Alyssa's POV
"Alys magbreakfast kana!" sabi ni kaitlyn
"Hmmm sunod ako!!!"
Hay! Bumangon na ako para magbreakfast.Maaga pa naman parang gusto kong lumabas hahaha umakyat ako para magbihis at nagpaalam kila Mia
"Ahm Guys may dadaanan lang ako saglit ah" sabi ko
"Sige ingat" sabi nila
Lumabas na ako ng bahay at naisipan ko na lang maglakad bukod sa tinatamad akong magdrive atsaka baka maaksidente pa ako hindi naman ako gaano marunong magdrive,kaming limang babae lahat marunong ako slight lang hahah pero laging si kaitlyn lang yung nagdadrive kasi tinatamad kami,napunta ako sa park nakakita ako ng swing kaya umupo ako don habang nagmumuni-muni ako bigla akong nakakita ng batang lalaki at babae yung lalaki mataba siya at parang umiiyak yon habang yung babae naman pinapatahan siya
Bigla ko siyang naalala kamusta na kaya siya?kailan ko kaya ulit siya makikita?
Ang dami kong tanong sa isip ko naalala ko yung Bestfriend kong si Zayden siya yung pinakamatalik kong kaibigan bago ko pa maging kaibigan sila kaitlyn nagkaroon kasi siya ng family problem kaya kinailangan niya akong iwan kinailangan niyang sumama sa dad niya sa America simula non wala nakaming komunikasyon sa isa't-isa,balita ko nga nakauwi na siya sa pilipinas natatandaan ko pa yung mga huli niyang sinabi sakin at yung kwentas na binigay niya
*Flashback*
Naka upo kami sa swing ni zayden ng bigla siyang pumunta sa likod ko at may sinuot sa akin tinignan ko kung ano yun kwentas na pabilog simple lang siya tinignan ko yung loob nung bilog picture naming dalawa ang cute
"Para saan to?"sabi ko
"Ah baka kasi ayan na yung huling ibibigay ko sayo kasi bukas na ang alis namin ni dad"sabi niya
Bakas sa mukha niya yung lungkot kahit naman ako nalulungkot rin
"Tignan mo Alys parehas tayo"sabi niya at pinakita niya yung kwentas na suot niya
Parehas nga kami tinignan ko rin yung loob picture din naming dalawa
"Alys ipangako mo sa akin na hindi mo iwawala yang kwentas na binigay ko sayo kasi yan ang simbolo ng pagkakaibigan natin"sabi niya
"Promise"nakangiti kong sabi
"Alys magiingat ka ah wag mong pababayaan ang sarili mo kasi wala na ako dito sa tabi mo para Pagsabihan ka at pangako ko sayo magiging matapang ako sisikapin kong lumaban ng hindi nahingi ng tulong ng iba kasi tinuruan mo ako maging matapang promise Hahanapin kita sana antayin mo ako alys"
*End Of Flashback*
----
Papunta na ako sa coffee shop malapit sa school dito kami magkikita ng kapartner kong ang sama ng ugali hahaha umupo ako sa bakanteng upuan doon malapit sa bintana para makita ko yung mga papasok umorder narin muna ako ng coffee habang inaantay ko si Aiden.
Ang tagal naman non naubos ko na yung coffee na inorder ko wala parin siya tumingin ako sa wristwatch ko 30 minutes na nakalipas wala parin siya Hay naku! Nagulat ako ng biglang may umupo sa harap ko
"Ay kabayo!!!"
Ngumisi lang siya nagulat ako don ah
"Hoy alam mo bang 30 minutes kang late!!!"Pasigaw kong sabi sakanya
"You don't care"sambit niya
"Of course i care duh ! Pinagantay mo kaya ako!!!"
"Tss tara na sa kotse NERD"madiin niyang pagkakasabi sa nerd
Naglakad na lang ako papunta sa kotse niya at Sumakay na lang don
"Saan tayo gagawa?"Tanong ko
"Wag kanang matanong!"Sambit niya
Ilang minuto ang nakalipas nakarating rin kami sa Bahay nila ang laki bahay ba talaga nila ito dire-diretso siyang pumasok ng hindi manlang ako hinintay GentleDog hahaha naglakad na lang ako papasok wow ang ganda pagpasok ko may babaeng bumati sakin siguro kasambahy nila dito
"Pare chiks mo bayan?"Sabi nong isang lalaki siguro tropa niya base sa pagkatawag niya ng pare kay aiden
"Manahimik ka Ian!!!"Pasigaw na sabi ni aiden
"Haha ito naman nagbibiro lang,Hi I'm Ian and You?"Pagpapakilala niya sakin
"A-alyssa" utal na sabi ko
"Familiar yung mukha mo sakin saan nga ba kita nakita?"sabi naman ng isa pang lalaki
Lima silang lalaki dito at ang iba ay kasambahay na nasan kaya yung parents nito siguro masungit din yung mga yun hahaha eh masungit yung anak nila kanino pa ba yun magmamana kundi sa magulang niya
"Magumpisa na tayo" sabi niya
Ginawa nanamin yung project parang ako na nga halos ang gumawa eh walang kwentang kagrupo pagkatapos namin gawin yung project umuwi na agad ako hindi na ako nagpaalam sa mga kasama niya hindi ko naman close yun mamaya isipin pa nilang FC (feeling close) ako kaya kay aiden na lang ako nagpaalam tumungo lang naman siya kaya dire diretso palabas ng bahay nila
Bago umuwi dumaan muna ako sa Ayala Mall para kumain sa restaurant doon habang kumakain bigla kong nakita ang lalaking nangloko sa kaibigan ko kuya EA?
Anong ginagawa niya dito bakit pa siya bumalik naku naman umupo siya malapit table na inuupuan ko kaya naman kita ko parin siya yumuko ako ng kaonti para hindi niya ako makilala kasi hindi pa ako handang kausapin siya binilisan ko na lang ang pagkain at nagmamadaling umalis sa restaurant na iyon umupo muna ako sa bench na nakita ko paglabas ko ng ayala mall para makapagisip ng kaonti hindi parin ako makapaniwalang bumalik na siya For what? Ang daming tanong sa isip ko
Ilang oras din akong nakaupo doon ng mapagpasiyahan kong umuwi na lang nag taxi ako pauwi nung makarating sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko at tumulala bumaba muna ako saglit para kumuha ng maiinom pagbaba ko walang tao baka natutulog na sila kaya dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng tubig habang kumukuha ako bigla naman lumapit si chloe at kumuha rin ng tubig hindi ko siya pinansin natatakot akong sabihin sa kanila baka magkagulo nanaman kami ayoko ng maulit yun
'Alys may problema ba?"tanong niya
"Wa-wala okay lang ako Si-sige a-akyat na ako"
Bakit ka nauutal Alys baka mamaya mahalata niyang may problema ka Ano bayan bakit kapa kasi bumalik kuya EA eh ginugulo mulang utak ko
-----------------------------------------------------------
A/N
Hi Readers :D Sorry kung hindi kayo nagagandahan sa story na to First time ko po kasi magsulat ng story kaya pagpasensiyahan niyo na.
Naeenspire lang talaga ako ng ibang story nanababasa ko kaya naisip kong gumawa ng sarili kong story heheheh