Hay, Valentines Day,
sabi nila, iba raw talaga yung pakiramdam
pagsumasapit yung araw na toh.
Para sakin, parang "pasko",
parang lahat ng tao, masaya,
punong-puno ng pagmamahal at pag-asa.
Pero, sa taong tulad ko?
parang, wala lang.
Parang normal na araw parin.
Nakakatuwa ang mga tao sa paligid noh,
mga kabado,
may mga naiiyak,
ang iba, nangagawit na sa hawak-hawak nila,
may naghihintay,
may masaya,
may nagbabasakali,
at higit sa lahat,
maraming umaasa.
Kung sabagay,
isang araw ng mga puso
sa mga daan para mapalapit ka sa mahal mo.
Baka sa araw na toh magkaroon ka ng pagasa
o kaya sagutin kana.
At sa araw na ito,
malalaman mo ang sagot
sa katanungan mong,
titigil kana bah, oh babasakali pah.
"Yung feeling na Mahal mo siya,
pero Hindi ka naman niya kilala?"