GATE
Nangangawit na ako kahihintay sa'yo rito sa harap ng gate mo. Kailan mo ba ako papapasukin? Gustong-gusto ko nang pumasok. Papasukin mo na ako...
*1 message recieve*
From: Anna
Pupunta ka sa 1st day ng intrams sa school?
Intrams? Oo nga pala. Bukas na yun. Sakto, wala akong pasok bukas.
Nagreply ako kay Anna.
To: Anna
Yup.
2 years na ang nakakalipas nang lisanin ko ang high school family ko. 2nd year college na ako ngayon. Sa isang University na ako nag-aaral. Kamusta na kaya ang school? Buti na lang talaga free ako bukas. Pwedeng-pwede akong makisali sa opening ng intrams.
*1 message recieve*
From: Anna
Truth daw ang may handle ng Message Booth. Pwede raw ideliver dun sa mismong tao yung message. Pupunta sigurado si Jules bukas, magsusulat ka na naman ba? Taon-taon na lang.
Truth ang section namin nung 4th year.
To: Anna
Talaga? Ayos. Oo naman. Lagi ko naman ginagawa yun. Di na kayo nasanay.
*1 message recieve*
From: Anna
Ayaw mo naman ipabigay ng deretsahan kay Jules. Anong mapapala mo sa pag-post lang nung sulat sa board. Iba ang nakakabasa, hindi siya mismo.
Kung sabagay. Lagi akong nagsusulat sa mga message booth ng letters para kay Jules. Pero instead na ipabigay sa kanya ng deretsahan, dinidikit ko na lang sa board nung booth. Lagi akong nagbabakasakali na mabasa niya.
Nahihiya kasi akong ibigay sa kanya yung letter. Wala akong lakas ng loob.
4 years. 4 years na, Sheela. Hindi ka pa ba napapagod sa pagpapapansin sa kanya? Hindi ka pa ba napapagod tumingin sa kanya mula sa malayo? Mahal mo siya. Wala ka bang balak sabihin ng deretsahan?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko. Dinampot ko yung ballpen na nasa gilid ng table sa tabi ng kama ko. Kinuha ko yung bag ko at inilabas ang yellow pad paper ko. Sinimulan ko ang pag susulat.
Dear Jules Havier,
Ang tagal ko nang nakatayo rito sa harap ng gate mo. Kailan mo ba ako papapasukin? Handa akong maghintay ng matagal. Umaasa ako na balang araw, bubuksan mo rin yung gate para sa akin. Siguro nagtataka ka kung ano yung "gate" na tinutukoy ko. Metaphorical. Yung "gate" na yun ay ang puso mo. 4 years... 4 years na akong nakatayo rito. Paulit-ulit kong pinindot yung doorbell, na halos masira ko na nga, pero hindi mo pa rin ako pinagbubuksan.
Kahit isang silip lang. Ang importante ay napansin mo ako. Ang sabi ko pa nga sa kaibigan ko, "Baka sira yung doorbell kaya hindi niya ako naririnig."
Ang sabi naman niya sa akin, "Buo yung doorbell. Naririnig ka niya. Ayaw ka lang niya talagang pagbuksan dahil may ibang tao na nasa loob."
Pero ang sabi ko sa kanya, "Edi kakalampagin ko na lang yung gate."
Ang sagot naman ng kaibigan ko, "Kahit anong gawin mo, kahit sirain mo pa yung gate, kung may nakapasok na na iba, no entrace na. Dahil no chance na."
BINABASA MO ANG
GATE (A Valentine Special)
RomanceNangangawit na ako kahihintay sa'yo rito sa harap ng gate mo. Kailan mo ba ako papapasukin? Gustong-gusto ko nang pumasok. Papasukin mo na ako...