundo, oras o araw man
Hindi ka makakaligtaan
Makita ka lang
Hahamakin ang lahat
makapiling ka lamang
o aking sinta
Alam ko mali ito
pero gagawin ko ang lahat para sayo
Kilala kita
kilala ka ng lahat
pero kay sakit sinta
hindi mo ako kilala
Hindi man ako ang laman ng puso mo
sadyang napakasakit malaman ang totoo
pero ipagsisigawan ko sa buong mundo na mahal kita.
SARANGHAEYO~~~