252 14 7
                                    

Miyaki's POV

Hay nako! Umagang umaga nagseseremonyas na naman yung boyfriend ko. Ang lakas ng pms neto ngayon! Yung magandang gising ko kanina, napepeste na ngayon! Kung hindi ko lang mahal tong lalaking to eh! Nako! Matagal ko na siguro tong pinagpalit! Tsk!

"Ano?! Miyaki nakikinig ka ba?! Ha?! Kanina pa ako nagsasalita dito!"- See? Napaka-init ng ulo eh! Dinaig pa yung babaeng merong period!

"Ikaw, Jared ha! Napipikon na ko sayo! Nagsorry naman na ako dun eh! Siya din naman ang may kasalanan. Bakit feel ko ako yung mali dito kahit na ako yung pinagsalitaan ng masakit? Ako yung natawag na mang-aagaw at malandi pero parang dun ka pa kumakampi!" - I shrieked out! Nababanas na ko kay Jared eh! Juskoo po!

"Hindi sa ganun baby, pinagsasabihin kita for your own good. Alam ng lahat na maarte ka pero hindi ka malandi. Sorry na baby, huwag mo ng ikunot yang noo mo. Sige ka, papangit ka nyan." - Putspaaaaaaaaaa! Kanina ang init ng ulo tapos ngayon sweet, Hay nako Jared Dela Cruz! Kung hindi lang nakakakilig yang pinagsasabi mo.

"Oo na. Bati na ulit tayo. Basta, lagi ka lang nandito para sa akin ha Jared? Alam mong ikaw yung lakas ko eh." - Oo, ako na ang malandi! Masisisi niyo ba ako kung ang boyfriend ko ang pinaka-gwapo dito sa University namin tas ang sweet pa! Ang swerte ko! Kaya mainggit kayo! Bleeeh :P

"Uhm. Jared ko, anong balak mong gawin sa Valentines day, February 10 na ngayon. We should made plans na." - Di ako papahuli dyan sa Valentines noh! This man beside me never failed me every Valentines Day. 4 years na po kame, mainggit ulit kayo! Hahaha!

"Balak ko? Mag-aral tayo." - Napapanganga na lang ako sa narinig ko! I can't believe it! Valentines day yun eh!

"Jared, huwag mo kong simulan ngayon. Kakagaling naten sa LQ, ayokong mag-away tayo. February 14 is VALENTINES DAY. V-A-L-E-N-T-I-N-E-S D-A-Y! Aral, pwede namang gawin  sa ibang araw yun eh!"

" Hindi ako nagbibiro Miyaki, 14 ay exam natin. Alam kong alam mo yan. Mag-aaral tayo sa ayaw at gusto mo!" - Nalulungkot ako sa sinasabi niya eh. Sinigawan pa ko. Ouch ha </3 Kaawaan niyo ko! Please!

"Jared, ano ka ba naman! Sa 4 years natin, lagi tayong nagcecelebrate ng Valentines day. Ano bang nakain mo at pag-aaral ang nasa isip mo! Kada sasapit ang Feb.10 pagpaplano ang ginagawa natin pero bakit ngayon, aral yang naiisip mo?!!" - Ganun na ba ang halaga ko sa kanya? Na dapat di na namin cinecelebrate ang hearts day? Hay nako.

"Miyaki! Huwag kang hibang! Napaka daming 14 na dadaan! Exam natin yun oh, tas Valentines nasa isip mo! Wala kang pinagka-iba sa ibang babae eh! Puro kaartehan lang ang nasa isip! Tsk!

By that time, tumulo na ang luha ko. Masakit na yung pinagsasasabi ni Jared ha. Ganun na ba ang tingin niya sa'ken? Yung babaeng puro kaartehan ang alam at hindi nag-aaral ng mabuti. Nasa dean's list naman ako ah. Pero ganun pa din yung tingin niya sa'ken? Masakit </3

"Ayy, ganun ba. Tss! Wala akong pinagka-iba sa ibang babae dyan! G*go ka Jared! Alam mong hindi totoo yan! Mahal kita, sobra! Sa sobrang pagmamahal ko sayo, gusto kong ikaw lang ang makasama ko sa bawat araw na yun lalo na sa 14 pero kung masama ang dating sayo, sorry ha! Sige, maiwan na kita! Isaksak mo sa baga mo yang libro at notebooks mo!"

And boom! Nag walk out ako! Bilang Miyaki, walang makakatiis sa akin. Ako si Miyaki na maganda. Inside and out. Bitch kapag bitch ka. Yung babaeng hindi dapat sinasaktan at pinakakawalan dahil ako yung the best sa lahat!

" Miyaki, wait! Okay, Im sorry baby. Sorry for being harsh to you. Nabigla lang ako kaya nasabi ko yun sayo. Sorry na baby. *Sabay yakap sa'ken* "

My Not Oh-So-Perfect-Boyfriend ♥ ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon