***
"dria!!" tumakbo papalapit ang best friend kong si Miles saakin ng makalabas ako sa theater room
.
"anong nangyari sa audition! Pumasa ka ba ha? pasa ka ba? Bat ganyan ang mukha mo, parang nalugi? Uy! Teka don't tell me bumagsak ka?!"
O___O
Tinignan ko si miles then bigla akong ngumiti at nagtatalon ..
"PASADO AKO! NATANGGAP AKO! YEHEY!!"
"UWAAAAAAAA talaga?! Talaga?! Waaaaaaaah!!"
Nagyakapan naman kaming dalawa habang tumatalon talon kaming dalawa.
"yehey! Kasama ko na ang best friend ko sa theater club!" sabi ni miles saakin
"yehey! Masisilayan ko na araw araw si Ken!" sagot ko naman sa kanya.
Biglang huminto sa pagtalon si miles
"hmpf! Si Ken lang ba dahilan ng pagsali mo doon!" sabi niya habang naka pout. Medyo natawa naman ako. Kasali din kasi si Miles sa theater club at isa din siya sa mga dahilan kung bakit ako sumali.
Inakbayan ko si miles
"syempre isang dahilan din ang napakaganda kong best friend!"
Nginitian niya ako
"talaga? Maganda ako?"
"teka sabi ko bang ikaw ang tinutukoy ko?"
"ikaw ang sama mo! halika na nga at ilibre mo na ako ng lunch tutal natanggap ka naman!" sabi ni miles sabay hatak saakin papunta sa canteen.
***
(after 2 weeks)
Two weeks na akong member ng theater club at ngayon ko lang narealize na hindi pala biro ang ginagawa dito. Medyo malaki kasi ang production na ginagawa namin dahil ipapalabas ito during our school fair. Lahat ng highschool students ay required manuod .kaya naman lahat kami ay nape-pressure dito. Talagang pinili namin ang magagandang locations para mag shooting. Tinulungan din kami ng mga teachers namin sa pag gawa ng script at pag edit ng videos.
Isang romance movie ang plot namin. Sa story, magkababata si Enrique na ginagampanan ni Ken at si Kathryn na ginagampanan naman ni Julia tapos nagkahiwalay silang dalawa at after ilang taon ay nagkita ulit sila. Pero this time, may amnesia si kathryn at hindi na niya nakikilala si Enrique. On the other hand, nainlove naman sa kanya si Enrique at ginawa niya ang lahat para napansin siya ni Kathryn kaya lang kahit anong pagpapapansin niya ay hindi siya mapansin pansin nito. Feel na feel ko nga masyado yung flow ng story eh kasi nakakarelate ako sa character ni Enrique.
Dahil pilit akong nagpapapansin sa lalaking gumaganap sa character niya. At kung mangaasar nga naman ang tadhana, ang title ng movie ay "Pagdating Ng Panahon" Ako pa nga ang kakanta ng theme song eh.
Pero kahit napaka madugo ng production na to, masaya parin ako kasi araw araw kong nasisilayan si Ken. Araw-araw ko siyang nakikita ng mas malapitan. Hindi ko na siya kailangan i-stalk pa para lang masilayan ko ang maganda niyang ngiti at napaka sigla niyang mga tawa.
"Chandria, ready ka na bang kumanta?" tanong saakin ng teacher namin na nag di- direct ng production .
"Isasama kita sa scene mamaya. Ayos lang ba sayo?"
Medyo natuwa naman ako sa narinig ko .
"opo! Ayos lang po!"
Uwaaaaa kasama daw ako sa scene mamaya? Ibig sabihin nun makakasama ko si Ken sa scene? Masayang masaya na ako! Kahit kasi magkasama na kami sa theater club ay hindi parin naman talaga kami ganung ka-close ni Ken. Ang tanging paguusap lang namin ay "hi" tapos "good morning" tapos "ingat sa pag uwi, bye" Mga ganun lang. Pero yung makakwentuhan ng matagal? Hindi pa talaga. May mga times na gusto ko siyang lapitan at kausapin kaya lang lagi naman akong tinatamaan ng hiya! Pero ngayon, nabigyan ako ng chance na makasama siya sa isang scene! Tapos may lines pa kaming dalawa! At least kahit sa ganitong paraan ay makakausap ko si Ken.
Binasa ko yung mga lines na sasabihin ko sa script. Maiikli lang naman ito kaya naman madali ko siyang nakabisado. After nun, nag practice narin ako sa pagkanta.
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko’y
Maging tibok ng puso moSana nga’y mangyari ‘yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon"uy"
Napatigil ako sa pag kanta ng may kumalabit saakin. Nilingon ko naman ito.
"K-ken!" O___O
Halos lumabas ang mata ko sa sobrang panlalaki nito ng makita kong nakatayo si Ken sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko tapos inabutan niya ako ng mineral water.
"inom ka muna para di ka mamaos" sabi ni ken saakin habang nakangiti.
Nakatulala naman akong inabot yung mineral water "s-salamat"
"makaka-scene pala kita mamaya? Galingan natin ah!"
Tumango lang ako sa kanya
"sige mag kakabisa muna ko ng lines mamaya na lang" sabi ni ken saakin
"bye bye"
"b-babye!"
***
CONTINUE ...