HAPPY VALENTINES DAY, EVERYONE! ito ay ang handog ko sa inyong one shot story na pwedeng pwede talaga para sa mga lalaki't babae. mas makakarelate siguro ang lalaki dito? pero sana ay inyong magustuhan. umabsent pa ako para lang gawin 'to. 'de, charot! rest day ko kasi 'to. one shot lang naman 'to kaya sana maappreciate ninyo. ngayon nalang ulit ako nakagawa ng one shot dahil super inspired ako kahit wala akong kadate ngayon. XD ayoko nang pahabain pa 'to, wala na ring prologue o introduction pa 'to!
dedicated 'to sa 'yo, bebe. ewan ko pero ikaw siguro ang isa sa mga naging inspirasyon ko sa paggawa nito. ENJOY! alam na, kasama 'to sa humor category syempre. alam niyo naman... hahaha. some languages might be offensive to young readers. you've been warned! read at your own risk. kanya kanyang style 'yan. ^^,)v
---
"Ako na ang ADR! Kayo na ang tank, AD at AP. Jinx ang champion ko." Umaalingawngaw ang lakas ng boses ni Francine sa loob ng computer shop, dahil sa ingay niya dito sa kakalaro.
"Sige! Ako na ang tank. Garen ang gagamitin ko." Sabi ng isa sa mga kashop niya dito sa paglalaro. Sa katunayan, 'di naman talaga niya ito kilala. Basta lang siya nakisali sa laro nila nang 'di nag-abalang magpakilala pa. 'Di naman nakatanggi ang mga kakampi niya, dahil sa gandang 'yan? May makakatanggi pa ba kaya? Lalo na't, turn on para sa isang lalaki ang pagiging gamer na katangian ng isang babae.
"Ako na ang AP! Si Morgana ang gagamitin ko. Best champion ko ito, hehe." Pagyayabang naman ng isa sa mga kashop niya.
'Paki ko sa 'yo?' Ito nalang ang nasa isip ni Francine nung sinabi iyon ng isa sa mga kashop niya. Ang gusto lang naman niya ngayon ay mairaos ang nangangati niyang kamay sa paglalaro. Wala na siyang pakielam kung kilala pa niya ito o hindi, kung jejemon ba ito magtype o hindi, pangit man 'to o gwapo, pero isa lang ang nasa utak niya... Basta ba ay magaling lumaro, ay okay na okay na ito sa kanya.
Napangiti nalang siya out of nowhere nang maisip niya iyon. Isang malaking turn on talaga para sa kanya ang makakilala ng isang lalaking may talento sa paglalaro ng League of Legends, o LoL. Kahit na pangit ito, basta ba magaling lumaro, wala na siyang pakielam pa kung mukhang bisugo pa ito. Kung itutulad ito sa isang libog na 'di na mapigilan pa, ito nga ang best example. Na basta lang makahanap ng titi, okay lang! Mairaos lang daw ang libog, ika nga nila.
Lahat kasi ng mga nakarelasyon niya ay puro mga gamers. Dota player, HON player, SF player, at LoL player. Ayaw naman niya sa mga Angry Birds player, Flappy Bird player, Plants vs. Zombies player, Zombie Smasher player at marami pang iba. Gusto niya talaga ang mga lalaking nakikipagsapalaran para sa kanya, gaya nga ng nilalaro nila ngayon. Na sasagipin ng bawat isa ang buhay ng iba't ibang heroes dito.
"Ako na AD! Magsi-Sivir na ako!" Sabi nung isa sa mga kashop niya. Nauna na niya kasing i-lock in ang hero niya dahil sabik na siyang maglaro. Naiinip na nga yata ito dahil sa tagal ng mga kashop niyang pumili ng best hero na lalaruin nila.
"ADR na rin---" 'Di na niya pinatapos pa ang sasabihin ng isa pa niya sa mga kashop niya, "I-lock mo nalang 'yan! Ang dami pang sinasabi eh. Kailangan sasabihin muna ng malakasan bago i-lock ang napiling champion?! 'Di ba namin 'yun makikita sa screen ng monitor namin? Tss. Bilis na!" Atat na atat na niyang sinabi.
Napatawa naman ang mga kashop niya sa sinabi niya. Biruin niyo nga naman kasi, isang chix pa ang nagmamadaling maglaro ng panlarong lalaki. Rare na nga lang daw ang mga babaeng gamers. At dahil sa kinuha nila ang mapalad at banal na kamay ng Hesus, napunta sa kanila ang isang chix na gamer. Kusang sumali kasi si Francine sa mga manlalarong ito.
Nang makalock in na ang iba't ibang champion heroes na gagamitin nila, nag-usap usap na sila kung saang lane sila, anong unang items, at kung sino ang unang titirahin.
BINABASA MO ANG
League of Lovers (ONE SHOT STORY)
Humor(COMPLETED) Sinong may sabing walang love story ang mga gamers? Uy, hindi ah! Puwedeng maging dahilan pa ang isang laro para mahulog ang loob ng bawat isa. Sa larong League of Legends, pucha! Hindi mo aakalaing League of Lovers ang magiging kahihina...