♥.

813 17 9
  • Dedicated kay Rhovine and Rein
                                    

"Pagdating Ng Panahon"  

(KathQuen Short Story) 

INTRODUCING : RHOVINE AND REIN :)) 

***

Ginawa ko na ang lahat, as in lahat para mapansin niya ako. Sumali siya ng English club, sumali din ako kahit bobo ako sa English. Naging member siya ng basketball team, nag volunteer akong maging water girl para lang masilayan ko siya ng malapitan.

Sumama siya sa recollection, sumama din ako kahit na boring na boring ako sa mga ganyang bagay. Ngayon naman, kasali siya sa theater club, syempre magpapahuli ba ako? Eto ako ngayon, nagaantay na matawag ang turn ko sa audition.

Halos lahat na ng pagpapacute at pagpapapansin ginawa ko na pero bakit ni isang ngiti wala manlang ako nakukuha sa kanya? Ni anino ko hindi manlang niya mapansin?

Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Ako si Chandria, at laging tanong sa isip ko ..

Kailan mo ba ko mapapansin Ken?

"Ms. Chandria Manuel, on the stage please" tawag saakin ni Ate Rein.

Kasalukuyan akong nandito sa audition para sa theater club. May bago kasi silang production na gagawin at nangangailangan sila ng iba pang members. This time kasi, kesa stage play ang gagawin nila ay production talaga. At dahil malakas ang radar ko pagdating kay ken, nalaman kong kasali siya dito kaya naman eto ako ngayon, dali-daling nag audition.

Tumayo ako at hinawakan ko yung pendant ng kwintas na suot-suot ko. Isa itong G-clef pendant na bigay ng kababata ko at nagsisilbing lucky charm ko.

'Please, sana maging maayos ang pagkanta ko' bulong ko sa sarili ko.

Naka ready na ang piano ko atsaka ako umakyat sa stage. Tinignan ko yung panel of judges na nasa harap ko.

Asa gitna ay si Ate Rein. Siya yung president namin ngayon ng theater club. Sa kanan niya ay si Kuya Rhovine, ang boyfriend-slash-parekoy niya na siyang nag ha-handle sa music and sounds para sa theater club. Sa kaliwa naman niya ay si Julia.

Classmate namin siya and secretary ng theater club at siya din ang nakakauha ng lead role. Sa tabi naman niya ay si...

Napalunok ako bigla.

Si Ken. Siya ang vice-president ng theater club at the same time siya din yung nakakuha ng lead guy role.

"ok Chandria, what did you prepare for us?" tanong saakin ni Kuya Rhovine .

"uhmm k-kakanta po ako at tutugtog"

"ok you may start now" sabi naman ni Ate Rein.

Naupo ako doon sa bangko sa harap ng piano. Bago ako kumanta ay tumingin muna ako kay Ken. He gave me an encouraging smile.

My gulay! Nginitian niya ko? nginitian niya ko!! uwaaaaa mamamatay na ko! uwaaaa!

Hay naku Chandria! Umayos ka nga! Kailangan mong makakakanta ng maayos ng matanggap ka naman sa theater club at mas makasama mo si ken!

Inayos ang sarili ko then nag simula na akong mag piano at kumanta.

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin ...

Confident na confident ako habang kumakanta. Aba naman, talagang nag practice ako ng husto para makuha ako sa audition na to. Isa pa, ito kasing kanta na to ay para kay Ken. Sabi kasi ni mama, mas gumaganda ang pagkanta ng tao pag kinakanta niya ito para sa iba.

Alam kong di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din ..

Hindi ko maiwasang mapangiti bigla. Paano ba naman kasi naalala ko dati, sinadya kong ihulog yung mga libro na dala-dala ko nung magkasalubungan kami ni ken kaya lang pagkahulog ko nun sakto namang may tumawag sa kanya kaya hindi niya ako nakita.

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko’y
Maging tibok ng puso mo ..

Napatingin ako kay Ken pero this time hindi na siya nakatingin saakin. Busy na siya makipag kwentuhan kay Julia. Medyo na discourage tuloy ako ng onti pero pinag patuloy ko ang pagkanta dahil gustong gusto ko talagang matanggap dito.

Sana nga’y mangyari ‘yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon...

Pumikit ako at inalala yung mukha ni Ken kanina ng bigyan niya ako ng encouraging smile. Ma-imagine ko pa lang yun, bumalik na ulit ang confidence ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagkanta habang nakapikit.  

Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailang
Nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin ..

Siguro sa ngayon, wala ang atensyon saakin ni ken kundi na kay Julia. Syempre kahit pa maganda ang boses ko, di hamak naman na mas maganda ang mukha ni julia saakin. Walang sinabi ang boses ko sa ganda ni julia. Pero isinantabi ko muna ang pagiisip ng ganun at tanging mukha lang ni Ken ang inisip ko para makakanta ako ng maayos.

Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din iyon

Ilang clubs pa ba ang sasalihan mo ken? At sa ilang clubs pa ba kita dapat sundan para mapansin mo ako?  

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko’y
Maging tibok ng puso mo

Kung sabagay, kahit nga naman lagi ko siyang sundan, kahit lagi akong magpapansin, at kahit lagi akong nakabuntot sa kanya, kung di ako magkakalakas ng loob na magpakilala, walang mangyayari.

Sinubukan ko idilat ang mata ko at tumingin kay ken at halos mapatalon ang puso ko sa galak ng makita kong seryoso siyang nakikinig habang kumakanta ako ..

Sana nga’y mangyari ‘yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon ...

***

HOPE YOU LIKE IT :))

Pagdating Ng Panahon (KathQuen) [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon